Prologue

174 5 0
                                    

"Tara swimming tayo!" Pag-aayaya ng batang lalaki sa batang babae at hinila ito papunta sa dagat.

"Teka yung tsinelas natin!" Sigaw ng batang babae.

Ngunit bago pa man din nila matanggal ang mga tsinelas nila ay naalon na ito ng dagat.

"Ma! Yung tsinelas namin!!" Sigaw nilang dalawa.

Mabuti na lamang at may nakakuha nito.

"Nako, kayong dalawa 'wag kayong pupunta rito ng walang kasamang nakakatanda dahil delikado rito." Ani nito at ibinigay ang kanilang mga tsinelas.

Nagpasalamat ang dalawa at isinuot ang kanilang mga tsinelas. Umupo na lang silang dalawa at naglaro ng buhangin.

"Totoo bang lilipat na kayo sa susunod na araw?" Tanong ng batang babae.

"Oo, 'wag mo akong kakalimutan ha. Magpapakasal pa tayo saka bibili tayo ng malaking malaking bahay!" Sagot ng batang lalaki.

"Ikaw lang ang best friend ko, promise yan!" Sabi ng batang babae at inabot ang kaniyang hinliliit sa batang lalaki upang mag pinky swear.

Matalik na magkaibigan ang dalawa sapagkat sila'y magkapitbahay lang at ang kanilang mga magulang ay matalik ding magkakaibigan.

----
"Palit tayo notebook, wag mo ako kakalimutan ha!" sabi ng batang babae at ibinigay niya ang notebook niya sa batang lalaki.

"Sabi mo papakasalan mo ako paglaki ha." Ani ng batang lalaki at tumango naman ang batang babae.

"Sabi mo hindi mo ako kalilimutan ha." Ani naman ng batang babae saka tumango ang batang lalaki.

Muling nag pinky swear ang dalawa saka niyakap ang isa't isa.

"Anak picture kayo dali" sabi naman ng ina ng batang babae at pumayag naman sila.

Bago sila maghiwalay ng landas ay nangako silang hahanapin ang isa't isa paglaki saka sila magpapakasal.

----
Kahit kaya ilang taon na ang lumipas ay pagtatagpuin pa rin sila?

Together, Forever.Where stories live. Discover now