CHAPTER 44

683 25 2
                                    

ELAINE'S POV
"Alam mo kung Bakit ako Natakot na aminin na kapatid mo ako, at sumama sa pamilya niyo."

"Bakit?" Takang Tanong ko naman sakanya.

"Kasi Kaya lang naman ako nabuo dahil sa pagkakamali ni Dad and ng Mom ko Eh..." malungkot niyang Sabi pero makikita mong nakangiti parin siya habang nakatingin sa dagat.

"Hindi ka Pagkakamali Timothy, kasi walang nangyayare ng walang dahilan." Sabi ko naman sakanya.

"Hmm Siguro nga. Pero alam ko parin sa Loob ko na Hindi naman dapat ako meron ngayon Eh, hindi naman ako sadyang nagawa. Pero mabuti ngang Kahit pagkakamali lang ako ay Minahal parin ako ni Dad." Sabi pa nito.

"Mahal ka naming Lahat Tim, wag mo ngang isipin na pagkakamali ka!" Inis na Sabi ko sakanya. Tumingin naman to sakin at ngumiti.

"Oo na. Tsaka matagal ko namang Natangap na yun eh kaya hindi narin Problema sakin." Sabi naman nito.

"Mabuti naman kung ganoon, at ngayon naman Eh Magkasama na tayong lahat. Kaya wala ka ng kailangan problemahin, kasi Tatandaan mo Magkapatid Tayo. At swerteng swerte akong May Kuya na kagaya mo." Masaya Kong Sabi sakanya.

"Oo nga Swerte mong May Kuya ka na kasing Gwapo ko." Nakangising sabi nito at sabay tawa pa.

"Tss Swempre Gwapo ka ah, kasi maganda ako." Sabi ko naman at tumawa pa kami.

"Malapit ng Lumubog yung araw oh." Sabi ni Tim sabay turo sa Araw.

"Oo nga, tama ka nga ang ganda pala ng View ng Sunset dito. Picture nga tayo." Sabi ko pa at kinuha yung Cellphone ko. Nag Picture naman kami ni Timothy bago napag isipang mag gabihan at Umuwi na pagkatapos.

~ ~ ~

"Na enjoy ko tong Araw na to. Kasi Ito yung Best Sibling Bonding/Date natin." Masayang Sabi ko sakanya.

"Ako mga rin Eh Na enjoy ko to, siguro kasi alam mo ng Magkapatid tayo kaya mas naenjoy natin." Masayang Sabi rin niya.

"Oo ahhh, And sana hindi Ito yung Last Sibling Bonding natin at halos 18 Years tayong magkahiwalay."

"Swempre ah, Kahit every Day pa natin gawin to Eh."

"Basta ikaw magbabayad HAHAHAHAHHA." Natatawa ko namang Sabi.

"Ok lang eh credit card Lang rin naman ni Dad ginagamit natin." Sabi naman niya at maslalo kaming tumawa. Pumasok naman na kami Sa Bahay.

"O Ngayon lang kayo?" Tanong naman ni Dad na nanonood ng Tv sa sala.

"Ahh Oo dad eh Nag Bonding muna kaming Magkapatid Eh." Sabi naman ni Tim sabay Akbay sakin.

"Mabuti naman, at nag gabihan na kayo no?"

"Oo Dad tinext ko si Mom kanina na Sa labas na kami kakain ni Tim." Sabi ko naman.

"O Sige Umakyat na kayong dalawa at magpahinga na." Sabi pa ni dad.

"Sige Dad Night." Sabi ko naman at tumungo na kami ni Timothy Pataas, pero bago pa kami makaapak sa hagdanan ay.

"Ay oo nga pala Elaine sabihin mo na Kay Mom kung anong Theme gusto mo para sa 18th Birthday mo." Sabi naman ni Dad. At gulat namang tumingin si Timothy sakin.

I'm done chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon