37

28 1 0
                                    

Yohan's POV

      Maaga akong nagising para ayusin na ang proposal ko ngayong araw. Hindi ko maiwasang kabahan dahil panibagong yugto ng buhay na naman namin ni Haylee ang darating matapos ang proposal na ito. Hindi ko naman mamadaliin ang kasal, darating pa ang anniversary namin pero ibang plano iyon.

Ayos 'di ba? Nauna pa proposal kaysa anniversary. Walang basagan boy.

Naka-video call kami ngayon nila tita sa isa pang beach na pupuntahan namin ngayon ni Haylee. Alam kong mahilig mag-beach si Haylee at lalong gustong gusto niya ang sunset kaya naman napagdesisyunan kong hapon kami pupunta ng beach mamaya.

Nandoon ang tropa namin at maya-maya lang ay darating sila tita rito para ayusin ang bahay kapag papunta na kaming beach dahil kapag nakauwi na kami ay may party pang magaganap.

Masyadong mapapagod ang baby ko nito.

Kasalukuyan kong inaayos ang mga damit namin ni Haylee at iba pang gagamitin namin para mamaya. Nakapag-rent na rin ng cottage yung anim para sa amin mamaya. Bale ang plano ay kunwari lang na mag-bbeach kami kasi nainggit yung anim sa story namin ni Haylee kahapon. Para rin pa-welcome-kuno sa pagbalik namin dito sa Pilipinas.

Mabilis na lumipas ang oras kaya naman bumaba na ako para magluto ng almusal namin ni Haylee at matapos kong magluto ay agad kong pinuntahan si Haylee sa taas para tawaging mag-almusal.

"Love! Wakey wakey!" pagtatawag ko sa kaniya at um-oo lang naman siya.

"Gising na dali, nagluto ako ng favorite mo." Sabi ko sa kaniya at ngumiti naman siya sa akin.

Ang ganda ng mapapang-asawa ko. ( ◜‿◝ )♡

"Bangon na ha, antayin kita." sabi ko sa kaniya at tumango naman siya.

Lumabas na ako sa kwarto niya at dumiretso na sa kusina para antayin siyang mag-almusal. Habang nagpphone ako ay nagulat ako nang yumakap siya mula sa likod ko.

"Good morning, love." Sabi nito sa akin.

"Good morning, mahal ko." Sagot ko sa kaniya at hinalikan ito bago yumakap pabalik.

Nagsimula na kaming kumain at matapos naming kumain at maghugas ay umupo na kami sa sala at nanood.

"Love.." tawag ko sa kaniya.

"Yes?" Sagot nito sa akin.

"Aalis tayo mamayang hapon ha?" sabi ko sa kaniya.

"Ha? Why? Saka saan?" Tanong nito sa akin.

"Nagselos kasi yung anim kahapon, sana all daw nag-beach eh 'di 'yon inaya ko sila sa pinuntahan natin kahapon, mamayang hapon tayo pupunta kasi alam kong gustong-gusto mo kapag sunset." Paliwanag ko.

"Weh? Sige, ligo na me." Paalam nito sa akin at hinalikan ako sa pisngi bago tuluyang umakyat sa taas.

Naks, mukhang excited na excited ang baby ko.

Mabilis lamang na lumipas ang oras, nakapag-ayos na kami at ngayon ay ni-reready na lamang ang sasakyan. Nakapasok na kami ngayon sa kotse ngunit may nakalimutan daw dalhin si Haylee kaya bumaba muna siya at pumasok sa bahay. Agad kong kinuha ang phone ko at tinext si Rjay.


I'll text u something later kapag parating na kami.

It's either like, tuldok or what. Kung ano na lang mapindot ko basta msg.

:p

Together, Forever.Where stories live. Discover now