CHAPTER 61

306 8 0
                                    

ELAINE'S POV
Monday na at kinakabahan na ako, pupunta ba talaga kami ng mall ngayon ni Axel? Sana nakalimutan niya yung sinabe ko. Tsss Naguguluhan ako sa sarili ko! Gusto ko na ba ulit si Axel? Eh Tuwing iniisip ko palang siya Eh napapablush na ako, tapos hangang ngayon hindi ko parin makalimutan yung kiss namin.

Hindi Parin nga ako makapaniwala na Nag kiss kami eh, tapos dalawang beses pa. Nung dumating na kami sa school ay naghiwalay narin kami ni Timothy, habang papasok naman ako sa building namin ay nakita ko si Axel kausap sila Jerome at mga kaibigan niya sa labas. Magtutuloy tuloy lang sana ako sa paglakad ng biglang May Humawak sa Braso ko.

Pagtingin ko naman ay si Axel to. Humarap naman ako sakanya, nakangiti naman siya. Hindi na masyado halata mga Pasa niya, pero pag tinitignan mo ng mabuti ay mapapansin mo parin.
Napatitig pa ako saglit sa Labi niya, pero Binalik ko din kaagad sa mata niya ang tingin ko.

"Oh bakit mo ako pinigilan?" Taka ko namang Tanong sakanya.

"Yung prinomise mo nung Saturday ah, magmamall tayo mamaya Diba?" Nakangisi niyang sabi. Shet naalala niya.

"Uhhh Oo."

"Sabay din ba tayong naglulunch mamaya?" Tanong pa niya.

"Umm kasabay ko sila Jericho mamayang lunch eh." Sabi ko naman.

"Tsk. Sige na nga." Inis pa niyang Sabi.

"Uhh sige, punta na ako ng klase ko at baka malate pa ako." Paalam ko pa at Tinalikuran na siya, pero hinawakan niya ulit ako sa braso kaya napatingin naman ako sakanya.

"Wala bang Goodbye Kiss?" Nakangisi niyang bulong sabay pout pa. Napatitig ako saglit sa Pulang Labi niya, bago pinalo yung Kamay niya para bumitaw.

"Baliw ka ba! Walang makakaalam na nangyare yun naitindihan mo!" Inis kong Sabi sakanya at Ngumisi pa siya. Inis ko naman na siyang tinalikuran at Naglakad na paalis, ramdam ko namang namumula nanaman ako. Inisip ko nanaman kasi yung kiss namin. Isssssss Bakit ba Ganito ako.

~ ~ ~

Lunch na at patungo na kaming apat sa Cafeteria, nagkwekwentuhan naman silang tatlo habang ako ay nagiisip parin sa pwedeng mangyare mamaya. Hindi ko alam kung bakit gamit ako kabahan na mag mamall kami ni Axel, eh Nung Sina Timothy, at Jericho naman ay hindi ako Ganito kabahan.

Nung nakarating na kami sa Cafeteria ay nandun narin sina Harrison at Timothy, umupo na kaming tatlo nila Sam at Jane, kasi sina Jericho, Harrison at Timothy naraw ang bibili. Nagtuloy tuloy lang kwentuhan nila Sam at Jane habang ako parin ay nandito na eestress.

"Hoy ela ano yang nasa isip mo?" Taka namang Tanong ni Sam.

"Oo nga Elaine kanina ka pang first Period parang wala sa sarili, tapos nagblublush ka pa." Kwento naman ni Jane.

"Uhh Wala." Pagsisinungaling ko naman.

"Magkwekwento ka or magkwekwento ka!?" Seryosong Sabi naman ni Sam

"Wala nga." Pagpipilit ko naman. Nakita ko namang dumaan si Axel sa Table namin ka Napa sulyap ako sakanya, nung binalik ko naman tingin ko kina Sam ay Nakangisi naman sila.

"Magkwekwento ka or tatanong namin kay Axel mismo?" Nakangising Sabi naman ni Sam. Shet lahat talaga napapansin ng Babaeng to.

"Shhhh... Oo na Magkwekwento na ako." Sabi ko naman at lumapit naman silang dalawa.
"Kasi mamaya mag Mamall kami ni Axel, eh kinakabahan lang ako." Kwento ko naman sakanila.

"Yun lang pala eh, sure ka yan lang?"

"Uhh Oo naman." Sabi ko pa.

"Hindi Eh. Meron pang dahilan kung bakit ka ganyan kabahan."

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now