EPILOGUE

58 1 0
                                    

Many years have passed...

Haylee's POV

Ngayon ang birthday ng bunso naming si Cassidy. Naghahanda na kami ni Chase para sa first birthday ng kapatid niya, samantalang ang daddy nila ay nasa duty ngayon bilang taga-libang ni Cassidy.

Ilang taon na rin ang lumipas, maraming pag-ttravel at mga bagay na ang nagawa namin bilang mag-asawa at bilang pamilya.

Dalawang magkapatid lamang sina Cassidy at si Chase. Ay hindi, bale apat. We have two years old cat named Yosh and a one year old dog named Yam. 5 years ang agwat ng dalawang magkapatid at masaya akong napaka-cheerful nilang dalawa, mana sa akin!

Ang pangalan nina Cassidy ay sinunod sa pangalan ko samantalang ang pangalan nina Yosh ay sinunod naman sa pangalan ni Yohan.

"Cassidy Abigail!" Tawag ni Chase sa kapatid niya upang makipaglaro dito.

Tuwang-tuwa ang dalawa habang naglalaro, mabuti na lamang at tinuruan talaga namin ng tama si Chase kung paano maging isang kuya o mas nakatatandang kapatid sa bunso namin. Manang mana siya sa daddy niya, napaka-caring at napakamaalalahanin. Inimbita namin ang anim na tukmol, syempre hindi sila pwedeng mawala 'no. Pati na ang mga magulang namin at ang iba pa naming mga relatives.

Ako na ang nagprisintang magpaligo kay Cassidy at si Yohan naman ang nagpaligo kay Chase.

Excited na excited ang mga bata para sa party at tuwang-tuwa naman sila nang magsi-dating ang iba pang bisita. Ilang oras din ang lumipas at nakumpleto na ang lahat, sinimulan na ang birthday party ni Cassidy at napakaraming palaro at mga pagkain ang inihanda namin.

"Grabe, bonggang bongga talaga' to ah." sabi ni Maeriel sa akin.

"Hindi ka pa nasanay, kahit nga birthday ni Yosh at Yam halos magpaganito na silang mag-asawa." Pagbibiro naman ni Arianne.

"Aba, syempre 'no. Hindi kami nagkayod ni Yohan para maging financially stable para sa wala." sagot ko sa kaniya at tumawa.

"Mahal, should we call mom? Bakit wala pa sila ni Mama?" Tanong ni Yohan sa akin.

Umalis kasi sila mama dahil bibili raw sila ng cake at regalo para kay Cassidy at syempre para rin daw kay Chase.

"Baka na-traffic lang sila or madaming tao mahal, maya-maya nalang siguro." Sagot ko sa kaniya.

"Okay, sige." sabi ni Yohan sa akin at humawak sa bewang ko.

"Naks, parang binata't dalaga pa rin ah." Biro ni Dylan sa amin.

"Syempre." sabay naming sagot ni Yohan at humalakhak.

Mabilis na natapos ang pangyayari, kainan na ngayon at busy kami ni Yohan sa paghahanda at pagbibigay ng pagkain sa mga guest. Habang nagbibigay ng mga pagkain ay siya namang pagdating nila Mom kaya naman tinulungan sa mga dala nila at inalalayan papasok sa bahay.

Yohan's POV

      Napakabilis talaga ng panahon, parang nung nakaraan lang nagsusungitan pa kami ni Haylee. Ngayon naman nag-birthday na ang bunso namin, grabe talaga. Tinulungan kong mag-ayos si Haylee dahil katatapos lang ng party ni Cassidy. Si Chase na ang nagpatulog at nagdala kay Cassidy sa kwarto kaya naman nag-ayos na lang kami ni Haylee.

"Daddy, where are they?" Tanong ni Chase sa akin.

"Sino po?" Tanong ko pabalik.

"Si Mommy po." Sagot nito sa akin.

"Ahh, nando'n sa banyo nag-aayos yata. Why? Do you need anything?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala naman po daddy, I just want to thank mom kasi nabigyan ako ng gift nila Lola." Sagot niya sa akin at napangiti naman ako.

Together, Forever.Where stories live. Discover now