CHAPTER 38

624 21 0
                                    

ELAINE'S POV
"Tim hayaan mo naman akong makapag explain kay Jane." Sabi ni Harrison at lalapit sana pero bigla tong tinulak ni Tim, na naging dahilan ng pagkatumba nito sa Sahig...

"Sabing umalis ka na diba!" Inis naman na Sabi ni Timothy kay Harrison na nasa sahig parin. Lumapit naman yung dalang kaibigan ni Harrison at tinulungan tong tumayo.

"Please Timothy hayaan mo lang akong makausap siya."

"Sabing Umalis ka diba!" Galit naman na Sabi ni Timothy.

"Jane Please.." Sabi naman ni Harrison kay Jane pero iniiwasan lang ni Jane ang tingin nito. Nung napansin ni Harrison na wala na siyang magagawa ay Umalis nalamang Ito kasama mga kaibigan. Umupo naman na si Timothy at kumain na ulit kami.

~ ~ ~

Natapos na mga Klase namin ngayong araw at nag si uwian narin kami. Friday ngayon kaya walang pasok bukas pero medyo marami kaming Project kaya Hindi rin kami makakalabas ng Saturday at Sunday.

TIMOTHY'S POV
Uwian na pero nagpaalam muna ako na May kukunin lang sa locker, kaya na una na si Elaine sa sasakyan. Nung nahanap ko na yung hinahanap ko ay sinarado ko na locker ko, at laking gulat ko ng nakita ko si Harrison.

"Anong ginagawa mo Dito!?" Inis na Tanong ko at nilock ang locker.

"Timothy hayaan mo na kasi akong magexplain please lang."

"Wala ka ng kailangan eexplain niloko mo lang si Jane." Inis na Sabi ko nagumpisa ng maglakad paalis pero sinundan ako nito.

"Timothy sige na please... parang hindi naman tayo matangal ng mag kaibigan oh."

"Wow magkaibigan pa pala tayo pagkatapos ng ginawa mo kay Jane at pag gamit mo sakin para maging close siya!" Galit na Sabi ko naman at huminto sa paglalakad

"Timothy hindi mo kasi naiintindihan Eh."

"Naiintindihan kita kinailangan mo na tumaas grade mo para hindi ka matangal sa club na sinalihan mo, at nung nakita mong Matalino si Jane ay ginamit mo siya para tumaas grades mo napaka G*gong Move no. Hindi ka nalang nag aral ng mabuti parang super Hirap eh!" Galit na Sabi ko sakanya at nagumpisa na ulit maglakad paalis,

"Hindi yan Tim."

"Edi anong hindi ko naiintindihan Ha!?"

"Gusto ko siya Tim." Sabi naman niya at nagulat ako. Napahinti ako sa paglalakad dahil sa gulat at hinarap siya.

"Gusto mo siya pero Sinaktan mo at sinabe mong Ginagamit mo lang siya sa mga kaibigan mo! WOW grabeng Gusto pala yan. Baka naman nagustuhan mo lang yung talino niya hindi siya." Sabi ko naman

"Hindi totoo Timothy Gusto ko si Jane, Hindi ko lang maamin sakanya at sa mga kaibigan ko."

"Bahala ka nga Harrison, kung lolokohin mo lang ulit si Jane layuan mo nalang siya. Humarap ka nalang ng ibang babaeng matalino para tulungan ka."

"Timothy please hindi ako nag sisinungaling Gusto ko talaga si Jane."

"Edi sabihin mo sakanya."

"Sinusubukan ko pero hindi niya ako pinapansin, tapos nung Lunch naman ayaw mo akong palapitin sakanya at tinulak mo Pa nga ako Eh."

"Buti nga lang hindi kita sinuntok eh."

"Tim naman please tulungan mo ako kay Jane."

"Problema mo yan Harrison pero sige Hindi ako haharang Sa paglapit mo sakanya, pero once na nalaman kong niloloko mo lang siya makakatikim ka talaga ng suntok sakin."

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now