CHAPTER 42

621 18 0
                                    

ELAINE'S POV
"Elaine magkapatid Tayo." seryosong Sabi niya sakin. Hindi naman ako makasagot at makagalaw sa sobrang pagka gulat at hindi pagkapaniwala sa sinasabe niya.

"Timothy pinagloloko mo ba ako?" Seryosong Tanong ko naman sakanya. Pero hindi nag bago ang Tingin niya sakin.

"Hindi kita pinagloloko Elaine. Totoo ang sinasabe ko Magkapatid tayo." Seryosong Sabi niya uli. Napatayo naman ako dahil sa Hindi pagkapaniwala sa sinasabe ni Timothy. Kaya ba iba ang feeling ko kay Timothy. Ang bilis niyang naging close kila Papa at mama na parang kilala siya, kaya ba Ok lang sakanila pag natutulog siya dun sa a Guest room na parang kwarto na niya rin. Tapos nung andun ako sa bahay niya, kaya na familyar yung Dad niya Kasi Si Dad yun and kaya ba Inagaw niya kaagad sakin.

"Pano!? Pano nangyare Tim?" Naguguluhan kong Tanong. Tumayo naman to at lumapit sakin.

"Hindi dapat sakin to mang gagaling, pwede bang umuwi muna tayo at hayaan natin si Dad na mag explain. Kasi hindi ko rin alam yung buong story." Pagpapaliwang naman niya at tumango naman ako. Pumunta naman na kami sa sasakyan niya at nag umpisa ng magbiyahe papunta sa Bahay. Habang nag biyabiyahe ay hindi parin Makapaniwala sa sinabe ni Tim, Hindi ko nga siya Kayang Tignan Eh.

~ ~ ~

Pag dating naman namin sa bahay ay mag isa kong Bumaba ng sasakyan at hindi na inantay pa si Timothy. Pag pasok ko naman ng bahay ay nasa living room pareho si Dad at mom na nanonood ng Tv.

"Oh Elaine Naka uwi ka na pala, Hindi mo ba kasama si Timothy eh akala ko dito siya matutulog ngayon?" Takang Tanong naman ni Dad. Bago pa ako makasagot ay pumasok na si Timothy ng Bahay.

"Dad Sinabe ko na." Sabi naman niya at parehas na gulat tumingin sakin si Dad at si Mom.

"Anong ibig mong sabihin Tim?" Tanong naman ni dad sabay tayo pa sa ikinauupuan.

"Alam kong magkapatid kami." Sabi ko naman. At lumapit sakin si Dad pero lumayo ako sakanya.

"Ela Anak." Sabi naman ni Dad.

"Pano? Pano niyo tinago sakin to ng Halos 18 Years Dad? Pano?! Pano niyo kinayang Itago sakin na May kapatid ako?!?" Naguguluhan ko namang Tanong sakanila.

"Akong May ayaw na Malaman mo." Bigla namang Sabi ni Tim.

"HA ANO!?"

"Ela Anak Upo ka muna para Sabi na namin sayo ang lahat." Sabi naman ni Mom. Na sinusubukan akong makalmahin. Sinunod ko naman siya at umupo na ako sa couch. Katabi ko Si Mom na katabi naman ni Dad, tapos si Tim naman nakaupo dun sa isang Upuan na malapit kay dad.

"Naka upo na ako ngayon Please lang wag na kayong magsinungaling sakin at sabihin niyo ang totoo." Sabi ko naman sakanila.

"Anong gusto mong malaman?" Tanong naman ni Dad,

"Lahat Lahat gusto kong malaman. Totoo bang kapatid ko Si Timothy?" Tanong ko naman.

"Oo kapatid mo siya Elaine." Sabi naman ni Dad.

"Half Brother." Bigla namang Singit ni Tim.

"Huh Ano!? Panong half brother?" Takang Tanong ko naman.

"Hindi ako ang Mom ni Timothy Ela." Sabi naman ni Mom.

