CHAPTER 76

232 6 0
                                    

ELAINE'S POV
"Gising ka na pala." Mahina niyang Sabi na parang pagod parin siya.

"Tulog ka lang, parang pagod ka pa eh." Sabi ko naman sakanya, Habang hinimas himas ang ulo niyang naka sandal sa dibdib ko. Ngumiti naman siya at pumikit ulit.

"Si Timothy ang nagtawag sakin dito, kailangan mo daw kasi lambing ko Eh." Mahina niyang sabi bago ko palang etanong kung bakit andito siya.

Si Timothy nagtawag sakanya? Ano to para mag goodbye ako ganoon?  Ano ang pinapalabas ni Timothy ng tawagin niya si Axel dito.

Ilang minuto pa akong nag isip isip kung anong pwede kong gawin para Hindi kami mag hiwalay ni Axel, pero sa huli nakatulog nalang ako ng walang mahanap na sagot.

~ ~ ~

Lumipas na ang dalawang Linggo at Hindi ko parehas na pinapansin si Timothy at pati si Dad.

Kay Axel naman ay Hindi ko padin nasasabi sakanya, pero halata kong na hahalata narin niyang May prinoproblema  ako.

Hindi pa niya tinatanong sakin kung ano at alam niyang kung gusto kong sabihin sakanya ay sasabihin ko pero pag ayaw ko ay Hindi ko sasabihin.

Halata rin nila Sam na May parang away kami ni Timothy at Hindi ko din siya pinapansin tuwing nasa school kami. Sinubukan naman nilang etanong sakin pero iniiba ko nalang yung usapan.

Huling week na namin ngayon pero konti nalang din hinahabol ko kaya medyo chill narin ako. Si Axel naman ay parehas din kasi Sabay kaming gumagawa ng mga Pinapagawa samin.

Pero yun nga parang nagsisinungaling ako Kay Axel at Hindi ko masabi sakanya yung problema ko.

Si Timothy naman na palagi ko dating sinasabihan ng problema ay kasama sa mga problema ko, kaya Hindi ko din makwento sakanya Tungkol dito.

Nakahiga Lang ako ngayon sa kama nang Biglang May kumatok sa pinto, napatingin naman ako sa pinto bago ako bumangon at binuksan iyon.

Pagbukas ko ay ang bumuntad sakin si Timothy na May dala pang cake.

"Ano yan?" Walang gana kong tanong.

"Cake para sayo." Sagot naman niya at nilahad sakin yung cake.

"Ayoko ng cake ng Sinungaling." Sabi ko naman at esasara na sana yung pinto ng pinigilan niya.

Tinalikuran ko naman siya at umupo na ako ule sa kama, Habang siya naman ay pumasok sa kwarto at nilapag yung cake sa Table sa tabi ng kama ko.

"Ela, dalawang Linggo na oh hindi mo ba ako mapapatawad."

"Hindi! Kaya lumabas ka na at dalihin mo narin yang cake mo!" Inis ko namang sabi sakanya.

"Elaine please, hayaan mo akong makapag explain para naman mapatawad mo na ako."

"Sige, Mag explain ka. Eexplain mo kung bakit kailan kong umattend dun sa school na sinasabi niyo!"

"Sige explain mo kung bakit ngayon, bakit ngayong masaya na ako ay parang hinihila niyo na akong paalis Kay Axel!"

"Eexplain mo kung bakit ngayon na naging kami na ng lalake na hinahabol ko halos buong buhay ko, ay kailangan ko na siyang iiwan dito!"

"Ano Tim, ano Mag explain!" Sigaw ko naman sakanya. Umupo naman siya sa tabi ko sa kama at humarap sakin.

"Alam mo naman Elaine na Hindi lahat ay pwede kong sabihin, pero sasabihin ko lahat ng pwede kong sabihin sayo."

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now