21

54 4 0
                                    

4 days passed...

Haylee's POV

      Linggo na ngayon at ngayon din ang araw na maglilinis lang kami ni Yohan ng bahay, nakapag-almusal na kaming dalawa at inaantay ko na lang na matapos siya sa paggawa ng morning routine niya para makapag simula na. Habang inaantay ko siya ay nag-scroll-scroll muna ako sa facebook ko nang makita ko ang announcement ng university ukol sa event na mangyayari. Agad ko namang binasa ang anunsiyong ito para rin masabi ko na kay Yohan pagkatapos niyang maligo.

Good morning, dear students! As you all know, your examinations will be next week, so you must enjoy your long vacation! We will be having an event this coming Monday, and this event will have so many kinds of booths that we will also have concerts on the 2nd and 3rd days of this event. This event will start on Monday and end on Wednesday.

Remember the schedules of incoming concerts:

Silent Sanctuary - Tuesday (6:00pm)

Ben&Ben - Wednesday (6:00pm)

You can buy the tickets on our Cashier number 4. Other details about the concerts will be announced soon! Stay tuned and have a nice day students!

Wow, may pa-concert pa! Lumelevel up ang university ha. Maya-maya lamang ay lumabas na si Yohan sa banyo at umupo naman sa tabi ko.

"Huy girl!" tawag ko sa kaniya.

"Yes? Do you need anything?"  Sagot naman niya sa akin.

"Yung event daw, bukas yung start. Then, sa 2nd and last day may concert." Sabi ko sa kaniya at halata namang nagulat siya roon.

"Weh? Sinong magc-concert?" Takang tanong niya sa akin.

"Silent Sanctuary at Ben&Ben daw." Sagot ko sa kaniya at ngumiti.

"Weh? Talaga?!" Tanong niya at tumango naman ako.

Matapos naming mag-usap tungkol sa event na magaganap ay agad na kaming nagsimulang maglinis ng bahay. Habang nag lilinis kami ay naisipan kong magpatugtog ng kpop songs para hindi kami mabored habang naglilinis. Nang tumugtog ang Fire ng BTS ay hindi ko naman naiwasang mapasabay sa pagkanta at pagsayaw nito at nakita ko namang nagtaka si Yohan sa ginagawa ko.

"Huy! Ayos ka lang ba?" Natatawang tanong niya sa akin.

"Oo naman, bakit?" Sagot ko naman sa kaniya at humalakhak bago magpatuloy sa paglilinis.

Nagpatuloy na rin ako sa paglilinis habang sumasabay sa kanta nang biglang tumugtog ang Feel Special ng Twice, napakanta naman akong muli at nasayaw. Nagulat na lamang ako nang lingunin ko si Yohan ay sumasayaw na rin ito. Ang mas nakagugulat pa ay alam niya ang buong step nito kaya naman gulat na gulat ko siyang tinignan at nakita ko namang napansin niya iyon kaya naman napatigil siya sa pagsayaw.

"Pwede ka na maging 10th member ng twice." Pang-aasar ko sa kaniya.

"Hindi mo pala alam? Pasensiya na, tinago ko sa'yo." Natatawa niyang sagot sa akin, napahalakhak naman kaming pareho.

"Once ka pala?" Namamangha kong tanong sa kaniya.

"Oo, bakit?" Tanong naman niya pabalik sa akin.

"Wala naman, nagulat lang ako." Sagot ko naman sa kaniya at muling humalakhak saka nagpatuloy sa paglilinis namin ng bahay.

Ilang beses nang tumugtog ang kanta ng Twice, Blackpink, Mamamoo, Red Velvet at marami pang iba ngunit tuwing lumilingon ako kay Yohan ay napapahalakhak ako dahil halos lahat ng step ng mga kanta nito ay alam niya.

Together, Forever.Where stories live. Discover now