CHAPTER 33

696 22 3
                                    

ELAINE'S POV
Natapos na ang klase namin at nag paalam narin ako kina sam at Jane na mauuna na ako. Nagulat ako ng habang patungo sana ako para makipag kita kay Timothy ay nakita ko si Axel. Nagkatinginan  kami saglit ni Axel pero inalis ko kaagad ang tingin. Pansin ko pang nakatitig pa sakin si Axel, pero hindi ko nalang to pinansin at nagtuloy tuloy lang as paglalakad hangang malampasan Ito.

"Elaine." Rinig ko pang Sabi niya pero hindi ko Ito pinansin at nag tuloy tuloy lang. Kaya mo to elaine! Sabi ko sa sarili ko. Hindi mo siya kailangan at marami pang Lalake sa Mundo hindi lang siya.

~ ~ ~

Lumipas na ng ilang buwan at Christmas Break na namin. Nagtuloy tuloy lang ang pag iwas ko kay axel nung una ay sinubukan pa niyang makipag usap pero hindi ko siya pinansin. Sa huli ay Sumuko nalang siya at nagtuloy ang iwasan naming dalawa, Kahit minsan na magkita kami dahil sa magulang namin ay hindi parin kami nag papansinan. Minsan ay napapapunta pa ako sa Bahay nila axel dahil nakikipag laro ako sa Nakakabatang kapatid niya, pag nakikita niya ako dun ay Either umaalis to ng bahay or Hindi lumalabas ng kwarto. Kaming dalawa naman ni Timothy ay Mas naging close pa kami, minsan dito na nga siya sa bahay natutulog Eh, parang naging kwarto narin niya yung guest room. Tapos palagi rin kaming lumalabas nila Tim, Sam, Jane at Harrison, Pansin ko nga parang May something si Jane at Harrison eh pero Ewan ko.

"Elaine Bumaba ka na dito at nakahanda na yung Dinner natin." Sigaw ni mama kaya tumungo na ako sa baba. Pagpasok ko ng kusina ay andun na si dad na mukhang gutom na gutom na. Tumungo na ako sa upuan ko at umupo na dun.

"Ay oo nga pala Elaine May Pupuntahan pala tayo ng 1 week sa tagaytay sa Monday hangang Sunday next week." Sabi ni papa nung nakaupo na ako. Nagulat naman ako dito kasi hindi man lang nila ako sinabihan kaagad Eh dalawang araw nalang Monday na.

"Pa bat ngayon mo lang sinabe?!" Natarantang Sabi ko.

"Ahhhhh kwan kasi ummmm Surpise." Sagot ni papa.

"Surpise ba talaga or na kalimutan mo lang akong sabihin?"

"Both , hehhehe." Natatawang sabi ni papa.

"Eh sino ba kasama natin?" Takang Tanong ko.

"Si ———-" bago pa matuloy ni papa ang sasabihin ay biglang nag ring yung doorbell namin.

"Sino naman yan? Gabing gabi na ah." Sabi ko pa. Tumungo naman na si Mom para buksan ang pinto kaya binalik ko kay Dad ang tingin. "So sino nga kasama natin."

"Ako." Biglang sabi ng isang pamilyar na boses pag talikod ko ay nakita ko si Timothy na nakangiti sakin.

"Tim!?" Natarantang Sabi ko.

"Yan si Timothy kasama natin dito sa Christmas Vacation natin." Sabi ni dad

"Oh sige na mamaya mo na Dalihin yang gamit mo sa kwarto at mag dinner ka muna." Sabi ni mama. Iniwan muna ni Tim yung gamit niya sa living room bago bumalik sa Dinning room at umupo.

"oo nga pala." Biglang sabi ni Dad

"Ano yun pa?"

"Kasama rin natin yung family Axel." Sagulat ay napatingin kami ni Timothy Sa isat isa. Bakit sa lahat ng pamilya ang pwede namin makasama Eh yung kay Axel paaaaaa. Ganda na sana ng vacation nung kaming dalawa lang ni Timothy Eh sumali pa si Axel. Sobrang natataranta na ako. Kalma Ela, Kalma. Sabi ko sa sarili ko.

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now