CHAPTER 13

694 23 0
                                    

AXEL'S POV
Kasalanan ko to... nang nalaman kong nagkasakit si Elaine, dahil sa hindi ko pagsundo sakanya ay nagmadali ako papunta sa Gate ng School. Nang makarating ako sa Gate ay sinubukan kong lumabas kaso bago ako tuluyang makalabas ay May humawak sa Balikat ko. Pagtingin ko Kung sino iyon ay Isa itong Guard sa School. Putek nahuli pa! Ngayon na Lang ako tatakas tapos mahuhuli pa ako. Kailangan ko ng pumunta Kay Elaine para magsorry. Tss tanga talaga ng babae na yun Hindi nalang umuwi magisa nung nakitang wala ako.

"Oppp. Bawal yan." Sabi ng guard.

"Kuya Guard kailangan ko po talagang Lumabas."

"At bakit yun, May permission to Leave Slip ka ba?" Bwisit Wala Eh, kahit humingi ako sa Office ng school ay alam kong Hindi rin ako papayagan. Kaso kailangan ko talagang puntahan si Elaine at mag explain. Na guguilty ako kasi kasalanan ko Kung bakit nagkasakit si Elaine. Hindi ko pa natupad promise ko sakanya na susunduin ko siya ay papasakay ko siya sa sasakyan ko. bat ba kasi kailangan pa mangyari yung kahapon, kaya yan tuloy Hindi ko nasundo si Elaine. Eh lobat pa naman ako kaya Hindi ko siya matext or matawagan man lang. Hindi ko din naman memorize number niya. Tss.... si Kiara kasi ang ba——

"Hoy Iho, May PTLS (Permission To Leave Slip) ka ba?" Hindi ko na natuloy ang iniisip ko dahil sa pag singit ni kuya. pano ako makaka labas nito.

"Wala ho."

"Eh... wala naman pala Eh, sige bumalik ka na sa loob." Sabi ni kuya Guard. Kailangan ko talagang makalabas.

"Kuya Guard Kailangan ko talagang Lumabas, May sakit yung kaibigan ko."

"Eh bakit Doctor ka ba?" Takang tanong ni Kuya.

"Ahh, Hindi po."

"Oh hindi naman pala Eh, Edi Hindi ka niya kailangan. Pumasok ka na at mamaya mo na siya bisitahin pag tapos na klase mo."

"Kuya Guard kwan kasi, ako kasi yung dahilan Kung bakit siya nagkasakit kaya kailangan ko talaga siyang puntahan." Pagpupumilit ko baka sakaling makalabas ako ng school.

"Kahit na, May klase ka pa kaya kailangan mong manatili dito. Naintindihan!" Galit na sabi ni kuya. Dahil ayaw talaga ako palabasin ni kuya, ay no choice ako at bumalik nalang sa room. Habang naglalakad ako sa hall ay pansin kong wala ng tao. Puta Late na ako at sa kabilang building pa yung room ko. Tumakbo na ako ng mabilis papuntang room pag dating ko ay nakita kong nag nagsusulat si sir. Parisko sa Board kaya Dahan Dahan akong pumasok para Hindi ako mapansin nito. Habang Dahan Dahan akong naglalakad papunta sa upuan ay napansin ako ni Jerome na nagsusulat sa notebook nito. Ngumisi naman ito.

"Sir Andito na po Si Axel oh." Malakas na sabi nito Biglang na punta naman sakin ang attention ng mga classmates ko at pati na si sir. Bwisit talaga tong si Jerome kahit kailan pahamak.

"Oh Mr. Rivera Bat ngayon ka Lang?" Takang tanong naman ni Sir. Shettt late ako pag pangit reason ko madedetention ako nito, Eh kailangan ko pa naman puntahan si Elaine. Hmmm pag sinabe kong Galing ako ng School Office maniniwala kaya to. Buset anong sasabihin ko.

"Mr. Rivera?" Biglang nabalik yung atensyon ko Kay sir.

"Ahhh... kwan kasi sir."

"Anong Kwan? Paki bilis Mr. Rivera at maglelesson pa ako. Bakit ka Late?!" Medyo na iinis na itsura nito. Ahh Alam ko na.

"Sir Nag CR po kasi ako kaya medyo natagalan." Pagsisinungaling ko.

"At ano naman ginawa mo sa CR?" Taas kilay na tanong ni sir.

"nag CR." Biglang sagot ko nagtawanan naman mga kaklase ko at pinaka Malakas ang Kay Jerome.

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now