"Pero Pano Nangyare yan?" Naguguluhan kong Tanong. Half Brother ko siya?

"Theodore Ikaw nalang magpaliwanag." Sabi ni Mom kay Dad sabay hawak sa Kamay nito. Huminga naman ng malalim si Dad bago ako tinignan.

"Ganito kasi Elaine Anak. 19 Years ago nagkahiwalay kami ng Mom mo dahil May nagawa ako. Sa sobrang pagsisisi ko At pumunta ako sa Bar at uminom ng uminom dahil sa sobrang pagsisisi ko, At nung gabing yun Dun ko nakilala ang Mom ni Timothy na si Claire. Parehas kaming broken nun ni Claire kasi kakahiwalay niya lang daw sa boyfriend niya. Nagpatuloy yung gabi na Puro kami Inom at Kwentuhan ni Claire, at nung hating gabi na ay Ininbitahan ko Si Claire sa Bahay. At alam mo naman na siguro nangyare nung pagdating namin sa bahay. Akala naming pareho One night stand lang yun kasi pagkatapos nun ay hindi kami nagkita ni Claire ng matagal, at napatawad na ako ng Mom mo nun kaya nag sama na ulit kami. Tapos isang araw ay mag isa ko lang Sa bahay ng Biglang may Kumatok sa pinto, at laking gulat ko ng si Claire yun na Buntis pala. Sinabe nito sakin na Buntis siya at ako ang tatay, nung una hindi ako makapaniwala pero Inasure niya sakin na Ako daw. Hindi ko to kaagad kwinento sa Mom mo at hindi din ako sure, pero pagkatapos ipanganak si Timothy at tinest namin ay ako nga ang Tatay. Gusto sana ni Claire nun na magsama kami pero Ang Mom mo ang Mahal ko. Hindi kami nagkatuluyan ni Claire pero sinigurado ko sakanya na hindi ko pababayaan ang anak namin, gusto ko sanang Samin si Tim pero ayaw niya. Kaya ang naging decision namin ay Titira siya dun sa kila Lolo at lola niyo. Sinabe na naming pareho sa Mom mo yung nangyare at nung una ay hindi din makapaniwala yang si Mom mo. Pero pinatawad rin niya ako at Buntis siya nung Sinabe namin. Naging magkaibigan si emilia at Claire Pero Nag decide  si Claire na magstay sa Tagaytay, at atleast one month every year ay nagstaystay ako dun para makasama rin si Timothy. Tapos nung 5 na si Timothy ay Namatay si Claire, gusto ko sanang Ipag sama na kayong dalawa pero Ayaw ni Timothy nun. Kaya Pinapunta ko nalang siya kay Dad and Mom na nagpalaki na sakanya. Matagal na naming pinipilit si Timothy na tumira nalang dito pero ayaw niya. Ngayon lang na decision niyang gusto ka narin niyang makasama, pero siya daw mag sasabi kaya Hinayaan ko siya. Kaya parehas kami ng Mom mo na komportable pag kasama mo Si Timothy, kaya nga never ka naming Hindi pinayagaan basta alam naming kasama mo Siya." Pagpapaliwanag naman Ni Dad. Pero hindi parin ako makapaniwala. Itinuon ko naman ang tingin ko kay Timothy.

"Bakit Hindi ka Pumayag nung umpisa na makasama ako?" Takang Tanong ko naman sakanya.

"Kasi natakot ako." Sabi naman niya sabay tingin Pababa.

"Natakot saan?"

"Natakot akong hindi mo akong matatangap na Kapatid mo." Sagot naman niya at nagulat naman ako.

"Bakit mo naman Iisipin yun, alam mo bang simula palang nung bata ako ay gusto ko ng magkakapatid. Maslalo ng lalake." Sabi ko naman sakanya.

"Pero Half brother mo lang ako." Malungkot niyang Sabi at lumapit naman ako sakanya at Niyakap siya.

