CHAPTER 29

746 22 2
                                    

SAMANTHA'S POV
Nung umalis na si Elaine Ay Naiwan kaming tatlo nila Jane at Harrison sa Table. Kahit May medyo ilangan tong dalawa ay parang May kutob ako Eh. Nag kwkwentuhan lang kaming tatlo tungkol kung ano ano. Hindi na namin pinag usapan yung kay Elaine at Axel. Habang nag kwkwentuhan ay nag paalam si Harrison na May bibilihan lang saglit, kaya naiwan kaming dalawa ni Jane. Umalis na si Harrison at Ito na ang pagkakataon kong Tignan kung tama kutob ko.

"Jane umamin ka sakin!" Napatigil naman to sa pag kain at tumingin sakin.

"Pinag sasabe mo?" Takang Tanong nito.

"May something ba kayo ni Harrison?" Nagtatakang Tanong ko naman. Halatang nagulat to sa Tanong ko at nag umpisang mamula.

"Ha?! Ano!? Wala ahhhhh!!!" Natatarantang pagtangi nito.

"Grabe defensive much gurl." Natatawang sabi ko.

"Ha hindi ah! Basta wala kaming something." Ang defensive ni gurl HAHAHHA buti pa ako walang gusto tsk tsk tsk.

"Kung wala Eh bakit namumula ka?" Mabilis naman nitong nilabas yung mini mirror niya at tinignan ang sarili.

"Uhhhh Wala.... blush on ko lang yan."

"At kailan ka naman nag Make up?" Mag sisinungaling pa eh. Eh hindi naman to nag mamake up unless na pilitin namin ni Elaine kasi May Formal na pupuntahan.

"Ummm Ngayon."

"Tssss... parehas kayo ni Elaine hindi marunong mag sinungaling. pero ano nga? May something ba kayo?"

"Wala!" Medyo malakas na Sabi niya, kaya yung iba sa paligid namin napatingin pa samin.

"Pero May gusto ka sakanya?" Maslalo naman tong namula.

"Umm... Me————" bago pa masagot ni Jane yung Tanong ko ay dumating si Harrison na May dalawang plate na May cake. Nilapag naman niya to sa harap namin ni Jane.

"Ano to?" Takang Tanong ko.

"Cake." Maikling sagot niya at umupo na ulit sa tabi ni Jane. Tinaasan ko naman siya ng Kilay.

"Alam kong cake to pero bat mo kami binilihan."

"Uhhh wala lang.... Dessert niyo."

"Salamat. Anong flavour to?"

"Mocha."

"Ahhhhh." Ang umpisa naman na akong kumain.

"Bat dalawa lang binili mo? Bakit ayaw mo?" Takang Tanong naman ni Jane kay Harrison.

"Uhhhh.... Hindi kwan kasi ubos na, last na nga yang dalawa eh." Pag papaliwanag naman niya.

"Gusto mo hati nalang tayo Eh andami nito oh." Namula naman si Harrison ng sabihin yun ni Jane.

"Hindi na. Binili ko yan para sayo." Sabi ni Harrison kay Jane.

"Sige na oh. Andami nito at hindi ko rin naman Mauubos Eh. Sayang naman."

"Hindi na Jane." Nahihiyang Sabi nito. Para naman akong nanonood ng drama na movie habang patuloy na kinakain yung cake.

"Wag ka ng mahiya." Sabi pa ni Jane at kumuha ng konting cake gamit ang tinidor at Tinapat sa bunganga ni Harrison. Nagkatitigan naman sila ng ilang saglit bago binuksan na ni Harrison ang bunganga at sinubo na ni Jane ang cake. "Oh diba ang sarap. Ang arte pa kasi Eh."

"Alam niyo." Biglang singit ko ng susubuan ulit sana ni Jane si Harrison. Napatingin naman silang dalawa sakin. "Ang sweet niyo." Sabi ko pa at todong namula ang dalawa.

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now