CHAPTER 3

1.1K 33 1
                                    

ELAINE'S POV
Nung iniwan na ako ni Axel ay Nagtuloy ako sa paglalakad papasok ng School. Habang naglalakad Hindi ko parin matangal sa isip ko yung kiara na yun. Ano ba sila ni Axel? Mag Jowa Kaya? Or Baka Friends Lang Katulad ng sabi ni Axel. 'Close Friends' ano ba ibig niyang sabihin na close friends sila... nalulungkot ako kakaisip na may 'Close Friend' na babae na nakakasama ni Axel sa Kung Saan Saan. Tapos mag mamall pa sila mamaya. pagdating ko sa classroom na datnan kong wala pa sina Jane at Sam, kaya't dumeretsyo nalang ako sa upuan ko at na tulog.

~ ~ ~

Pagkalipas ng ilang saglit ay nakaramdam ako ng nangangalabit sakin, pero Hindi ko binuksan ang aking mga mata at pinalo nalang yung kamay na nangangalabit sakin, pagkapalo ko ay nakarinig ako ng malakas na tawanan ng mga kaklase ko kaya dumilat na ako. At laking gulat ko ng nakita ko na si Miss. Garcia yung ngangalabit, Mas lumakas pa ang tawanan ng mga kaklase ko, umupo naman ako ng maayos at nilingunan sina Sam at Jane na tumatawa rin, at Sabay palo pa ni Sam Kay Jane sa lakas ng tuwa nito sa nangyayare. Gago tong dalawang to Hindi man Lang ako ginising. Binalik ko ang tingin ko Kay Miss. Garcia na mukhang naiinis.

"Ms. Vincir, Kung matutulog ka Lang din sana ay Hindi kana pumasok! First period pa nga Lang natutulog ka na! Graduating Student Kana you should know better! Magcocollege ka na Next year tapos matutulog ka Lang sa klase? Ano ba naman yan!" Galit na sabi ni Miss. Garcia kaya napayuko ako.

"Sorry po Miss, Hindi ko po sinasadya." Malungkot na sabi ko.

"Alam kong matalino Kang bata kasi student kita for the last 3 years. Pero pls don't take it for granted naman, Hindi porket alam mong matalino ka matutulog ka nalang." Dagdag pa nito. Grabe naman first time ko pa nga Lang matulog sa klase niya, tapos andami nang nasabi eh wala naman siya kanina dito ah.

"Sorry po talaga Miss, eh kanina pa po kasi ako tulog nung wala pa po kayo, eh Hindi ko naman po kasi napansin na meron na po kayo. Kasi 'Wala' pong 'Gumising' Sakin'." Pagdidiin ko dun sa salita at sabay tingin naman ng masama kila sam at Jane. "Nung dumating na po kayo." Pagtutuloy ko.

"Oh Sige pagbibigyan kita ngayon Kung ganoon ang nangyare, pero inaasahan ko na Hindi na ito mauulit." Sabi ni miss na nag umpisa na naglakad papunta sa harap.

"Opo Miss, Hindi na po mauulit."

"Mabuti naman Kung ganoon. Ok class let's start." Nagtuloy tuloy na ang mga klase namin na lutang ako kakaisip parin Kay Axel. Hindi ko Mawala sa isip ko Kung ano nga ba sila ni Kia—

"Ms. Vincir!" Nang narinig ko ang sigaw na yun ay bumalik ako sa reyalidad.

"Huh huh. Ano po yun?" Takang tanong ko Kay Miss. Kanter. Natawa naman lahat ng classmate ko.

"Anong Ano yun? Kanina pa kita tinatawag Hindi ka manlang sumasagot!" Galit na sabi nito. Nako dalawang teacher na nagalit sakin ngayon ah, Bakit ba kasi Hindi ko mawala sa isip ko yung Axel na yun. Napapahamak na tuloy ako.

"Ay Sorry po Miss, May iniisip Lang."

"Pwede bang mamaya ka na mag isip ng Kung ano ano. Maglulunch na oh! Hindi ba pwede mamaya nalang yan!" Galit parin na sabi nito.

"Ay opo Miss, hehehhe." Nahihiyang sabi ko. nagtuloy si Miss sa pag didiscuss, at makalipas ng ilang saglit Ay lunch na, kaya't lumabas na kaming lahat at sinabayan naman ako nila Sam at Jane as always.

"Ano ba kasi ginagawa mo Ela, una natulog ka ngayon naman lutang ka. Anyare sayo bes?" Natatawang tanong ni Sam. pahamak kasi yung Axel na yun Hindi ko matangal sa isip ko.

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now