CHAPTER 56

455 13 0
                                    

ELAINE'S POV
Sasusunod na mga araw ay hindi pumasok si Axel, saka lang ulit to biglang sumulpot sa school ay nung Thursday. Kwento nga daw ni Jerome, na parang May iba kay Axel, parang palaging walang gana. Ang akala ng mga students dito ay Dahil sa paghiwalay nila ni Kiara, pero Piling dahil sa mga sinabe ko.

Hindi ko nga alam kung bakit naguguilty ako Eh, pero naramdam ko talaga. Hangang ngayon  parin ako sigurado kay Axel, si Jericho naman ay patuloy lang na pinapasaya ako. Hindi ko kwinento kahit kanina ang nangyari samin ni Axel, Kahit kay Timothy ay hindi ko kwinento.

Aadmit kong Masaya ako tuwing nakakasama ko Si Jericho, pero parang kulang kasi Eh. Halos every other day nga kami pumupunta ng Mall ni Jericho Eh, minsan kasama rin namin sina Sam, Jane, Harrison, at tim. Pero Mostly dalawa lang kami. Iba si Jericho, magalang siya, mabait, marespeto, at Cute din.

Si Jericho nga ba ang minamahal ko? Pero Hindi kasi ganoon yung tibok ng puso ko Eh, iba siya kay Jericho. Hindi siya yung tibok na Pagmamahal Eh, siguro May gusto ako sakanya pero hindi ko pa Siya Mahal.

"Elaine pupunta ka ba Mamaya?" Biglang Tanong ni Sam sakin.

"Ha Saan? Anong meron ba?" Taka ko namang Tanong at hindi ko alam kung Anong meron ngayon.

"May Basketball Game mamaya, kalaban ng School natin yung Kaaway na school ng school natin." Sagot naman niya.

"Uhhh... hindi na siguro." Walang ganang sagot ko naman.

"Sige na Ela, ang tagal mo narin Hindi pumunta sa Basketball games ng School No." pagpipilit naman ni Sam.

"Oo nga Elaine pumunta ka na." Sabi naman bigla ni Jericho.

"Huhh bakit ba gusto niyong pumunta ako?"

"Eh May pupuntahan rin kasi kami ni Timothy mamaya, Eh hindi ka namin pwede Isama at Ayaw ka rin naming Maiwan mag isa dun sa bahay niyo. Kaya Pumunta ka nalang ng Game para atleast kasama mo sina Sam." Pagpapaliwanag naman ni Jericho. Medyo nagulat ako at hindi ako nasabihan ni Timothy na may pupuntahan pala sila ngayon ni Jericho.

"Sige na Pupunta na ako ng Game." Sabi ko naman nung narealize kong hindi ako tatantanan nitong dalawa.

Nung biglang nagclick sakin na BasketbAll team captain pala si Axel, ay medyo napadalawang isip ako kung pupunta ba ako. Pero dahil umoo naman na ako ay punta nalang ako, sa Dami naman ng tao dun ay hindi naman niya siguro ako mapapansin. Kumusta na kaya siya? Kahapon at ngayon nga lang siya pumasok eh. Makakapag laro kaya siya?

Last week hangang ngayon Hindi ko parin matangal sa isip ko si Axel. Kahit galit ako sakanya ay Merong Part ng Puso ko ang Nabuhayan ulit, nung sinabe niyang Mahal niya ako. Tssss Hindi ko talaga alam tong Puso mo ang Gulo. Halos nagaaway na ata sila ng Utak ko Eh. Yung utak ko ay nagsasabing Ayaw, pero tong Puso ko ay Gusto parin. Ginulo ko nalang ang buhok ko sa sobrang gulo ng isip ko.

~ ~ ~

Natapos narin ang lahat ng klase namin ngayon, kaya sabay sabay na kaming tumungo dun sa Indoor Basketball court namin. Sumabay narin si Jericho samin at dun narin daw sila magkikita ni Timothy. Nung andun na kami sa labas ng pinto ay dumating narin si Timothy, kaya naman parehas na silang nagpaalam ni Jericho at umalis na.

Kami naman nila Sam at Jane ay pumasok na sa loob at baka mawalan pa kami ng upuan. Sa Medyo Gitna kami pumwesto, sa totoo lang gusto sana nila Sam Dun malapit sa players. Pero buti nalang at May biglang umupo na dun kaya dito na kami sa May bandang gitna.

Sa lumipas na halos 20 minutes ay nagdatingan narin ang ibang students sa School namin, pati narin sa school ng Kalaban namin. Maya Maya ay Dumating narin mga players ng Kalaban at nag prepare na sila. Lumipas naman ang ilan pang minuto bago dumating narin mga players namin, andun sina Jerome at Harrison kasi pareho silang Players. Pero medyo nagulat ako at hindi ko nakita si Axel.

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now