CHAPTER 21

939 27 4
                                    

AXEL'S POV
"Axel!!!!" Malakas na Sigaw ni Jerome pero pagtingin ko ay Late na ako at....

---BLAGGGGG---

Pagtingin ko ay huli na At tumama sa Mukha ko yung bola, bumagsak naman ako sa lakas ng impact nito. Nag sigawan naman mga tao sa paligid, narinig ko rin na tinatawanan ako ni Jerome. Nag silapitan naman mga team mates ko para tulungan ako. Pag tayo ko ay may naramdaman akong parang tumutulo sa ilong ko, pag hawak ko ay dumudugo na pala ilong ko. Pinasahan naman ako Nila Couch ng Towel para punasan yung tumutulong dugo. May biglang humawak sa Balikat ko at pagtingin ko ay si Kiara iyon, medyo nadismaya ako pero hindi ko alam kung bakit. 

"Ax Ok ka lang ba?" Nag aalalang tanong nito.

"Ahh... Oo." Sagot ko naman kahit ang sakit parin ng mukha ko dahil sa pag tama ng bola.

"Dalihin niyo na yan sa clinic, Jerome samahan mo."

"Sige po coach, pero pano tong game?"

"Kami na ng iba Bahala, asikasuhin niyo muna yan." Sabi ni coach na tinuro pa ako. Sinamahan naman ako ni Jerome at Kiara papuntang clinic, tapos parang Baliw pa tong si Jerome na inaakbay yung kamay ko sakanya na parang pilay ako at inaalalayan. Bwisit talaga to nataman lang naman ako sa mukha tapos inaalalayan pa ako.

Habang naglalakad kami ay parang may napansin ako na nakatingin sakin, Pero hindi ko narin masyado nakita kung sino kasi kinailangan na namin lumiko papuntang Clinic. Pagdating namin sa clinic ay pinaupo ako kaagad ng Nurse ,at ginamot na yung mga sugat sa Bandang ilong ko dahil sa tama na bola. Huminto narin yun pag tulo ng dugo ko was ilong kaya pinahilamos narin ako. Pagkatapos ay umalis na kami at nag lakad na pabalik sa Court.

"Kung saan saan kasi nakatingin yan tuloy pango kana HAHAHAHAH." Pang asar ni jerome

"Hoy matangos parin tong ilong ko no."

"Pero mas matangos tong sakin."

"Pero atleast mas malaki yung t----"

"Ano ba kasi pinag gagawa mo kanina Axel, Bat Hindi ka naka concentrate sa laro?" Biglang singit ni Kiara.

"Ehh kwan kas--."

"Yan tuloy yang mukha mo ang sumalo ng bola HAHHAHAHAH." Tawang tawa na Sabi ni Jerome na tinignan ko naman ng masama.

"Oh bakit ka kasi kung saan saan nakatingin?" Tanong nanaman ni Kiara.

"Ahh... May tinitignan lang ako." Sagot ko

"Ano naman yun?" Takang Tanong niya. Bwisit lahat tinatanong Eh hindi ko naman pwede sabihin yung totoo mamaya kung ano ano isipin niya Eh, tapos andito pa tong si Jerome bibig deal nanaman niya.

"Basta May tinitignan lang ako."

"Nako kiara May tinatago yan. Pigain mo hangang magsalita." Sabi pa ni jerome. Parang hindi ko Kaibigan to ah Kaka Bwisit tong mokong to. Tinignan ko naman si Masama at natawa naman siya, Pag Balik ko ng tingin ko kay kiara ay masama rin tingin niya sakin. Bwisit talagaaaaaa.

"Ano nga kasi yun!?" Medyo May Galit na tonong Tanong niya. Shitttt anong pwede kong sabihin.

"Ahhh. I-- Ikaw. Ikaw yung tinigtignan ko." Pagsisinungaling ko naman.

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now