24

42 4 0
                                    

Yohan's POV

      Sinadya kong gumising ng maaga ngayon para ipaghanda si Haylee ng almusal. Nag-chat din si Rjay kanina na pupunta sila mamayang 7 o'clock dahil tatambay daww muna sila dito sa bahay. Ginawa ko agad ang morning routine ko at agad na bumaba para magluto ng almusal naming walo. Pagkatapos kong magluto ay pumunta na ako agad sa kwarto ni Haylee para gisingin ito.

"Psst, gising na." Panggigising ko habang tinatapik siya ng kaunti.

"Mamaya na, I'm so tired." Ani niya at nagtalukbong ng kumot.

"Okay, I'll wake you up later." Sabi ko naman sa kaniya at hindi naman siya sumagot.

Habang nag-aantay ako rito sa sofa niya ay umilaw ang phone niya. Nagulat naman ako dahil nakita kong dm ito sa instagram, kahit na ayaw ko itong basahin ay binasa ko pa rin dahil sa curiosity ko.

r4v3n_wantutri: Hey! Miss na kita kasama haha, kita tayo mamaya sa university ha? I'll wait for you ;)))

Aba, ito ba yung Raven kahapon? Bakit nakapag dm siya? Fina-follow ba siya ni Haylee? Tsk anong miss kasama at anong kita tayo mamaya ang sinasabi niya riyan.

Sa'kin sasama si Haylee.

Pinatay ko na ang phone ni Haylee at nag-antay pang muli ng ilang minuto bago ko siya gisingin. Nang mag 5:30 na ay tumayo na ako sa sofa para gisingin na ulit si haylee.

"Haylee, wake up." Panggigising ko sa kaniya habang tinatapik siya ng marahan.

"Mahal ko, wake up.." muli kong panggigising habang marahan pa rin siyang tinatapik.

Maya-maya pa ay gumalaw na siya at unti-unting idinilat ang mata niya, nang maidilat na niya ang mga mata niya ay agad ko naman siyang nginitian.

"Gising na ako, labas na." Masungit na sabi nito sa akin at agad na bumangon para itulak ako palabas ng kwarto niya.

"Mag-ayos ka na ha? Alis tayo agad right after tumambay saglit ng anim dito. I'll wait for you downstairs, sabay tayo magbreakfast." Paalala ko sa kaniya at tumango naman siya bago niya tuluyang isara ang pinto niya.

Bumaba na ako sa sala para antayin si Haylee pati na rin ang anim. Ilang saglit lamang ay bumaba na si Haylee at babatiin ko na sana siya nang makitang nakangiti siya sa phone niya habang naglalakad.

Napataas naman ako ng kilay dahil paniguradong si Raven ang kausap niya, tsk.

"Sino 'yan?" Tanong ko sa kaniya nang makaupo siya sa tabi ko.

"Ha?" Tanong niya sakin at lumingon ng nakangiti, natutuwa ka riyan sa kausap mo? Sapakin ko 'yan eh.

"Sino 'yang kausap mo kako, lawak ng ngiti mo eh." Kalmado ngunit naiinis kong sabi.

"Ahh, si Raven." Sabi naman niya at nginitian ako.

Wala na, ngumiti na. 'Di na ako galit.

"Ahh okay." Sagot ko sa kaniya at pilit na ngumiti.

Nanatili lang akong tahimik dito sa tabi niya habang tawa siya nang tawa, hindi ba ako gano'n ka-funny?

Should I study some jokes to make her laugh like that?

I stalked Maris na lang para kung sakaling tumingin sa phone ko si Haylee ay si Maris ang makikita niya, anong akala niya siya lang? Pag-scroll ko sa posts ni Maris ay nagulat ako nang makitang andami nilang pictures ni Raven.

Tama ba itong nakikita ko? Sila ni Raven pero nakikipag-chat pa rin si Raven kay Haylee. Iba rin!

      Base sa nakikita ko'y silang dalawa pa talaga dahil recently lang itong posts niya. Pero nakapagtatakang ang kapal ng mukha ng Raven na 'yan na i-dm si Haylee. At bakit isa pa 'yon si Maris na humaharot-harot sakin kahapon? At isa pa ulit, kung sila naman bakit hindi man lang nila magawang magtinginan sa isa't isa kahapon? Inexit ko naman agad ang facebook app ko at pinatay ang phone ko. Nilingon ko naman si Haylee na seryoso na ang mukha ngayon.

Together, Forever.Where stories live. Discover now