CHAPTER 35

697 23 2
                                    

ELAINE'S POV
"Ang laki laki mo na Timothy, binatang binata ka na oh." Nagulat naman ako sa sinabe ni aling Tessa kasi akala ko ngayon palang niya nakilala si Timothy. Kaya lumabas na ako sa tinataguan ko at pareho naman silang nagulat.

"Ela——"

"Sandali Lang pano mo nakilala si Timothy Aling Tessa???" Takang Tanong ko naman. Parehas naman silang mukhang Gulat at kinakabahan sa Tanong ko. Nagkatinginan muna sila bago lumapit si Timothy.

"Kasi Ela—-"

"Si aling Tessa kausap ko Tim kaya please." Biglang singit ko naman sakanya. Lumapit naman ako kay aling tessa. "So pano niyo nga po ba Nakilala si Timothy?"

"Ahhhh Ganito kasi Elaine, uhhhh kaibigan ng Mom mo yung parents ni Timothy kaya nakita ko narin siya nung bata pa siya." Pagpapaliwanag ni Aling Tessa. May duda parin ako Sa sinabi niya pero siguro naman totoo. Pero bakit to hindi Ito kwinento sakin before?

"Ay ganun po ba, pero bakit never tong nakwento nila Mom sakin."

"Baka na kalimutan lang siguro nila Ela, alam mo namang marami rin iniisip yang Mga magulang mo eh."

"Siguro nga po, paumanhin nalang ng pag singit ko sa usapan niyo at nagulat lang po ako nung narining ko po yung Sabi niyo."

"Hindi okay lang iha, oh sige na maiwan ko na kayong dalawa dito at May aayusin pa ako." Pagpapaalam naman ni Aling Tessa at tumungo na Ito Sa kusina. Pag Alis ni Aling Tessa ay humarap naman na ako kay Timothy.

"Bakit hindi mo to kwinento sakin na kilala pala ni Mom yung magulang mo?"

"Ahhh na wala kasi sa isip ko Eh." Pagpapaliwanag naman niya,

"Kaya ba parang ang bilis mo naging close kila mom and dad nung nakilala mo sila?"

"Ahhh Siguro at swempre charming at mabait ako."

"Ok na sana eh, May charming at mabait pa Tss." Natatawa kong Sabi.

"Totoo naman Eh."

"Wehhhh hehhehe." Nag kwentuhan at nanood muna kami ng Tv ni Tim sa Living room.

~ ~ ~

Lumipas na ang apat araw na stay namin dito sa bahay at Thursday na. Puro lang naman kami kain, konting Gala, minsan swimming, at kung ano ano pang kalokohan. Hindi ko masyado pinapansin si Axel pero minsan wala ng magawa kaya naka kausap ko paminsan minsan. Gabi na ng Thursday at May prinomise kami ni Tim  kay Arie na makikipag laro ako sakanya ngayon kaya tumungo na ako sa kwarto niya, gulat naman kaming pareho ni Tim nung maka pasok kami sa kwarto ni Arie ay andun rin si Axel na Ngumisi pa.

"Hi Ate Ela at kuya Tim, bilis pasok na kayo." Sabi ni Arie at tinulak na kami papasok bago elock yung pinto. Umupo narin kami sa Kama ni Arie at Malaki naman iyon.

"So anong lalaruin natin ngayon Arie?" Takang Tanong ko naman.

"Madami ate, Pero una isang simple lang na game truth or Dare." Sabi ni Arie at nagkatinginan naman kami ni Tim.

"Ok so ate Elaine Ikaw mauna at Ladies First Heheh."

"Ay ganun ba, sige sige."

"Truth or Dare?" Biglang Tanong ni Axel at nginisian pa ako.

"Truth." Sabi ko naman

"Kinalimutan mo na ba talaga na magkaibigan tayo." Seryosong Tanong ni Axel. Gulat naman akong napatingin sakanya.

I'm done chasing youOnde histórias criam vida. Descubra agora