16

45 4 0
                                    

Haylee's POV

      Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, dumilat naman ako at nakita ko ang isang lalaking mahimbing na natutulog sa tabi ko. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha habang mahimbing ang kaniyang pagtulog.

"Tapos ka na bang tumitig?" Tanong nito sa akin at napabalikwas naman ako dahil sa gulat. Bumangon din siya ngunit hindi ko siya tinapunan ng tingin.

"Bakit hindi ka makatingin sa mata ko? Siguro crush mo ako 'no?" Pang-aasar nito sa akin kaya naman agad akong humarap sa kaniya.

"Lul, asa ka" sagot ko sa kaniya at nag-bleh.

Tulog parin ang anim kaya naman nauna na ako sa banyo para gawin ang morning routine ko. Habang kumukuha ako ng damit ko ay nakita ko naman ang relo at mga damit na dapat ay ibibigay ko kay Yohan kahapon. Habang hindi pa gising ang anim ay agad ko namang ibinigay ito sa kaniya.

"Ano 'to? Crush mo talaga ako eh 'no?" Muli niyang pang-aasar nang ibigay ko sa kaniya ang paper bag na may laman na tshirt at relo.

"Akin na nga." Sagot ko naman sa kaniya at akmang kukunin ang paper bag ng hawakan niya ang kamay ko.

"Joke lang naman, hindi ka mabiro." Ani niya at ngumiti.

Nang makita niya ang laman nito ay nakita ko sa mata niya ang pagkakagulat.

"Wow! Para saan ito? Ang mamahal nito ah." Gulat na gulat ang reaksyon niya ngunit batid ko sa mga mata niyang masaya siya.

"Birthday mo kahapon eh, belated happy birthday." Bati kong muli sa kaniya at ngumiti bago pumasok sa banyo.

"Ahh, may binigay ka na kahapon ah? Pero salamat dito, masyadokapang nag-abala." Rinig kong sabi niya noong papasok ako sa banyo.

Nang matapos kong gawin ang morning routine ko ay nakita ko naman si Yohan na nakapikit na ulit, kaya naman gumana ang aking demonyong utak. Kinuha ko ang lipstick at eye shadow na nasa bag ko at lumapit ako uli kay Yohan. Nilagyan ko siya ng lipstick sa labi pati na rin sa pisngi. Hugis puso ang inilagay ko at agad na nilagyan ang mata niya ng eye shadow.

Kabog si Madam!

Matapos ko itong gawin ay ibinalik ko naman agad ang mga ginamit ko sa bag ko at kinuha ang cellphone ko para picture-an siya. Magagamit ko ito next year sa birthday niya hehehe.

"Ano tapos mo na akong picture-an? Pwede na ako dumilat?" Tanong naman nito sa akin. 

Bahagya akong nagulat ngunit mas nangibabaw ang pagtawa ko.

"Oo sige, maligo ka na rin ang baho mo na. Amoy imburnal ka." Pang-aasar ko sa kaniya at humagalpak ng tawa.

Nakita ko namang dumilat na siya at bumangon.

"Bakit ka tumatawa?" Takang tanong nito sa akin.

Seryoso ba siya? Kanina pa ba siya gising? Hindi man lang niya naramdaman paglalagay ko?

"Ang baho mo kasi, maligo ka na nga." Pang-aasar ko ulit sa kaniya at muling tumawa.

Habang kumukuha siya ng damit ay mabuti na lamang nang hindi niya maisipang tumingin sa repleksiyon niya sa tv. Nang makapasok siya sa banyo ay agad akong humagalpak uli ng tawa at mas lalo naman akong natawa ng marinig ko siyang sumigaw sa banyo.

Ilang saglit lamang ay nagising na rin ang anim dahil sa sigaw ni Yohan. Hindi rin nagtagal nang matapos maligo si Yohan. Lumabas ito na walang suot na pantaas kaya naman nagulat ako.

Lord, ang daming pandesal!!

"Wow naman, may pa-topless papi Yohan!!" Hiyaw ni Zade.

"Yes naman, papa Yohan! Ang yummy mo naman po!!" Hiyaw din ni Dylan at tumawa.

Together, Forever.Where stories live. Discover now