CHAPTER 64

245 9 0
                                    

ELAINE'S POV
"Ayy Sorry Ela, wala ako nun May pupuntahan ako. Kaya Hindi ako pwede maging partner mo." Sabi naman ni Tim sakin. Shittttttt

"Ok Ulitin natin ang Tanong Elaine."

"Sino Ang magiging Partner mo? Si Jericho or Si Axel???" Tanong ulit ni sam, at binalik ng lahat ang Tingin sakin. Hindi naman ako makapag decision at makasagot kaya walang imik lang rin ako nakatingin sakanila.

"Hoy Ela Sagot!" Sabi pa ni Sam.

"Uhhhh... Ehhhhhh Si———-"

"Ummm Excuse Me, Ate Elaine." Biglang sabi ni Lea nakakalapit lang sa table namin. Si lea ay isang G11 Student, hindi kami gaano close pero naguusap rin paminsan minsan.

"Ahhh Bakit Lea?" Taka ko namang Tanong sakanya. Salamat nalang at biglang sumulpot si Lea at nawala ang attention nila sakin.

"Pinapatawag ka sa Admins Office." Sagot naman niya.

"Huh Bakit? May nagawa ba ako?" Medyo kinakabahan kong Tanong.

"Hindi ko din alam ate eh, pero pinapatawag ka dun Sabi ni Chase." Pagpapaliwanag naman ni Lea. Si chase nga pala ang President ng Student council dito sa school, at Member din si Lea ng Student Council.

"Ngayon na Ba?"

"Kung tapos ka na kumain pwede ka na pumunta, ang Sabi naman Eh punta ka daw dun after mo mag lunch."

"Ah Sige Punta narin ako at tapos naman na ako."

"Sige ate." Paalam naman ni Lea at umalis narin siya.

"Sige guys mauna na ako ah." Sabi ko at tumayo na.

"Hoy Ela hindi mo pa sina sagot yung Tanong ko." Sabi naman ni Sam.

"Uhhh Rinig mo yun tinatawag na ata ako sa Admins office oh." Palusot ko At mabilis ng naglakad  paalis. Tumungo naman na ako sa admins office na medyo malayo rin sa Cafeteria. Kanina pa ako nagiisip kung bakit naman ako tatawagin dun? May nagawa ba ako or May Kailangan ba sila?

Pagkalipas ng ilang minuto pang paglalakad ay dumating narin ako sa Labas ng Admins office. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok na sa pinto.

"Pasok." Laking gulat ko nung lalake ang sumagot kasi Ang pagkakaalam ko ay Babae yung Admin dito sa School. Dahan dahan ko naman ng binuksan yung pinto at Gulat na Gulat ako ng Si Harden ang Nasa Loob. Napatakbo naman ako papunta sakanya dahil sa saya, napa yakap pa nga ako sakanya pero mabilis din humiwalay.

"Ay sorry, medyo na Excite Lang." Sabi ko naman at natawa siya.

"Ano ka ba naman pagkatapos ng halos dalawang taon natin hindi pagkikita Eh, magagalit pa ba ako Pag hinug mo ako." Natatawa niyang sabi sabay yakap ulit sakin, humiwalay narin kami kaagad.

"Oo nga pala ano bang ginagawa mo dito? Akala ko nasa US ka?" Taka ko namang Tanong sakanya.

"Ahhh tapos na kasi Klase namin, kaya Umuwi muna ako ng Pinas." Sagot naman niya. Buti pa sila Tapos na ang klase eh kami dalawang buwan pa.

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now