CHAPTER 31

761 24 1
                                    

ELAINE'S POV
"Tara na." Sabi ko kay Timothy at dumeretsyo na kami sa sasakyan niya. Hindi parin ako makapaniwala na nagawa ko yun pero deserve niya yun. Gusto ko pa sanang balikan si Axel at mag Sorry pero Alam kong hindi tama yun. Hindi na kami nag usap ni Timothy hangang makadating na kami sa bahay. Nag park na to at pinagbuksan na ako ng pinto.

"Thanks." Pagpapasalamat ko.

"Sige na garod uuwi na ako." Tatalikuran na sana ako nito ng hinawakan ko siya sa balikat.

"Ok lang ba yang pasa mo sa mukha?"

"Ahhh Oo, hindi naman masakit eh." Bigla ko naman hinawakan ang pasa niya. "Arayyy!!!"

" Hindi pala masakit ah." Sabi ko pa at tinignan siya ng masama.

"Malamang masakit hinawakan mo eh."

"Hindi mo ba kwinan ng Ice yan?"

"Ahhh Hindi na inantok narin kasi ako pag uwi ko kahapon Eh."

"Tss.." hinawakan ko naman to sa Kamay. "Sumama ka muna sakin."

"Ha? Saan tayo pupunta."

"Gagamutin lang yang pasa mo eh nangingitim na oh."

"Elaine wag na gagamit nalang ako ng ice pack sa bahay."

"Tara na Sabi eh." Wala na tong nagawa at nahila ko rin to paloob ng bahay. Pinagbuksan naman kami ng pinto ni mama na mukhang nagtataka kung anong nangyayare. "Ma saan yung Ice pack natin."

"Nasa Drawer malapit sa ref."

"Kunin ko lang ma ah, at wag mong hayaan to maka Alis." Pagtutukoy ko kay Timothy. Mabilis naman akong tumungo sa kusina at kinuha yung ice pack at nilagyan ng ice. Pagbalik ko was sala ay nakaupo si Timothy dun at takang nakatingin sakin si Mom.

"Anyare ba dito kay Timothy Elaine."

"Eh May Sumuntok Ma."

"HA!!! Kaya naman pala nag viviolet na tong pisngi niya."

"Oo nga Ma Eh. Itong lalake kasi na to hindi kaagad nilagyan ng ice pack kahapon nung sinuntok yan tuloy ang viviolet na, tapos sinubukan pa niyang itago sakin gamit make up tss."

"Oh sige gamotin mo na to at ihahanda ko na dinner natin, At Timothy dito kana mag gabihan ah." Sabi pa ni mom.

"Ahh... Hindi na po. Nakakahiya naman po makisabay."

"Hay nako Timothy wag ka ng mahiya pamilya ka narin namin no."

"Sasusunod nalang po."

"Tss... Elaine wag mo yan hayaan maka uwi hangang hindi pa yan nag gagabihan dito ah." Sabi naman sakin ni Mom. Na ikinagulat ni Timothy.

"Sige Ma." Ngumiti naman si mama at tumungo na sa Kusina. Ibinalik ko naman ang tingin ko kay Timothy. "Rinig mo Sabi ni Mama, hindi ka daw uuwi hangang hindi ka mag gagabihan."

"Tsk... Fine, wala naman akong choice eh." Nilagay niya na yung ice pack sa pisngi niya at nagkwentuhan muna kami habang hinahanda ni Mama yung kakainin namin. Pagkalipas ng isang oras ay na tapos narin si mama sa pagluto at tinawag na kami. Dumeretsyo na kaming dalawa ni Tim sa dining area kung saan naka upo na si mama.

"Oh sige na upo na kayo, at mag umpisa na tayo sa pagkain."

"Si Dad pala Ma?"

"Pauwi na daw, kakatawag ko lang din sakanya."

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now