CHAPTER 68

228 8 0
                                    

AXEL'S POV

"Elaine, Would you go to Prom with Me?" Ngising tanong ni Jericho.

'Naunahan niya na ako' Mahina kong sabi sa sarili, ay Nabitawan ko nalang ang hawak kong Bouquet.

"Yes." Sagot ni Elaine at niyakap na siya ni Jericho. 

Habang yakap parin ni jericho si elaine ay pinulot ko nalang yung bouquet na dala ko, at pag yuko ko ay sabay naring nagumpisa ng tumulo ang luha ko. pero pinunasan ko nalang to at tumakbo na papunta sa kotse ko, pumasok na ako at pinaandar ito.

~ ~ ~

habang nag mamaneho ako ay tumutulo parin ang luha ko, kaya punas ako ng punas ng mata ko. pag dating ko sa bahay at tumawid na ako kaagad at tumungo sa bahay nila elaine, kailangan kong tangalin yung mga nilagay ko at may partner naman na siya.4

tinapon ko sa basurahan namin dito sa labas yung bouquet at kumatok na sa pinto. pagkalipas ng ilang saglit ay bumukas na ang pinto, at medyo nagulat ako at Dad ito ni elaine ang expect ko kasi ay si Tita Emilia. taka namang tumingin sakin ang Dad ni elaine.

"Oh, Axel anong ginagawa mo dito? kung si Elaine hinahanap mo ay wala pa siya, at hindi daw siya dito mag didinner ngayon." sabi naman ng tito Theodore. Parang tuktuk siya sa mukha ko at napansin niya siguro na namumula parin ang mata ko dahil sa pag iyak ko kanina.

"Si Tita Emilia po ba ay nandito?" tanong ko.

"Wala kakaalis nga lang may binili daw sa mall. So si emilia ba ang pinunta mo dito?"

"Um Hindi po Tito, pero pwede po ba akong pumasok at may kukunin lang po ako sa kwarto ni Elaine?" nakangiti kong sabi kahit peke lang ang ngiti ko.

"Ahh, Sige." sagot naman niya at pinapasok na ako,  medyo napataka rin ako at hindi na to nag tanong pa kung ano ang kukunin ko. pero pumasok nalang ako at tumungo na sa kwarto ni Elaine. pag pasok ko ay nakita ko ang pinaghirapan kong suprise sana, pero wala eh naunahan na ako.

hindi ko nalang inisip yun at parang maluluha naman ako, kaya naman inumpisahan ko ng iligpit yung surpise ko. habang nagliligpit ako ay bumukas yung pinto kaya naman napalingon ako dun, pagtingin ko ay si Tito Theodore iyon.

"So hula ko ay naunahan ka na?" taas kilay na tanong ni Tito sakin.

"Ah Opo Tito." sagot ko naman.

"so susuko ka nalang ng ganoon ganoon?"

"Eh nag Yes na po si Elaine sakanya, ayaw ko naman pong mang agaw pa ng prom date." pagpapaliwanag ko naman at nag tuloy ako sa paglilinis.

"Pero susuko ka na ba kay Elaine?"

"uhhhh Hindi ko po alam, kasi parang lamang po siya kesa sakin sa puso ni Elaine."

"so porket lamang hindi mo na paglalaban." tanong pa ni Tito Theo.

"Hindi naman sa ganoon tito, pero pano ko paglalaban kung alam ko na sa huli matatalo rin ako."

"Si Ela ba ay sinukuan ka ba kahit ilang taon mo na siyang tinanggi, Hindi diba. Tapos siya porket may partner na sa prom ay talo ka na kaagad, hindi pa naman niya Boyfriend si jericho Diba? so bakit ka naman susuko?" sabi pa ni tito at tumungo na palabas ng kwarto.

"Kung ngayon palang ay susuko ka na, ay wag mo nalang ligawan ang Anak ko." sabi pa ni tito at tuluyan ng lumabas. medyo na shock ako sa sinabi ni Tito, pero tinuloy ko nalang pagliligpit ko. habang nag liligpit ako ay inisip ko ang sabi ni tito, susuko nga ba ako ng ganoo ganoon lang.

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now