15

58 4 0
                                    

Yohan's POV

-July 9, Thursday

      Huwebes na at ngayon ang araw ng byahe namin papuntang Pagudpud. Alas-siyente raw ng gabi ang byahe namin para hindi gaanong mainit at para rin daw umaga kami makarating. Alas dose ng tanghali nang magising kami ni Haylee. Ako ang naunang nagising kaysa sa kaniya kaya naman ako na ang nagluto ng almusal at tanghalian namin. Nang magising si Haylee ay nakita kong nakaligo na rin siya. Dahil nga ako'y nagluluto na, naglinis na lamang siya ng bahay.
      Nang makatapos kami ay umupo muna kami sa sofa at nagpahinga ng sandali. Ilang saglit lamang ay kumain na kami ni Haylee para makapag-ayos na ng mga gamit. Matapos naming kumain ay nagprisinta na akong maghugas ng pinagkainan namin dahil alam kong mas matagal siya maghanda ng gamit ngayon dahil sampung araw kami sa pupuntahan namin. Bago siya umakyat sa kwarto niya ay tinawag niya ako kaya naman lumingon ako sa kaniya.

"Susunduin daw tayo nila Rjay gamit van nila Zade, bago raw mag 6 o'clock pupunta na sila rito para makatambay at makakain sandali." Paliwanag niya at tumango naman ako sa kaniya.

Nang matapos akong maghugas ay agad na akong umakyat sa kwarto para mag-ayos ng gamit ko. Habang nag-aayos ako ay naalala kong birthday ko pala ngayon, hindi man lang pinaalala nila Rjay. Hindi ba nila alam? Nakakatampo ha. Ilang saglit pa ay kumatok si Haylee sa pinto ko kaya agad-agad ko itong binuksan.

"May bibilhin ako sa 7-eleven, may ipasasabay ka?" Tanong nito sa akin at ngumiti.

'Wag mo akong ngitian ng ganyan, nanghihina tuhod ko. Joke!

"Pringles, wipes and alcohol." sagot ko sa kaniya at inabot ang 1000  ko.

"Hala? Bakit 1000? Wala ka bang barya?" pabiro niyang sabi at tumawa ng bahagya.

"Sayo na sukli, bumili ka ng mga gusto mong baunin mamaya." Sabi ko naman sa kaniya at ngumiti.

"Hala, true ba??!" tanong niya sa akin kaya tumango at ngumiti ako sa kaniya.

"Yey! Salamat!" Sabi naman niya at ngumiti sa akin bago tumakbo pababa. 

Nang mapansin ko ang suot niya ay mabilis akong kumuha ng jacket sa closet ko at tinawag siya.

"Hep hep hep! Balik dito sa taas!" Tawag ko sa kaniya at tumingin naman siya sa akin ng nagtataka.

"Balik dito, dali!" Muli kong tawag sa kaniya at nakita ko namang umakyat siya ng nakanguso.

"Bakit?" Tanong niya sa akin nang makaakyat siyang muli.

Walang pasabi kong inilagay sa balikat niya ang jacket ko at inayos ang buhok niya.

"Ayan, much better. Ang lamig lamig sa labas nakasando at short ka? Balat kalabaw ka girl?" Pang-aasar ko sa kaniya at natawa naman kami pareho.

"Okay na boss? Alis na ako?" Natatawang tanong niya sa akin.

"Yes girl, ingat ka. Call me if you need me to pick you up." Sagot ko naman sa kaniya, nakita ko namang napangiti siya.

"Baliw, andiyan lang naman ako bakit pa ako magpapasundo?" Natatawa niyang sabi at tuluyan nang sumenyas na bababa na siya.

Hinatid ko naman siya papuntang garahe at nang makaalis naman siya agad na akong umakyat sa kwarto ko para ituloy ang pag-aayos ko ng gamit. Napangiti naman ako nang maalala ko ang tula na nakaipit sa notebook kaya naman naisipan kong dalhin ang notebook. Ilang saglit pa ay natapos din akong mag-ayos kaya naman inihanda ko ang sarili ko para maligo ulit.

Haylee's POV

      Hindi naman totoong bibili ako sa 7-eleven, ang totoo ay bibili ako ng regalo ko para kay Yohan. Alam ng anim na birthday niya ngunit kunwari'y hindi namin naalala. Kaya rin bago mag-alas sais pupunta yung anim dahil may surprise kami sa kaniya. Nauna akong pumunta sa 7-eleven para bilhin ang mga pinabili ni Yohan pati na rin ang mga babaunin pa namin, nalaman kong paborito rin ni Yohan ang cheetos kaya naman bumili ako ng dalawang malaki nito kasama ang pringles.
      Nang matapos ako ay agad naman akong pumunta sa mall para bumili ng mga regalo para kay Yohan, tama MGA REGALO. Dahil ang dami niyang ibinigay sa akin nung birthday ko kaya naman bibigyan ko rin siya. Mabilis lang akong nag-ayos dahil nakapagsimula na akong mag-ayos kagabi ng mga gamit ko. Inilabas ko naman ang listahan ng ireregalo ko sa kaniya, kagabi ko pa kasi pinagplanuhan lahat ng mga bibilhin ko sa kaniya.

Together, Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon