20

45 4 0
                                    

Haylee's POV

      Masigla akong gumising at ginawa ang morning routine ko saka ako nagluto ng almusal namin ni Yohan. Nakapagtataka dahil mag-aalas nuwebe na ng umaga ngunit hindi pa rin bumababa si Yohan. Kaya naman naisipan ko nang puntahan siya sa kwarto niya, kumatok ako ng dalawang beses ngunit walang sumasagot kaya naisip kong baka tulog pa siya.

"Yohan?" Tawag ko sa kaniya.

"Yohan?" Muling pagtatawag ko sa kaniya ngunit walang sumasagot kaya naman naisip kong baka nasa banyo na siya kaya wala siya rito.

Nang buksan ko ang pinto ng kaniyang kwarto ay nakita ko naman na topless si Yohan kaya naman agad akong napatakip sa mukha ko at nagmadali akong lumabas ng kwarto niya. Alam kong magtataka siya kung bakit ako naroon sa kwarto niya, sasabihin ko na lang mamaya 'pag baba niya.

Nang makababa na ako dito sa kusina ay binuksan ko muna ang phone ko at nag-scroll-scroll sa newsfeed ko sa facebook, nanlaki naman ang mata ko nang makita ang post ng university namin na picture at may caption na;

Soon to be announced!! Stay tuned students!🥰

May pa-event ang university, sa palagay ko ay parang foundation day ito ngunit nung April pa tapos ang foundation namin. Habang nag-iisip ako kung tungkol saan naman ang event na ito ay naupo na sa harap ko si Yohan kaya nabalik ako sa reyalidad.

"Iniisip mo 'ko 'no?" Tanong nito at natawa naman ako ro'n.

"Feelingero, nakita mo na ba yung post ng university? Feel ko event 'yon eh, hindi ko lang alam kung ano." Tanong ko sa kaniya.

"Ahh'yon, nakita ko na rin. Nagtaka nga ako kasi exams na rin next next week tapos may event bigla, weird." Sagot naman niya sa akin.

Nagsimula na kami sa pagkain at matapos naming kumain ay nagprisinta na akong  maghugas ng pinagkainan naming dalawa. Matapos ko naman hugasan ang mga ito ay agad akong dumiretso sa sala dahil nakita kong nanonood si Yohan ng Spongebob.

Umupo naman ako sa tabi niya at nanood din nito. Nang matapos ito ay napagpasyahan kong kunin ang laptop ko para maglaro ng candy crush o kung ano mang pwedeng malaro makaiwas lang sa pagkaboring. Nang makuha ko ito ay agad naman akong umupo sa sofa sa sala at sinimulang maglaro, habang naglalaro ako ng candy crush ay may kumatok sa gate kaya naman agad akong lumingon kung nasa sala rin ba si Yohan. Wala naman siya kaya naman ako na ang pumunta sa pinto para buksan ito.

"Ms. Haylee Carson po?" Tanong nito sa akin na ikinagulat ko dahil wala naman akong inorder online.

"O-opo, bakit po?" Sagot ko sa kaniya at iniabot niya ang isang box.

"Hala, wait lang kuya. Kukuha muna ako ng pambayad." Sabi ko naman at akmang aalis na ako ng tawagin ako ni kuyang nagdeliver.

"Po?" takang tanong ko sa kaniya.

"Bayad na po 'yan ma'am." Sabi niya sa akin na ikinagulat ko.

"Po?" Takang tanong ko dahil hindi ako makapaniwala.

"Hindi po cash on delivery 'yan ma'am." Sabi nito saka naman umalis.

"Eh sino nag-order?" Bulong ko sa sarili ko.

"Ako" sagot ni Yohan at nagulat naman ako ro'n, ano ba 'to biglang sumusulpot.

"Bakit ako ang hinanap?" Tanong ko sa kaniya at napangiti naman siya.

"Syempre, sa'yo 'yan eh." Sabi naman nito sa akin.

"Ha? Ano 'to? Para saan?" Sunod-sunod kong tanong ngunit ngumiti lang siya sa akin at tumalikod na papunta sa sala para umupo sa sofa. Sumunod naman ako sa kaniya dala pa rin ang box.

Together, Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon