CHAPTER 65

255 7 0
                                    

ELAINE'S POV
"Elaine Alam ko." Gulat naman akong napatingin Kay Harden.

"Huh Anong Alam mo?" Taka ko namang tanong na May Konting kabs. Wala naman along tinatago sakanya ah? Pero Ano naman tong sinasabe niyang May Alam siya. Hindi naman siya sumagot kaagad, kaya Uminom muna ako ng Drink ko.

"Alam kong may Gusto ka sakin." Biglang sabi niya at Nadura ko sakanya yung Iniinom ko. Nagulat nga rin siya nung Nadurahan ko siya ng Drinks Eh, pero siya naman tong kung ano ano sinasabe.

"Hala Sorry, Pero ano bang pinagsasabe mong na gusto kita?" Taka ko namang tanong at Hindi ko naman kasi gusto si Harden.

"Nakikipag lokohan Lang Ako tapos duduraan mo ako ng Drinks. Basang basa na ako oh Kadiri." Natatawa niyang Sabi sabay Punas ng Tissue sa mukha niya, nabasang basa dahil sa Pag dura ko ng drinks.

"Eh loko ka parin no, nabigla ako sa Pinagsasabe mo Yan tuloy basa ka." Natatawa ko namang sabi at nag tawanan pa kami konti.

"Oh Eto na seryoso na tayo." Biglang sabi niya, iinom pa sana ako pero mamaya na at mamaya kung ano ano nanaman sabihin nito at madurahan ko pa.

"Oh Sige, Ano ba yun?"

"Kwento sakin ni Sam at jane kanina habang nag ccr ka Eh, namomoblema ka Daw?" Kahit kailan talaga sina Sam Hilig eKwento buong buhay ko, pero Saan naman ako namomoblema? Eh ok naman Ako sa School, wala naman akong Bagsak?

"Namomoblema Saan? Eh Ok naman Grades ko Sa school? Wala rin namang problema sa Bahay? So Saan naman ako namomoblema?" Taka ko namang tanong.

"Sa pinaka importanteng Aspekto ng Buhay." Sagot naman niya. Pinaka importanteng Aspekto? Ano naman yun?

"Huh Ano naman yun?"

"Sa LoveLife."Seryosong sagot niya. Huh Sa Love Life?!? Pati ba naman yun kwenento nila sa Loko na to?

"Huh Hindi No, wala kaya akong problema." Pagsisinungaling ko naman.

"Wehhhh Kasi According kila Sam, Hindi ka nga daw maka pili ng ka partner mo sa Prom Eh." Taas kilay niyang Sabi.

"May Napili na ako no."

"Sino?"

"Uhhh ————- Ikaw, diba ikaw naman partner ko noon nung G10 tayo, Edi ikaw nalang ulit."

"Baliw ka ba? Eh Hindi naman na ako Nag aaral dun sa school Eh, tsaka wala ako nun no busy ako." Sabi naman niya.

"Tssss, Mas Importante pa ba yan kesa sa Pinagka mabait mong BestFriend?" Naka pout kong sabi sakanya.

"Wag ka ngang mag pa awa diyan, mukha kang Tanga." Natatawang sabi niya sabay Sipsip ng Inumin niya.

"Bastos ka talaga, kahit kailan." Inis kong sabi.

"Nako Kung Ako Lang sana pinili mo nung High school tayo ang saya ng buhay natin." Ngisi niyang Sabi. Nung Highschool kami Ay umamin din kasi sakin si Harden, pero dahil Si Axel parin ang gusto ko noon ay Binusted ko rin siya.

"Move on Ka na, parang Wala ka pang Girlfriend ngayon, hello Kita ko mga post mo."

"Kahit, sakit kaya nung binusted mo ako."

"Tss, Mas bagay tayong mag bestfriend kesa mag Jowa no." Sabi ko nalang sakanya.

"Oo na, Sige na Mas bagay nalang tayong mag bestfriend, pero sinasabe ko sayo kung Sinagot mo ako noon. Nako may Mansion na tayo, May Sariling Companya, tapos May Pamilya narin." Pagmamalaki naman niya.

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now