CHAPTER 12

676 17 0
                                    

ELAINE'S POV
Inangat ko ang tingin ko, inaasahan kong si Axel sana to. Kahit late siya papatawarin ko siya, kasi kahit anong pilit ko sa Isip ko na kalimutan siya ay Hindi ko magawa. Kasi yung Puso ko ay siya parin ang Paulit ulit na Hinahanap nito. Traydor talaga tong Puso ko. Kasi Kahit alam niya na nasasaktan ako, ay wala parin siyang pake at paulit ulit paring hinanahanap at minahal si Axel.

Kahit alam ng Puso ko na wala namang pake si Axel sakin, ay patuloy parin ang pagmamahal nito dito. Bat ba ganito ako! Bakit ba Hindi ko masuko ang pagmamahal ko sakanya? Bakit ba Hindi ko siya mawala sa isip at sa puso ko? Bakit ba kinailangan pa na si Axel ang magustuhan ko? Bakit ba kailangan na masaktan pa ako? Deserve ko ba to? Deserve ko ba Hindi magustuhan ng Gusto ko?

Kahit sa past years ay abot langit ang mga ginawa ko para makita niya na gusto ko siya. Kung ano ano ginawa ko para mapansin niya ako at makasama namin ang isat isa. Pero sa kahit anong pagpapakita ko ng kagustuhan ko sakanya ay wala, wala siyang pake. Hindi niya ako pinapansin at kausapin Lang man ng maayos. Pinakita niya sakin sa past years na wala siyang feelings for me, pero kahit wala ay nagsikap parin ako, at Umasa ako na Baka magustuhan rin niya ako. Kaso nga Lang mukhang nagkamali ako, kasi kahit konting konti Lang ay wala akong naramdaman na pagkagusto niya sakin.

Ganito ba ako kapanget sa kanyang tingin na Hindi niya man Lang ako magustuhan pabalik. Mukha ba akong desperado kasi ako pang babae ang naghahabol sa lalake, swerte nga siya Eh kasi bihira to gawin ng babae ang maghabol ng isang lalake. Kaya siguro ayaw niya sakin kasi ako pang babae ang naghahabol. Sana sumuko nalang ako, katulad ng sabi nila Sam.

Tama nga siya dapat binigyan ko nalang ng chance yung mga lalakeng naghahabol sakin Dati. Kasi buti pa sila ay nakita ang kagandahan ng loob ko, kabaitan ko, at ang worth ko. Kasi buti pa sila nagustuhan ako, kaso lahat sila shinut Down ko dahil sinabi ko si Axel ang gusto ko. Nakakatawa Lang kasi yung lalake pa na gusto mo ay yun pa yung May ayaw sayo. Sana sa isa nalang sa mga nagkakagusto sakin ako napamahal, Hindi Kay Axel. Kasi mukhang sinayang ko Lang oras ko kakahabol sakanya.

Pag angat ko ng tingin ko ay Hindi si Axel yun kundi si Timoth. Kahit medyo nalungkot ako kasi Hindi si Axel yun, ay natuwa parin ako na makita ko si Timothy. Makikita mo sa mukha niya kahit medyo madilim ay alalang alala siyang nakatingin sakin. Nilahad niya ang Kaliwang kamay nito habang ang Kanan naman ay May Hawak na payong. Kinuha ko naman ang kamay nito at tinulungan ako nitong tumayo. Inalalayan ako nito papunta sa passenger seat ng sasakyan nito at binuksan ang Pintuan.

"Timothy wag na, Basang Basa ako At Baka mabasa ko Lang loob ng car mo. Maglalakad nalang ako pauwi." Pilit ngiting sabi ko Sakanya.

"Hindi, sumakay ka na. Hayaan mo ng Mabasa ang sasakyan ko, kasi masimportante na ma uwi na kita sainyo. Para makapag palit at ligo kana, kasi mamaya ay magkasakit ka pa." Hindi na ako nakipag pilit na maglalakad na lamang sa pag uwi at sumakay nalang sa sasakyan nito. Pagkatapos akong tulungan makapasok ay pumasok narin ito sa drivers seat. Pagkasakay nito ay may inabot itong towel sakin, para siguro matuyo ako konti. Nagumpisa na itong patakbuhin ang sasakyan.

"Salamat."

"Bakit hindi ka umuwi?" medyo Galit na Tanong nito.

"Ahhh, kwan kasi inaantay ko pa si Axel."

"Tanga ka ba Elaine!? Anong oras na oh! 2 hours na at wala parin siya! Dapat nung isang oras palang ay Nagtaxi or tricy ka na, or tinawagan mo sana ako! Gusko naman Elaine. Hangang anong oras ka ba mag aantay sa pagsundo niya. Ang lakas ng buhos ng ulan oh. Tignan mo sarili mo basang basa kana. Mamaya magkasakit ka pa, Monday pa naman bukas May pasok pa tayo!" Galit na galit na sabi nito.

"Eh kwan kasi, mamaya na traffic Lang or something."

"Wow! Na traffic. 2hours siyang matratraffic, kung 1 hour Lang Baka ko pa pero 2hours na Elaine. At May sinabi ba siya na malalate siya sa pag sundo?"

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now