CHAPTER 26

823 28 6
                                    

ELAINE'S POV
"Na Enjoy ko tong Araw na to." Sabi niya.

"Ako rin super." Sabi ko naman "na miss ko yung ganito tayo." Dagdag ko pa.

"Parehas tayo." Sabi nito at ngumiti siya, kaya nginitian ko rin siya. Tumawa naman kaming dalawa at binalik ang tingin sa Langit habang hawak parin ang kamay ng isat isa.

Pagkatapos ng ilang minuto na naka higa lang kami, ay bumangon narin kami at nag patuyo bago dumeretsyo sa Kanya-kanyang kwarto. Pagdating ko sa kwarto ay nakita ko namang gulat na gulat sina Jane at Sam sa pagpasok ko.

"OMG! Bakit ngayon ka lang Ela anong oras na oh!? Hahanapin ka na dapat namin eh biglang umulan, kaya hindi kami pinayagan ng mga Teacher." Nag alalang Sabi ni Sam.

"Eh kwan kasi... medyo na ligaw pa kami ni Axel kaya nalate kami sa pagdating, tumakbo pa nga kami eh kahit umuulan."

"Ha! Bakit pa kayo tumuloy Eh ang lakas ng ulan mamaya magkasakit kayong dalawa."

"Eh... malapit narin naman kami eh, kaya Tinakbo nalang namin."

"Hay nako Elaine." Lumapit naman si Sam sakin at tinignan ako ng mabuti. "Kaya ba parang mukhang medyo basa pa yang damit mo?"

"Ah... Oo. Nagpatuyo muna kami sa baba bago pumunta sa kwarto pero medyo basa parin ako."

"Ummm... Elaine maligo ka muna at mag palit ka na mamaya magkasakit ka pa eh." Nag aalalang Sabi naman ni Jane.

"Oo nga ela. Sige maligo at mag palit ka muna mamaya na natin to pag usapan." Sabi naman ni Sam. "At medyo bilisan mo at mag didinner na mamaya sa baba." Dagdag pa niya. Tumango naman na ako at kumuha ng mga gamit at tumungo na sa Cr.

~ ~ ~

Pagkatapos ko makaligo ay nagulat ako ng paglabas ko ng cr ay nandun si Timothy. Nung nakita ako nito ay tumayo Ito at lumapit sakin.

"Elaine are you okay? Bakit late ka dumating alam mo bang alalang alala kami sayo." Nag aalalang Sabi nito. "May ginawa ba si Axel at natagakan kayo? Sabi nila Sam ay nag pa ulan pa daw kayo, Hindi ka ba nag iisip Ela mamaya magkasakit ka nanaman niyan."  Nag aalalang Sabi nito.

"Okay lang ako Tim. Walang kasalanan si Axel, medyo na Lito lang kami kanina kaya na late kami." Pag eexplain ko naman.

"Eh bakit kailangan pang mag Pa ulan kayo."

"Malapit narin kasi kami, kaya sayang naman pinaghirapan namin, kung hindi kami makakaabot kaya Tinakbo na namin kahit umuulan."

"Tss... mamaya Eh magkasakit ka nanaman niyan Ela."

"I'll be fine Tim, pero salamat sa pag aalala mo."

Magsasalita pa sana si Tim ng biglang may kumatok sa pinto, Napatingin naman kaming lahat sa pinto. Tumayo  naman si Jane at binuksan ito, bigla naman itong napatalikod at kitang kita namin na namumula na Ito. Ng makita na namin kung sino ang kumatok ay si Harrison iyon na namumula rin.

"Oh Harrison bat ka naparito?" Takang Tanong ni Sam.

"Uhhh Kwan... mag uumpisa na yung dinner sa baba kaya Pinapatawag na ang lahat."

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now