CHAPTER 32

838 29 3
                                    

AXEL'S POV
"Elaine Wait." Sabi ko pa pero hindi ako nito pinansin at nilapitan si Timothy at umalis. Naiwan akong tulala dito ng ilan pang minuto pagkatapos ako sapakin ng sobrang lakas ni Elaine. Pipiliin talaga niya yung lalake na yun kesa sakin, akala ko ba gusto niya ako o dati niyang gusto. Tapos ganoon ganoon nalang niya akong papalitan.

"Hoy Axel bakit mo kasi Sinuntok si Timothy yan tuloy na sapak ka." Natatawang sabi ni Jerome.

"Wag nga ngayon Jerome." Inis na Sabi ko at nagumpisang maglakad palayo.

"Hoy Joke Lang Eh." Rinig ko pang Sabi niya pero dumeretsyo na ako sa sasakyan ko, at nag umpisa ng magmaneho pauwi. Pagdating ko sa bahay ay nakita ko pang naka park yung sasakyan ni Timothy sa labas ng bahay nila Elaine. Maslalo akong nainis kaya nag park nalang ako at dumeretsyo na sa kwarto. Nag shower na muna ako bago ako nag palit.

"Axel Kain na!" Rinig kong Sigaw ni mama sa baba, kaya bumaba na ako.  Pagkababa ko ay dumeretsyo narin ako sa Dinning area, nakita ko naman si mama dun na naka upo na. Umupo narin ako sa lagi kong inuupuan at kumuha na ng pagkain.

"Oh Anak bat parang namumula yang pisngi mo?" Sabi ni mama na hinawakan pa yung pisngi ko.

"Wala Ma."

"Sigurado ka ba? Eh parang May sumapak sayo eh."

"Wala nga." Inis na Sabi ko at tinangal ang pagkahawak niya sa mukha ko.

"Yung Kiara ba na nililigawan mo ang sumapak Sayo!? Sabi ko na nga ba walang madadalang mabuti yung babae na yun. Hindi kayo bagay nun, kaya kung ano sayo layuan mo na nga yun ka———"

"Si Elaine sumapak ma!" Malakas na Sabi ko.

"Eh ano ba kasing ginawa mo at sinapak ka ni Elaine? Tss tss tss... nung bata kayo mag best friend kayo tapos ngayon anyare Ha!?"

"Eh bat parang pag si Elaine pinaguusapan eh sakanya ka naka side ma, tapos pag si Kiara eh against ka!?" Inis na Sabi ko.

"Swempre mas kilala ko naman si Elaine at Alam kong hindi ka niya sasapakin ng basta basta. Eh Diba May gusto pa naman siya Sayo tapos sasapakin ka nalang niya ng walang dahilan." Pagpapaliwanag ni Mama.

"Tss... masmalaki pa tiwala mo sakanya kesa sa sarili mong anak."

"Aba Swempre May tiwala ako sayo, pero kilalang kilala rin Kita, kaya Ano bang ginawa mo kaya sinapak ka ni Elaine."

"Wala.."

"Impossibleng wala."

"Wala nga Eh."

"Gusto mo tawagan ko pa si Elaine para malaman ko."

"Wala nga kasi ma."

"Sige kung wala edi tawagan ko si Elaine." Kinuha naman ni Mama yung Cellphone niya at nag umpisang pumindot. "Hello Elaine." Inagaw ko naman yung Cp ni mama, at nakitang wala naman siyang tinatawagan. "Oh ano sasabihin mo or totoohanin ko ng tatawagan siya?" Umupo na ulit ako sa upuan ko.

"Sinuntok ko yung kaibigan niya."

—PAK—

"Arayyyy!!!" Sabi ko nung bigla akong sapakin ni mama. "Para saan yun ma!"

"Eh bakit ka kasi nanununtok!"

"Ehhhhh..."

"Eh Ano!?"

"Tinakas kasi niya si Elaine kahapon ng lunch kaya half day lang sila kahapon."

"Ha!? Eh bat pumayag si Elaine? Hindi naman ganoon Ugali nun eh."

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now