27

45 3 0
                                    

Yohan's POV

      Alas nuwebe na ng umaga ngunit hindi pa rin bumababa si Haylee, napasarap siguro tulog niya. Nag-chat yung anim sa groupchat namin na pupunta sila rito simula mamaya hanggang linggo kaya naman nag-ayos-ayos na muna ako saka nagluto ng almusal at pananghalian namin. Nagluto lang ako ng itlog at ipinalaman ito sa tinapay, nagtimpla naman ako ng gatas para kay Haylee, nilagyan ko rin ang isang plato ng kanin at bacon at kumuha ng lalagyan para madala ko ito sa kwarto niya.

      Matapos kong maiayos ito ay umakyat na ako sa kwarto niya saka kumatok. Wala naman sumagot kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto niya para hindi siya magising kung natutulog pa siya. Nang mabuksan ko ang pinto niya ay halata namang nagulat siya sa pagbukas ko dahil nagsisimula na siyang mag-review, napakasipag naman nitong mahal ko.

"Here's your food, akala ko tulog ka pa." Sabi ko sa kaniya.

"Sorry, 'di ko narinig na kumatok ka. Thank you for this, alam mo na talaga kung anong fave ko." sabi niya at ngumiti naman sa akin.

Ang ganda talaga.

Nginitian ko rin siya at lumabas na ng kwarto niya para makapagreview na siya ng maayos. Hindi ko maalis ang ngiti ko sa aking mga labi dahil sa hindi malamang dahilan.


      Bumaba na ako at pumasok sa banyo para gawin na ang morning routine ko, ilang minuto rin akong nasa banyo dahil nagconcert ako. Hindi na muna ako nagsuot ng tshirt ko dahil mababasa lang ito kaya naman topless akong lumabas ng banyo. Nang makalabas ako ay nagulat ako nang makita sa harap ko si Haylee na tulala, napatingin naman ako agad kung saan siya nakatingin. Napahalakhak naman ako ng bahagya at lumapit sa kaniya. Halata namang nagulat siya sa paglapit ko dahil unti-unti siyang umatras. Maasar nga.

"H-huy, a-ano ba 'yan?" Sabi niya sa akin habang patuloy pa rin ako sa paglapit at siya naman ay patuloy lamang sa pag-atras.

"Why?" Inismiran ko naman siya.

"B-bakit k-ka b-ba l-lumalapit?" Nauutal niyang tanong sa akin.

"Nothing, tinitignan mo kasi ako. Ako na nag-adjust para mas makita mo ng maayos." Sagot ko at humalakhak ng bahagya.

"H-ha? A-anong tinitignan ka riyan? Mukha mo!" Sabi naman niya at hinampas ako sa braso saka tumakbo papunta sa kusina. Napangiti naman ako dahil pulang pula ang mukha nito habang nakatingin sa mga mata ko. Napailing naman ako saka ako pumasok ng kwarto ko para magbihis.

Haylee's POV

Nang makarating ako sa kusina ay agad kong natampal ang sarili kong mukha dahil sa kahihiyang nagawa ko.

Jusko po lord!

Una yung pag screenshot ko. Pangalawa, yung pag tingin ko sa pandesal.

Sheeems! Nakakahiya, letche!

Kumuha naman ako ng baso ko at agad na kinuha ang tubig sa ref para mahimasmasan naman ako.

Yohan's POV

      Matapos kong mag-ayos ay agad naman akong lumabas ng kwarto ko at bumaba dala ang mga notes ko para makapagsimula na din akong magreview para sa exams namin. Nakita ko namang nasa sala na si Haylee at katatapos niya lang maligo, nagrereview na siya ulit. Grabe, napakasipag naman ng mahal ko. Tumabi naman ako sa kaniya at inilapag rin ang mga rereviewhin ko sa center table, tahimik lamang kaming nagbabasa nang biglang tumunog ang doorbell namin.

Sa palagay ko yung anim na 'yan.

Si Haylee na ang nagbukas at pagbukas na pagbukas niya ng pinto ay agad namang umingay ang buong bahay namin dahil sa sigawan nila.  Agad silang nagsipasok dito sa loob dala-dala ang mga gamit nila at magsi-upo sa couch.

Together, Forever.Where stories live. Discover now