18

39 3 0
                                    

Yohan's POV

      Alas singko ng umaga nang gumising ako para maghanda ng mga dapat ihanda ngayong gabi, masigla akong bumangon at ginawa ang morning routines ko. Nang makatapos ako ay agad ko namang ginising ang apat dahil sila ang kasama kong bibili ng tent, pagkain at iba pang mga kailangan.

"Ano ba 'yan pre ang aga aga eh, mamaya mo na 'yan ayusin." Reklamo ni Rjay at bumalik sa pagtulog.

"Pre, masyado pang maaga mamaya na." Reklamo rin ni Zade at bumalik sa pagkakayakap kay Maeriel at natulog ulit.

"Tol ang aga pa sobra, kaya mo na 'yan matanda ka na." Reklamo rin ni Dylan at bumalik na rin sa pag tulog.

ANG TATAMAD!

Dahil nga masyado pang maaga ay lumabas naman ako para bumili ng almusal nila este namin. May nakita naman akong lugawan at narinig kong madalas nagc-crave si Haylee kaya bumili ako ng dalawa nito. Sumunod naman akong pumunta sa 7- eleven para bumili ng iba pang almusal para sa anim pati na rin mga tsitserya na gustong-gusto ni Haylee. Sunod naman akong pumunta sa Mcdo para bumili rin ng almusal namin pati na rin mga kape namin. Nang makabili naman ako ay agad akong bumalik sa kwarto naming walo para gisingin silang lahat upang kumain ng almusal. Nakita ko ang susi ng van nila Zade kaya naman ito ang ginamit ko para hindi ako mahirapan magbitbit ng mga pinamili ko. Nang makarating ako sa kwarto ay agad naman akong lumapit kay Haylee para gisingin ito. Tinitigan ko siya at hinaplos haplos ang buhok niya atsaka hinalikan sa noo.

"Haylee, wake up." Panggigising ko sa kaniya at tinapik-tapik siya ng mahina.

"Hmmm" sagot nito sa akin at iniba ang pwesto niya habang natutulog.

"Gising na, ayaw mo ba ng lugaw? Sayang, ako na lang kakain nito lalamig na eh." Tanong ko sa kaniya at nagulat ako nang dumilat siya bigla.

Katakot 'yon ha.

"Gising ka na?" Takang tanong ko sa kaniya at iwinagayway ang kamay ko sa mukha niya.

"Oo, wait lang. 'Wag ka muna kakain ha." Sabi niya at pumasok sa banyo dahil gagawin na niya ang morning routine niya.

Ilang saglit pa ay natapos na siya at lumabas na sa banyo.

"Goodmorning." Bati niya sa akin at ngumiti

Ang ganda ganda talaga, kainlove! (≧∀≦)ゞ

"Goodmorning." Bati ko rin sa kaniya at tumayo saka siya niyakap at hinalikan sa noo.

"Wow! Ang dami!" Excited na excited ito nang makita niya ang mga binili kong pagkain.

"Bakit ako lang ginising mo? Gisingin mo na rin sila, sayang yung kape baka lumamig." Sabi naman niya kaya agad kong sinunod ito ngunit hindi talaga nagpatinag sa amin ang anim kaya naman naisipan naming magpatugtog ng mga pang-rock 'n' roll na tugtog dahil panigurado ay magigising sila.

Natawa naman kami ni Haylee sa plano namin at agad naman naming isinaksak ang mga speaker sa mga phone nila. Mabuti na lamang ay walang mga password ang mga phone nila kaya naman mabilis lang namin itong nai-connect sa mga speaker. Nang mai-connect at mahanap ang mga kantang ipapatugtog ay agad naman naming tinodo ang volume na ito.

"1....2....3!" Pagbibilang ni Haylee at agad naman naming pinindot ang play button ng mga ito.

Humagalpak naman kami nang tawa nang sabay-sabay na magsibangon ang anim tapos mga sabog pa, itinigil namin ang kanta at nakita naman naming dalawa na nabwisit sila.

"Ayaw niyo kasi gumising eh." Paliwanag naman ni Haylee at humalakhak ng malakas.

"Alam niyo, kayong dalawa ang sarap niyong pag-untugin." Nab-bwisit naman na sabi ni Sydney at mas lalo naman kaming natawa.

Together, Forever.Where stories live. Discover now