"Kahit One fourth brother pa kita mamahalin kita. Alam mo bang dahil sayo Ito ang pinaka masaya kong Year. Simula nung nakasama kita ay mas sumaya ang Buhay ko pati narin ng mga kaibigan ko." Sabi ko naman sakanya.

"Alam mo bang ang tagal ko rin gustong sabihin sayo pero Natakot talaga akong Hindi mo ako matangap Eh." Sabi pa niya.

"Wag mong isipin Yun. Pero wait lang ikaw ba yung Palaging nagreregalo sakin na From: T lang nakalagay?" Tanong ko naman. Kasi simula palang Bata ako ay May nagreregalo sakin na From: T lang nakalagay tapos ang gaganda rin ng Gifts. Ang yun yung palagi kong inaatay na gift eh.

"Oo, nagustuhan mo ba yung mga Regalo ko sayo?"

"Swempre ah Yun nga palagi yung pinaka magadang Regalo na natatangap ko Eh. Tagal ko naring gustong malaman kung Kanina galing yun Eh." Sabi ko naman sakanya. Bumalik naman na ako sa upuan ko.

"So Timothy payag ka na Bang tumira dito?" Tanong naman ni Mom.

"Kung ok lang po sainyo ni Dad." Sagot naman ni Timothy kay Mom.

"Swempre ah. Bakit ko naman ayaw Eh ang tagal ka na naming pareho ni Emilia pinapatira dito." Masayang Sabi ni Dad.

"Thanks Dad, thanks Tita." Sabi naman niya kila Dad and Mom.

"Nako Timothy Mom nalang wag ng Tita." Nakangiting sabi ni Mom. Nginitian naman ni Timothy si Mom saka binalik kay Dad ang tingin.

"Oh Bukas na Bukas Tutulungan ka naming Mag move out dun sa nirerent kong Condo mo." Sabi naman ni Dad.

"Sige po Dad."

"Oh sige na Matulog na kayong Dalawa at 11:00 PM na oh." Sabi naman ni Dad samin ni Timothy. Sabay naman na kaming tumayo ni Timothy pero bago pa kami makaalis sa Living room eh. "Saglit lang." Biglang Sabi ni Dad sabay lapit samin ni Timothy na takang nakatingin sakanya.

"Bakit Dad?" Tanong ko naman. Pero lumapit pa si Dad samin bago kaming Sabay yakapin.

"Himala magkasama narin ang Dalawa kong Anak." Sabi pa ni Dad. Na ang higpit ng yakap samin. "Emilia Sumali ka naman dito." Tawag ni Dad kay Mom na mabilis na sumali sa Group Hug namin. Tumawa naman kami konti bago tuluyang humiwalay sa yakap.

"Oh Sige na Umakyat at matulog na kayong Dalawa." Sabi naman ni Mom Samin. At parehas kaming Tumango ni Tim Bago umakyat na.

"Hindi parin ako makapaniwala na Kapatid kita, pero Parang naramdaman ko nga na iba yung connection natin." Sabi ko kay Tim.

"Hindi nga rin ako makapaniwala na nasabi ko narin sayo Eh." Sabi naman niya. Halos magkaharap lang yung kwarto namin.

"Oh sige na papasok na ako sa Kwarto Ela." Paalam naman ni Tim.

"Sige GoodNight Brother." Sabi ko naman At napa ngiti naman si Timothy.

"Goodnight rin LilSis." Sabi naman niya sabay halik sa noo ko at pumasok na sa kwarto niya...

TO BE CONTINUED...
[SANA ALL MAY KUYA KAGAYA NI TIM AND MAY ADING KAGAYA NI ELAINE]
(HI GUYS SANA NAENJOY NIYO TONG PART NA TO. SALAMAT PO ULIT SA PATULOY NA PAG SUPPORTA SA STORY KO )
VOTE
COMMENT
SHARE

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now