CHAPTER 30

838 22 3
                                    

TIMOTHY'S POV
Sana malaman mo kung bakit ka importante sakin, Kaso hindi pa to ang tamang panahon para malaman mo.

Aalis na sana ako ng biglang may kumatok ng Malakas Sa Pinto ng sasakyan ko. Pag tingin ko kung sino yun ay nakita ko si Axel. Binuksan ko ang pinto at bumaba ako ng sasakayan. nagulat ako ng biglang sinuntok ako nito sa mukha at napa Bagsak nalang ako sa sahig dahil sa lakas.

"G*go ka ba!!!" Galit kong Sigaw sakanya.

"Ikaw ang G*go! Saan mo dinala si Elaine Ah!? Bakit mo siya tinakas! Alam mo bang May klase pa tapos aalis nalang kayo, Kahit kailan hindi yun Tumakas sa School! Anong klaseng tao ka ba Ha! Pinapahamak mo siya eh, dapat matagal ka ng nilayuan ni Elaine! Wala kang nagawang mabuti!" Galit na galit na Sigaw nito sakin. Napa tawa naman ako na ikinagulat niya pero maslalong na galit ang itsura.

"Ano bang problema mo kung tumakas kami?" Takang Tanong ko naman sakanya.

"Anong problema ko!? Ang problema ko ay Bad influence ka sakanya at wala kang kwentang Kaibigan!" Galit parin na Sabi nito.

"Oo aaminin kong mali ginawa namin, pero May reason kami kung bakit naman ginawa yun. OO siguro invalid reason namin sa school pero personal Reasons na yun. Para naman sakanya yun Eh kaya umalis kami." Pag papaliwanag ko naman.

"At ano naman yang Reason na yan Ha!?"

"Masmaganda na hindi mo na malaman kung bakit, Pero sandali lang bakit ba ang laki ng Problema mo na tumakas kami, eh Sino ka ba?"

"Malamang kaibigan niya ako, at Concern na concern parents niya sakanya nung nalaman nilang nawawala siya." Tumayo na ako at lumapit sakanya.

"Baka Ikaw yung Concern na concern sakanya?" Nakangisi kong Sabi, Bigla umiba naman ang itsura nito at halata kong Namula pa ng konti.

"At ba—-bak—bakit na——naman." Na Uutal na Sabi nito. Lumapit pa ako sakanya at tinapat ang bunganga ko sa tenga niya.

"Kasi pag labas palang namin ng school alam na ng parents niya na umalis kami." Bulong ko sakanya Mukhang nagulat to sa sinabi ko at hindi naka sagot.

"Kung ako sayo umamin kana habang maaga pa, pero kahit umamin ka ay sisiguraduhin kong hinding hindi siya mapupunta sayo." Dagdag ko pa. Hindi na Ito sumagot kaya sumakay na ako ng sasakyan at tuluyan ng umalis.

Hinding Hindi siya mapupunta Sayo...

ELAINE'S POV
Pagka gising ko ay nagulat ako ng nasa kwarto na pala ako. Huling naalala ko kasi ay nasa sasakyan ako ni Tim at hahatid na ako nito sa bahay. Siguro binuhat nalang ako nito nung dumating kami. Pagkatingin ko sa orasan ko ay isang oras nalang bago mag klase, kaya nag madali na ako at naligo na. Pagkatapos maligo ay nag palit na ako At kukunin na sana ang bag para sa school, pero nakalimutan ko na naiwan ko pala Ito sa school. Kaya kinuha ko nalang yung maliit kong bag na dala ko rin kahapon nung umalis kami ni Timothy, pagkatapos nito ay tuluyan na akong bumaba. Pagkababa ko ay tumungo ako kaagad sa dinning area para makapag umagahan, nagulat ako ng nakita ko si Dad na nakaupo dun at kumakain ng umagahan. Nung nakita ako nito ay tumayo kaagad Ito, binaba ko muna mga hawak ko at tumakbo kay Dad para mayakap Ito.

"Hi Princess." Malambing na Sabi ni Dad.

"Naka uwi ka na pala Pa, bakit hindi mo lang ako sinabihan."

"Kagabi pa ako dumating, Eh pag hatid naman sayo ni Timothy ay tulog kana. Kaya binuhat ka niya papunta sa kwarto mo."

I'm done chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon