CHAPTER 25

896 26 2
                                    

ELAINE'S POV
"Alam mo ba yung huling sinabe sakin ni Lola bago niya ebigay to sakin."

"Ano?"

"Binilin niya na ebigay ko to sa taong Importante sakin at Mahal ko....."

"E-edi Bat mo bibigay sa-sakin?" Nauutal na Tanong ko. Kung para dapat sa taong importante at mahal niya, bakit niya bibigay sakin. Tumingin naman na to sakin at ngumiti.

"Eh diba kailangan mo ng pang ponytail."

"Akala ko ba importante yan sayo?"

"Importante naman."

"Edi bakit mo papahiram sakin?"

"Importante ka rin naman sakin Eh." Mahinang Sabi nito.

"A-Ano?" Utal na tanong ko

"Wala. Wag ng maraming Tanong at kunin mo na oh." Sabi pa nito at inabot sakin ang pony tail.

"Ayoko." Pagtangi ko.

"Kunin mo na kasi, andami pang arte Eh."

"Ayoko nga. Masyado yang importante para Sayo."

"Tss." Tumayo naman to at naglakad papunta sa likod ko, bigla naman nitong hinawakan ang buhok ko.

"A-an-anong ginagawa mo?" Kinakabahan na Tanong ko.

"Ayaw mong etali yang buhok mo eh, kaya ako nalang magtatali." Sagot naman nito. Hindi na ako naka sagot pa, at naramdaman ko nalang na tapos na Siyang etali ang buhok ko. Hinawakan ko naman ang buhok ko, at naramdaman ko naman na maayos ang pagkatali niya. Pumunta naman to sa harap ko at tinignan ako.

"Kita mo bagay yang ponytail Sayo nag mukha ka ng Lola HAHHAHAHAH." Pang asar pa nito. pumulot naman ako ng maliit na sanga ng puno at binato sakanya, umiwas naman siya at nag tuloy tuloy sa pag tawa. Loko talaga tong lalakeng to, pero namiss ko yung mga ganito naming asarin nung bata kami.

"Loko ka talaga!" Inis na Sabi ko. "Pero pano ka natuto mag pony tail? Ang ayos pa ng pagkatali mo oh." Umupo na ulit Ito sa tabi ko.

"Nakita ko lang kung paano mga babae sa room mag tali, kaya ginaya ko yung ginagawa nila para matali yang buhok mo. Ok lang ba pagkatali ko?"

"Ang ayos nga Eh. Parang babae ka rin magtali. Nako... nako..."

"Bakit?"

"May hindi ka sinasabe sakin Axel ah."

"Huh Ano yun?" Takang Tanong naman nito.

"Umamin ka na."

"Huh.. Ano yung aaminin ko?"

"Bakla ka no." Pang asar ko naman dito at ngumisi pa.

"Ha Ano!? Hindi!!!" Pagtangi naman nito.

"Ang defensive mo Teh. HAHAAHHAHAAHHA." Pag asar ko pa at tumawa ng malakas. Bigla naman akong hinawakan nito sa balikat at hinarap sakanya. Dahan dahan nitong nilapit ang mukha sa mukha ko, at nakatitig pa ito sa labi. Bumilis naman ang tibok ng puso ko at parang sasabog na to sa bilis, naramdaman ko rin na namumula na ang mga pisngi ko. Nung halos mag dikit na ang ilong namin ay inangat niya ang tingin niya at tumitig sa mata ko.

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now