CHAPTER 27

838 28 7
                                    

ELAINE'S POV
Lumipas na ang Saturday at Sunday, at Monday na muli. Hindi ko parin makalimutan yung Turing sakin ni Axel nung event. Prinomise ko sa sarili kong kalimutan at wag siyang pansinin pero bat ganoon, nung Siya ang lumalapit sakin ay Hindi ko siya mapaalis at maiwasan. Bwisit tong Puso ko Ayaw talaga sumuko kay Axel. Please Lang Puso sumuko ka na sa pagmamahal mo sakanya, Kasi alam kong masasaktan Lang tayo ulit. Pero yung mga inasta ni Axel ay nakaka Surpise, kasi nung bata lang kami nung ganoon siya. Pero nung lumaki na kami ay nawala or nabawasan yung ganoon niyang Ugali.

Naguguluhan ako sayo Axel! Sigaw ko sa isip ko... tsss nababaliw na ako kakaisip sayo Axel. Bakit pa hindi kita mabitawan! Bakit ba ganoon nalang kilig ko dahil sa mga Inasta mo habang partner mo ako! Nakakalito na Bwisit! Humiga na muna ako sa kama at nagpatuloy sa pag iisp.

"Elaine Andito na Si timothy!" Sigaw ni mama na nasa baba. Bumangon naman na ako sa Kama at kinuha mga gamit ko. Naka ayos at nakakain narin ako kaya humalik muna ako sa pisngi ni mama bago tuluyang lumabas. Paglabas ko ay nakita kong nakaparada si Timothy sa harap ng bahay. nung nakita na ako nito ay bumaba Ito at pinagbuksan ako ng pinto, sumakay naman na ako at bumalik narin siya sa drivers seat at umupo. Medyo napansin kong hindi normal si Timothy kasi tuwing susunduin ako nito ay nakangiti ito at nag go-good morning, Pero ngayon ay Tahimik lang Ito at nag umpisa ng mag maneho papuntang school ng wala lang pagbati sakin.

"Good morning." Nakangiting pagbati ko sakanya. Baka sakaling sumigla or ngumiti man lang.

"Morning." May pagka cold na Sabi nito, hindi man lang ako nito nilingnan at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Ano kayang problema nito at ganito inaasta nito ngayon? Baka May iniisip o May sakit? Hinawakan ko naman ang noo at leeg nito para Tignan kung mainit siya, pero bigla naman tong lumingon sakin na parang naiinis kaya inalis ko ang Kamay ko sa noo niya.

"Ano bang ginagawa mo!?" Inis na Tanong nito.

"Tinignan ko lang kung may sakit ka." Pag eexplain ko naman.

"Ha!? Bat naman ako magkakasakit?!"

"Malay ko ba, Eh yang inaasta mo kasi parang hindi ikaw Eh!"

"Wag mo na akong pansinin masama lang pakiramdam ko." Seryosong Sabi nito. Pinag aralan ko ang mukha nito at napansin kong mukha siyang Puyat at pagod. Anyare kaya sakanya? Mukhang okay naman siya nung friday Eh nung nag lunch kami, Yun yung huling pagkikita namin kasi si Axel na ang naghatid sakin pauwi noon.

"Sure ka bang Okay ka lang?" Nagaalalang Tanong ko.

"Oo, ok lang ako. wag mo nalang akong pansinin." Sabi nito. Hindi na kami nag usap hangang makadating na sa School. Pagkatapos nito mag park ay binagbuksan ako nito ng pintoan kayat bumaba na ako.

"Thanks"

"Sige, mauna na ako ah." Walang ganang Sabi nito at umalis na. Medyo na gulat ako kasi usually dun kami sa may hagdanan nag hihiwalay eh. Hindi na ako nakasagot kasi malayo na siya, kaya nag umpisa nalang ako maglakad. Habang naglalakad papunta sa Room ay nahalata kong  halos lahat ay tumitingin o sumusulyap sakin. Napansin ko rin na nagbubulungan pa yung iba tuwing nakikita ako, hindi ko naman narinig pinagsasabe nila kasi bulungan nga diba. Hindi ko nalang to pinansin at nagmadaling maglakad papunta sa Room. Kahit nasa room na ako ay Nakikita kong Sinusulyapan rin ang mga Classmates ko. Hindi ko ulit to pinansin at dumeretsyo na sa upuan ko. Nakita ko namang Masama ang tingin sakin ni Sam habang si Jane ay parang alalang alala.

"Uhhhh. Bat ganyan kayo makatingin Sakin?"

"Alam mo Elaine kung mangangako ka sa sarili mo siguraduhin mong matutupad mo!" Galit na Sabi nito. Napaisip naman ako kung ano yung pinagsasabe nito. mangangako sp sa sarili? Ano bang pinangako ko?

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now