38

24 1 0
                                    

Yohan's POV

      Ilang araw at linggo ang lumipas matapos kong mag-propose kay Haylee at ngayon ang araw ng Anniversary namin ni Haylee. Mamaya darating ang package ko na may regalo ko para kay Haylee. May laman itong necklace, letter, konting balloons and a special spongebob.

"Hi, love! Good morning, happy Anniversary! I love you so much!" Sigaw ni Haylee papunta sa akin at nang malapitan niya ako ay agad niya akong hinalikan sa labi.

"Good morning baby ko, happy anniversary! I love you most." Sagot ko sa kaniya at hinalikan siya sa noo. Agad kong kinuha ang package at binigay ito sa kaniya.

"Hala, ano 'to? Wala akong ibibigay sa'yo, kiss lang." Nahihiyang sabi nito sa akin at ngumiti naman ako.

Agad naman niya itong binuksan at nagulat siya sa mga nakita niya.

"Wow! Ito ba yung BTS inspired na necklace?" Tanong nito sa akin at tumango.

"Waaa! Thank you so much, love! Ang ganda ganda!" Sigaw nito at yumakap sa akin.

Isinuot ko sa kaniya ang kwintas habang binabasa ang letter na nakalagay doon.

Haylee's POV

      Hindi ko inexpect na may regalo pa si Yohan sa akin ngayong anniversary, hinanda ko lang yung pagkain namin saka nagsulat ng letter para sa gift pero siya bumili pa rin talaga T^T.

Hello mahal ko, happy anniversary! You already know naman na that I love you so much and I am literally falling in love with you every day. My day gets better when I see you smile, especially when I'm with you. You always make my day special; you are my sunshine, my treasure and my only love. Thank you for your endless love and also for always being there for me through our relationship's ups and downs. Thank you for everything, baby! You deserve everything because you are the bestest girlfriend, fiancé, and wife. Soon, we'll be married. I can't wait to kiss you there, travel the world with you, and make a happy family with you. I promise to take care of you, give you everything you want as long as I can and to love you endlessly. I am thankful for having you, you are the best gift I've ever had. Again, happy anniversary and I love you so much!

Hindi ko maiwasang maluha, grabe napaka-sweet talaga nito. Walang kupas T^T

"Aww, ang mahal ko cry baby pa rin." Sabi nito sa akin habang nakayakap at natawa ng bahagya.

"Wait love, I'll get something." Sabi ko at agad na kumalas sa yakap at umakyat sa taas.

Kinuha ko ang letter na isinulat ko para sa kaniya at nang makababa ako ay agad kong ibinigay iyon sa kaniya.

Nakangiti siya habang nagbabasa at matapos niya itong mabasa ay agad naman itong yumakap sa akin at hinalikan ako.

"Tara na, kain." Pag-aaya ko sa kaniya.

"Sardinas nga lamang ang ulam." Sabay naming sabi at tumawa. (Trending to before)

Pumunta kami sa kusina at nagsimulang kumain. Nagkwentuhan kami nang nagkwentuhan habang kumakain, napakasaya talaga ng ganito. Pakain-kain lang habang nag-uusap, simple pero ang sarap sa pakiramdam at sobrang nakaka-relax.

Pagkatapos naming kumain ay nagsi-ligo na kami at naghanda para umalis. Pupunta kami sa mall para maglaro at para kumain syempre. Habang nasa byahe naman kami ay nag-soundtrip lamang kami, kanta rito at kanta roon.


Nang makarating naman kami sa mall ay agad ko siyang hinila sa mga arcade games. Laro rito, laro roon. Harot dito, harot doon. Matapos naming maglaro ay syempre nagutom kami kaya agad kaming pumunta sa hotel para- char. Pumunta kami sa McDo para kumain na ulit, nagkwentuhan tawanan at kung ano-ano pa.

Matapos naman naming kumain ay napagdesisyunan na naming umuwi para manood ng Dramas katulad ng "Hello, Mr. Gu" at "Mr. Honesty". Nag-take-out kami ng mga pagkain sa McDo, Jollibee at KFC dahil magmumukbang kami habang nanonood at dahil na rin sa katakawan namin parehas ay naparami ang na-take-out namin.


Habang pauwi kami ay nakakita ako ng mga street foods kaya naman pumunta rin ako ro'n para bumili, syempre yung tinake-out namin pang-dinner na rin kaya kailangan namin ng meryenda muna. Nang makauwi kami ay agad kaming nagbihis, inayos ang mga pagkain at pati na rin ang mga papanoorin namin habang kumakain.


Habang nanonood naman kami ay nagtawanan at nagkainan kami. Pagkain yung kinain namin syempre, ang mga utak mga mars.

Yohan's POV

      Natagalan rin kaming manood dahil half hour yung bawat episode at syempre tatapusin namin ito. Habang nasa kalagitnaan ng panood ay may kumatok sa pinto namin. Nagtinginan kami na para bang nagtatanong kung sino ang nag-imbita sa amin ng bisita. Nagulat kami nang makita namin ang anim nang buksan namin ang pinto.


"Anong ginagawa niyo rito aber?" Sabay naming tanong.

"Bakit nakakaistorbo ba kami?" Nang aasar nilang tanong.

"Oo-" siniko ko si Yohan.

"Pasok na, daming dada." Pag-aaya ko naman.

"Ay wow, nanonood din kayo nito? Tara g, mga mhie dahil may dala rin kaming foods!" Sabi ni Sydney.

Mag-oovernight daw sila rito kaya naman nag-order na lang ulit kami ng pangdagdag na dinner namin. Nagkwentuhan at kumain kami ng mga pagkain habang nanonood kami ng Hello, Mr. Gu. At syempre gabi na natapos ang drama na iyon at bitin pa kaya sinimulan na rin naming panoorin ang Mr. Honesty.


Puno ng tawanan at daldalan ang sala namin habang nanonood at kumakain. Palalim ng palalim ang gabi at napapansin kong napipikit na si Haylee kaya naman agad akong tumabi sa kaniya at inakbayan para sumandal siya sa akin kung inaantok na siya.


Alas-tres ng madaling araw namin natapos ang panonood at lahat kami ay bagsak na. Kaniya-kaniyang pwesto na sila at kami naman ni Haylee at nanatili rito sa sofa dahil kanina pa siya tulog habang nakasandal sa akin.

At dahil nga hindi pa naman ako gano'n ka-antok ay agad kong kinuha ang cellphone ko para picture-an ang mga bagsak at inilagay sa story ko na may caption na "ang mga sugod bahay na bagsak🤣".

Natawa naman ako nang makita ang mga itsura nila sa picture. At syempre para fair ay nag-picture rin kami ni Hayles pero napaka-unfair sa kanila dahil sobrang ganda pa rin niya habang natutulog. Inilagay ko rin ito sa story ko na may caption na "beautiful wifey<3". Napangiti ako habang nakatingin sa picture niya dahil hindi pa rin ako makapaniwala na magiging asawa ko na ang babaeng sinusungit-sungitan at inaasar ko noon.


Habang nagmumuni muni ako patungkol sa kung ano-ano ay naramdaman kong dumadalaw na ang antok ko kaya naman agad akong umayos at ipinikit na rin ang mga mata ko.

Together, Forever.Where stories live. Discover now