CHAPTER 24

803 22 4
                                    

ELAINE'S POV
"Ok the time begins in 5..... 4.... 3... 2.. 1. GO......." malakas na Sigaw ng nagsasalitang guro, nag si takbuhan naman na ang lahat.

Swempre ang unang nag pop sa isip ko ay hanapin kaagad si Axel, kaya nag umpisa na akong hanapin siya. Pero mahirap kasi lahat ng students ay nag kakagulo na, para maka Umpisa kaagad sa Activity. Nakisingit naman ako kung saan saan para masubukan mahanap si Axel. Habang nakikisingit ako ay biglang napabagsak nalang ako paupo sa Sahig, dahil sa nangyayareng tulakan dahil sa pagmamadali. May bigla naman tumayo sa harapan ko, kaya inangat ko naman ang tingin ko at nakita kong si Timothy iyon. InAbot nito ang Kamay niya  at Tinulungan ako nitong tumayo.

"Ok ka lang ba Ela?" Nag aalalang Tanong nito.

"Ahhh. Oo mahina lang naman pagkabagsak ko Eh." Sagot ko naman.

"Eh bakit ka kasi nakikipag tulakan pa diyan sa mga yan? Parang ma uubusan naman tayo na oras Matagal pa oh."

"Ah.. Kwan kasi hinahanap ko pa yung partner ko."

"Si Axel. Tch..." parang walang ganang Sabi nito.

"Ah oo si Axel. Nakita mo ba siya?"

"Hindi."

"Eh bat ikaw hindi mo kasama partner mo?"

"May kinuha lang siya saglit."

"Ahhh."

"Elaine mag ingat ka ah. Wala akong magagawa pag nasaktan ka habang ginagawa tong activity." Nag aalalang Sabi nito habang nakahawak ang kanan niyang Kamay sa kaliwa kong Kamay. Tinignan ko naman yung pagkahawak ng Kamay namin at binalik Narin ang tingin sa mata niya.

"Oo, wag kang mag al--"

"Alala." Biglang singit ng isang pamilyar na boses. Lumingon naman ako at nakita ko na si Axel iyon. "Wag kang mag alala kasi akong Bahala sakanya." Seryosong Sabi nito kay Timothy. Bigla namang hinawakan ni Axel ang kanan kong Kamay at tinignan ako sa mata. "Tara na." Seryosong Sabi nito sakin. Tinignan ko naman si Timothy na hindi parin bumibitaw ng hawak sakin.

"Ahh... Tim Alis na Kami." Sinubukan kong tangalin ang pagkahawak ni Tim, pero hindi Ito bumitaw nag katinginan lang sila ni axel ng masama. Habang ako ay nasa gitna nila.

"Timothy andiyan ka naman pala, kanina pa kita hinahanap." Sabi ng isang pamilyar na boses. Tumingin naman ako kung saan nangaling yung Boses At nakita kong si Amanda yun. Si Amanda pala ang Partner ni Tim, hindi ko kasi gaano nakita kanina.

Kaklase ko si Amanda pero hindi kami gaano close, si Amanda ay Kaibigan nila Kiara kasi palagi namin silang nakikita na magkasama. Lumapit naman na to kay Tim at tinignan siya.

"Tara na at baka mamaya hindi tayo makaabot in time." Sabi nito kay Tim, pero hindi Ito pinansin ni Tim na nakatingin  parin ng masama kay Axel .

"Sige na Tim pumunta na kayo at Aalis narin kami." Sabi ko naman kay Tim, tinignan naman ako nito na parang ayaw niya bumitaw at  hayaang sumama kay Axel.

"Pero Elaine ka--"

"Tim ok lang. Sige na." Sabi ko pa at tinangal na ang pagkahawak ng Kamay niya. "Oh Tim, Amanda Alis na kami ah."

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now