CHAPTER 19

931 33 8
                                    

ELAINE'S POV
"Kasi...." Kwenento ko Sakanila yung nangyare sa pagitan namin ni Axel, lahat kwenento ko simula nung Hindi niya ako sinundo Last week nung nag Paint kami sa school.

Habang kwenekwento ko mga nangyare ay hindi ko nalang napigilan at nag umpisa ng Tumulo Luha ko. Natatandaan ko kasi lahat ng naramdaman kong sakit galing sa mga sinabe niya. Kahit isang linggo na nung nangyare lahat ng Ito ay hindi ko parin siya mawala sa isip ko. Ang tanga ko talaga no, ang Hirap kasi biglang bitawan yung pagmamahal na nararandaman mo sa isang tao. Bakit ba ganito ko, pero Kahit ganito ako ay pipilitin ko ang sarili ko na kalimutan siya, pipilitin ko sarili kong Tangalin ang nararamdaman ko sakanya. Pagkatapos ko magkwento ay Bumubuhos na ang luha ko kaya niyakap ako nila Sam at Jane.

"Sige lang Elaine labas mo lang yang sakit." Sabi ni Jane habang yakap yakap parin ako.

"Wag kang magalala Ela andito lang kami para sayo, at hindi lang siya ang lalake sa Mundo. Marami ka pang makikilalang lalake na magpapatibok niyang puso mo." Sabi naman ni Sam

"Hirap lang kasi biglang Tangalin ang pagmamahal na nararamdaman ko sakanya, isipin mo siya nalang laman ng puso ko for the Past years tapos ngayon kailan ko na siyang kalimutan." Malungkot kong Sabi

"Kaya sinabihan ka na namin noon diba, sabi namin sumuko ka na, kasi masasaktan ka lang. oh Tignan mo nangyare, eto ka broken na broken. Masyado ka kasi napamahal sakanya kaya Eto ang nangyare Eh." Sabi ni sam. Tama nga sila dapat noon pa ay sumuko na ako, edi sana hindi na umabot pa as ganito.

"Ito yung ayaw namin ni sam mangyare Elaine. Ayaw ka naming makitang masaktan ng ganito, kaibigan mo kami Elaine kaya nasasaktan rin kami para sayo."

"Salamat talaga sainyong dalawa, at sorry na hindi ko kwenento kaagad. Hindi ko kasi alam kung pano sabihin Eh, At ayaw ko naman na makita niyo akong ganito." Sabi ko at niyakap ko sila ng mahigpit.

"Naintidihan ka naman Elaine, palagi lang kami nandito wag kang mag aalala."

"Oo nga, at susupportahan ka namin sa gusto mo. Kami mismo tutulong sayo sa pag iwas kay Axel para mapabilis ang pag move on mo sakanya."

"Salamat talaga ah."

"Walang problema. At mabuti na nandiyan si Timothy na inalagaan at tinulungan ka."

"Oo Nga Eh, siguro kung hindi ako sinundo noon ni Timothy sa labas ng school Hindi siguro ako umalis dun, at baka kung ano pa nangyare sakin pag ganoon." Hindi ko alam kung anong ginawa ko at na deserve ko ang isang Kaibigan na kagaya ni Timothy. Siya nalang lagi nandiyan sakin pag kailangan ko ng Tulong, parang Knight in shining armour ko siya.

Nagtuloytuloy lang kwentuhan namin nila sam and Jane sinubukan rin nila akong pasayahin kahit masakit parin. Nung Sunday na ng Gabi ay umuwi na si Sam at Jane, naiwan na ako ngayon sa bahay nakahiga sa Kama at nakatingin lang sa itaas.

"Elaine!" Biglang Sigaw ni mama, kaya bumangon at bumaba kaagad ako.

"Ano yun ma? Bat ka sumisigaw?" Takang Tanong ko naman kay mama na nagluluto.

"Eh kanina pa kita tinatawagan sa Cp mo eh hindi ka naman sumasagot, at hindi ko pwede Iwan tong niluluto ko, kaya sumigaw nalang ako." Sagot naman ni mama.

"Ay sorry ma, naka mute pala Cp ko. Ano po ba kailangan niyo?"

"Punta ka nga kila Tita Sherin mo." Sabi ni mama. Biglang bumilis tibok ng puso ko. Pupunta ako kila tita Sheri? Sa mama ni Axel. Bat ako pupunta dun. Iniiwasan ko nga siya tapos papapuntahin ako ni mama dun. Pero si tita naman pupuntahan ko dun at hindi si Axel. Siguro ok lang naman, per sana wala siya.

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now