CHAPTER 39

630 13 0
                                    

JANE'S POV
"Mahal mo Rin ba ako Jane?"

"Hindi lang kita Mahal Harrison, kasi Mahal na Mahal kita." Sagot ko naman sakanya at Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Nagpalakpakan at hiyawan naman mga students sa cafeteria. Himiwalay naman na kami sa yakap at bumaba na sa table at umupo sa upuan.

"Wow naman ganoon nalang yun." Sabi naman ni Sam.

"Wala Eh mahal pala nila ang isat isa." Sabi naman ni Elaine.

"Hindi lang mahal Elaine kundi mahal na mahal namin ang isat isa." Sabi naman ni Harrison at hinawakan ang kaliwa kong Kamay.

"Nako nako nako... Rupok mo Jane HAHHAHAH." Natatawang sabi ni Samantha na Masama ko namang tinignan.

"Basta Harrison tandaan mo sinabe ko Sayo Ah." Sabi naman ni Timothy kay Harrison.

"Opo Sir HHAHHAHAH." Natatawang sagot ni Harrison kay Tim.

"Ano naman yung sinabe mo sakanya Tim?" Takang Tanong ni Elaine kay Timothy.

"Na pag Niloko niya yang si Jane Eh makakatikim sakin ni kaliwat kanang mga suntok sakin." Sagot naman ni Timothy.

"Grabe ka naman Timothy." Nakangiting sabi ko sakanya.

"Baka sakali lang naman." Sabi naman ni Timothy.

"Hindi lang suntok ni Timothy Matitikman mo pag sinaktan mo si Jane Harrison, pati narin mga malalakas kong Sapak." Pagbabanta naman ni Sam.

"Grabe kayo ah, Swempre hinding hindi ko sasaktan tong pinakaminamahal kong Si Jane." Sabi naman ni Harrison habang Nakangiti sakin.

"Sus."

"Oh para fair Ano naman gagawin mo sakin Elaine pag sinaktan ko si Jane?"
Natatawang Tanong ni Harrison kay Elaine at tumingin naman kaming apat kay Elaine na kakasubo lang ng spaghetti.

"Uhhhh Kwan papanoorin ko si Timothy at Sam na bugbugin ka tapos pag kulang pa edi sipain narin kita HAHAHHAHAHAHA." Natatawa namang sagot ni Elaine.

"Wag kayong mag alala kasi masisigurado kong hinding hindi ko sasaktan si Jane." Sabi naman ni Harrison sakanila.

"Oh sige na Kumain na nga tayo at magtitime na Oh." Sabi naman ni Sam at kumain na ulit kami. Pagkatapos kumain ay nagpaalam narin kami kila tim at Harrison at tumungo na sa room. Buong Hapon naman ako Pinagaasar ni Samatha pero na Sanay narin ako. Kasi Buong hapon rin ako tinetext at kinakamusta ni Harrison Eh.

~ ~ ~

Lumipas na ang ilang linggo at masaya kaming nagsama ni Harrison. Pero kahit ilang linggo narin ay hindi ko parin nasasabi sa Pamilya ko na May Boyfriend na ako, at natatakot akong baka pagalitan ako nila Dad kasi mamaya sabihin nila hindi ko Finofocus sa pag aaral Eh. Pauwi na kami galing school ngayon at hinatid ako ni Harrison. Pag park niya ay bumaba siya pinagbuksan ako ng Pinto.

"Salamat Ah."

"Hindi ka pa nasanay, Oh sige na Uuwi na ako ah." Paalam naman ni Harrison.

"Sige ingat ka ah."

"Swempre para Sayo." Nakangising Sabi naman niya. Nung tutungo na sana siya sa sasakyan niya ay biglang bumukas yung pinto ng Bahay at pareho kaming napatingin dun. Nakita naman namin si Mama na ang Laki ng Ngiti.

"Oh Jane you're Here at sino naman tong gwapong binata na to." Nakangiting tanogn ni Mama at lumapit samin.

"Ahhhhh Ma si Harrison nga pala Kaibigan Ko." Sabi ko naman.

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now