CHAPTER 72

317 9 3
                                    

ELAINE'S POV
"You Look Beautiful Elaine." Ngiti niyang Sabi sabay nilahad ang Kamay.

"Thanks ang Gwapo mo rin." Sabi ko naman sakanya at Kinuha ang kamay niya.

"Let's Go?" Tanong pa niya at Tumango nalang ako.

"Mom alis na Kami." Paalam ko naman Kay mom at ngumiti nalang siya. Lumabas naman na kami ng bahay ni Jericho, at tumungo na sa sasakyan niya. Pinagbuksan naman niya ako ng Pinto at tinulungan na akong sumakay.

Sumakay narin siya Pagkatapos, bago pa kami umalis ay napatingin pa ako sa bahay nila Axel at Mukhang Wala na rin ang kotse niya. Sinundo na siguro niya partner niya, pero akala ko ba wala siyang partner?

Pinaandar na ni Jericho ang kotse niya at Tumungo na kami sa Location ng Prom. Hindi kasi sa School Gaganapin yung prom, kumuha sila ng Event Hall na medyo malayo sa School.
Habang papunta kami sa Event hall ay Tahimik Lang kaming dalawa hangang.

"Galit ka parin ba sakin El?" Biglang tanong naman ni Jericho kaya napatingin ako sakanya.

"Huhhh Hindi." Sagot ko nalang

"Alam kong Galit ka Elaine, sumula nung nalaman mo yung usapan ng dad mo at ng dad ko ay bihira ko na akong kausapin."

"Nalilito Lang ako Jericho, Hindi ko naman din ako masisisi yung bigla mo nalang malalaman, na May Kailangan ka palang Pakasalan pag wala ka pang Boyfriend at 19 ka na." Pagpapaliwanag ko naman.

"Kagaya ng Sabi ko sayo nung nalaman mo elaine, Hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Kahit magalit pa sakin si Dad ay Hinding Hindi kita pipilitin na mahalin ako pag ayaw mo." Seryosong Sabi naman ni Jericho sakin. Napangiti nalang ako at ngumiti narin siya. Nagtuloy tuloy na kami papunta sa Event hall na halos kalahating oras ang layo sa bahay namin.

Pagdating namin ay marami naring mga sasakyan sa labas at nakita ko na andun narin yung Kay Axel. Nung nakapark na kami ay tinulungan na ako ni Jericho pababa ng kotse at tumungo na kami sa loob. Nung tinignan ko yung phone ko ay medyo late narin kami at 6:30 daw Dapat andito na kami pero 6:50 na. Kaya naman sinabihan ko na si Jericho na bilisan nanamin.

Pagpasok namin sa loob ay Exactong tumutok samin yung spotlight, nagkatinginan naman kami ni Jericho at ngumiti nalang. Naka hawak ako sa braso niyo habang patungo kami sa table namin, andami ngang Nag Titilain na mga babae eh. Pero gets ko din at Ang Gwapo ng ayos ni Jericho ngayon. Pagdating namin sa table namin ay andun na sina Sam, Jerome, Jane, Harrison at laking gulat ko nung nakita ko si Kiara dito.

"Wow May pa Grand entrance pa kayo ah." Pabirong Sabi ni Sam at natawa naman yung iba. Umupo naman na ako at Katabi ko sa kanan si Kiara Habang sa kaliwa ko naman si Jericho.

"You look beautiful Elaine, bagay mo yang suot mo." Nakangiting sabi naman sakin ni Kiara.

"Thank you, ikaw din ang Ganda mo." Sabi ko naman sakanya. Napatingin naman ako sa upuan sa tabi ni Kiara at walang nakaupo dun, Eh sino bang partner ni Kiara? Takang Sabi ko naman sa sarili ko. Napansin naman ni Kiara ang pagtining ko sa upuan sa tabi niya kaya.

"Nag Cr Lang saglit si Axel." Bigla naman niyang Sabi. Kaya medyo gulat akong napatingin sakanya. Ahhhhhh oo nga naman Eh sino pa bang pwedeng makapartner ni Axel kundi si Kiara Lang.

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now