10

64 3 0
                                    

Haylee's POV

      Nagising ako dahil may mabigat na nakapatong sa bewang ko, idinilat ko ang mga mata ko at nakita kong mahimbing na natutulog si Angel sa tabi ko. Mabuti na lamang at hindi nakayakap si Angel sa akin kaya't dahan dahan akong umikot para tignan si Yohan sa likod ko. Nang makaikot ako ay nagulat ako nang mas yumakap sa akin si Yohan.

"Huy.." tawag ko rito.

Napansin ko ring nakahiga pala ako sa braso niya.

"Shhh, gusto ko pa matulog." sagot nito sa akin habang nakapikit at nagulat ako dahil bigla niya akong halikan sa noo at natulog ulit.

"Ano ba!" pasigaw kong bulong sa kaniya.

"Shh wife, I'm still sleepy" sagot nito sa akin.

"Wife mo mukha mo, alis!" bulong ko.

"Ehh, saglit lang." Ani nito at nagpout.

"Hindi 'yan tatalab sa'kin, tabi! Alas syete na oh, bangon na." Utos ko.

"Kiss muna" pang-aasar naman niya at dumilat.

"Pasabugin ko nguso mo, sabi na ngang alis" bulong ko at tinitigan siya ng masama.

      Agad naman siyang bumitaw nang tignan ko siya ng masama. Bumangon ako agad at ginawa ko na ang morning routine ko. Matapos kong gawin ito ay bumalik ako sa kwarto, napangiti naman ako nang makita kong magkayakap na ang dalawa. Ang cute lang. Nag-ayos lang ako at nagluto ng almusal namin. Habang nagluluto ay iniisip kong dalhin si Angel sa isang amusement park. O kaya'y pumunta kami sa mall, bibilhan ko na rin siya ng damit at mga laruan. Tamang tama! Sasabihin ko na lang kay Yohan. Nang matapos ako ay agad naman akong pumasok sa kwarto ko para gisingin ang dalawa. Dahan-dahan kong tinapik si Yohan para gumising na siya at pumunta naman ako sa tabi ni Angel para gisingin siya.

"Hi baby, goodmorning. Wake up na." Masigla kong bati at ngumiti.

Agad naman dumilat si Angel at niyakap ako.

"Kain ka na?" tanong ko sa kanya

Tumango naman ito at ngumiti sa akin.

"Gisingin mo na kuya papa mo, kakain na tayo." Utos ko kay Angel.

Muli naman itong tumango sa akin at ginising na si Yohan.

"Kuya papa, gising na po." Matapos niya itong sabihin ay hinalikan niya sa pisngi si Yohan.

Hala, ang unfair!

Dumilat naman si Yohan at nginitian si Angel, nag-bleh (:-P) naman si Yohan sa akin dahil nakita niyang nainggit ako.

"Inggit si mama oh, look." Pang-aasar naman ni Yohan kay Angel at tumawa silang dalawa.

"Ikaw na lang po magkiss kay ate mama ko." Tugon ni Angel kay Yohan at humalakhak.

Lumabas na ako ng kwarto dahil baka kung ano nanamang iutos ni Angel. Ilang sandali pa ay  lumabas na rin silang dalawa ng kwarto at ngumiti sa akin, hindi ko naman sila nginitian dahil nagtatampo ako sa kanila. Si Angel, kiniss niya si Yohan tapos ako hindi.

"Huwag na ikaw tampo ate mama ko" sabi niya at kiniss ako sa pisngi ko.

"Yieee!" Panunukso ni Yohan habang humahalakhak kaya naman sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Joke lang boss, tara kain na tayo. Nagagalit na si boss." Panunuksong muli ni Yohan.

Nag simula na kaming kumain at nanatili lamang akong tahimik.

"Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Yohan at umiling lang ako.

"Nagtatampo ka pa rin?" Pang-aasar na naman ni Yohan kaya sinamaan ko na naman siya ng tingin.

Together, Forever.Where stories live. Discover now