CHAPTER 11

850 16 0
                                    

ELAINE'S POV
Nang nagising na ako ay 10:00am na, kaya't na ligo na ako at naghanda na sa Pagpunta ko sa school. Habang naghahanda ay Hindi ko parin matangal sa isip ko yung nangyari kagabi, ano kaya nakain ni axel at biglang ganoon ang trato niya saakin? Baka nakainom, pero Hindi naman yun mahilig uminom Eh, mahina kasi at madaling malasing.

Baka nag drudrugs na. Hayss bat ba ganyan ka Axel, Hindi tuloy ako makaisip ng maayos. Tss.... naguguluhan na ako Kay axel, una dahil for the First time pumayag siyang samahan ako, pangalawa dahil nagtext siya sakin at nagreply pa, at pangatlo kasi ang bait niya at nagtuloytuloy pa sa pagkwkwentuhan sakin kagabi. Axel ano ba nangyayare sayo.... Hindi ako sanay na ganito pag trato mo sakin.

Pagkatapos ko makapag handa ay 11:30 na, Hindi na ako nag breakfast at lunch sa bahay, kasi mag brubrunch nalang kami ni Sam sa resto malapit sa school. Pagbaba ko ay nagpaalam na ako Kay Mom, at nag tricy na papunta dun sa resto na malapit lang sa school. Nang dumating na ako sa resto ay nakita ko na si Sam. Kumakaway pa siya sakin kaya dumeretsyo na ako sakanya.

"Ang tagal mo naman Ela. Kanina pa ako nagaantay dito oh. Gutom na Gutom na nga ako oh," Parang naiinis na sabi nito Habang nag cross arms pa. Umupo na ako sa harap nito at tumingin kaagad sa nakalapag na menu.

"Edi ba sabi mo 12:00 tayo magkikita, oh 11:49 palang naman eh."

"Anong 12:00 sabi ko 11:00." Masungit na sabi nito.

"Ay wehhhh, 11:00 ba. Hahahhaha. Sorry ah. at kwan 10:00 na kasi ako nagising kaya kahit 11:00 hindi parin ako aabot." Natatawang sabi ko sakanya.

"Eh bat kasi 10:00 ka nagising, normally ang aga mo naman nagigising ah." Nakataas kilay na Tanong nito. Puta sasabihin ko ba sakanya yung Pag uusap namin ng late ni Axel kagabi. Hmmm wag na mamaya tadtarin nanaman ako ng mga Kung ano anong Tanong nito.

"Ah kwan... napuyat Lang kasi." Sabi ko at Tinaas na yung kamay ko para mag tawag ng waiter.

"Napuyat Saan???" Tanong nanaman nito.

"Kwan kasi Kau—-"

"Yes Ma'am. What's your order?" Biglang singit ng waiter. Hays Salamat po madam waiter. Muntik ko ng nasabi na kausap ko si Axel ng matagal kagabi. Sinabi ko na order ko sa waiter at tumingin na ito kay Sam na naka taas kilay parin. Bwisit Hindi yata ako titigilan nito hangang Hindi malaman yung Totoo.

"Sayo ngay Sam Ano order mo?" Tanong ko naman sakanya.

"Hindi pa tayo tapos." Pagbabanta niya sakin at pinunta na sa waiter ang tingin at sinabe ang order niya. Pagkatapos kunin ng waiter ang order ay umalis na ito.

"So Bakit ka nga Puyat?" Tanong ulit ni Sam. Putek Hindi talaga niya papalampasin ito. sasabihin ko ba na dahil Kay Axel.

"Ah Kwan kasi... May kausap ako kagabi kaya medyo late na ako nakatulog." Sana wag niya Itanong Kung sino.

"Sino?" Bwisit wala na. Kung sasabihin kong si Jane Baka Tanongin niya Kay jane. Kung si Timothy baka maniwala pa siya, kaso baka tuksuhin niya samin ni Timothy bukas sa School at malalaman niya na Hindi pala si Timothy talaga kausap ko. Kaya no choice ako.

"S—si Ax—Axel." Utal na sabi ko. Bigla namang dumilat ng super laki ng mga mata nito.

"Si Axel? Kausap mo si Axel kagabi?!" Nakangising Tanong nito.

"O-Oo"

"Bakit?! bakit mo kausap si Axel kagabi ng super Late pa?!"

"Eh Kwan kasi, nag thank you Lang siya dah—-"

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now