CHAPTER 41

656 21 5
                                    

ELAINE'S POV
"Please lumayo ka nalang Axel." Sabi ko at Umalis na kami ni Tim. Sumakay naman na kami sa sasakyan niya at nag drive niya siya. Gulat naman akong hindi papunta sa bahay ang Daan niya. "Saan tayo pupunta?" Takang Tanong ko naman kay Timothy.

"Mag didinner diba."

"Huh bakit naman, anong meron?"

"May kailangan rin akong importanteng sabihin sayo..." Seryosong Sabi pa niya. Hindi na kami nag usap hangang makadating na sa Mall. Pagdating ay Pinagbuksan niya ako at tumaloy na kami papasok sa Mall.

"Kakain na ba tayo Eh ang Aga pa ah." Sabi ko naman kay Timothy at napahinto naman siya.

"Oo nga no Tara muna garod sa Arcade." Sabi naman niya sabay hila na sakin. Maya Maya ay naka dating narin kami sa arcade. "Dito ka lang ah bili lang ako saglit ng Token." Sabi naman niya at tumango naman ako at umalis na siya. Umikot ikot naman ako sa Arcade. Swempre mostly bata mga andito, pero May mga Teenagers at Adults rin. Maya Maya ay dumating na si Timothy na May hawak na mga tokens.

"Ang tagal mo ah." Sabi ko naman sakanya,

"Dami nga kasing tao Eh. Soo anong gusto mong Laruin?" Tanong naman niya,

"Ikaw Bahala." Sagot ko naman.

"Hmmm Tara dun oh sa May Drive Drive." Sabi naman niya, tumango naman na ako at pumunta na kami dun. Sumakay ako dun sa isa at sumakay naman siya dun sa Kaliwa ko. "Oh ano Game na Pataasan ng Score ah."

"Sige Ba." Sabi ko naman. Kahit hindi ako magaling sa ganitong Laro. Nag umpisa na yung laro at Kung ano ano na banga ko Bwisit nasa Last place na ako at tinatawanan pa ako ni Timothy.

"Galing mo ah." Pang asar naman niya sabay tawa, at inis naman akong tumingin sakanya. Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na at Swempre Last ako at First naman siya.

"Ayoko na nga to." Inis ko namang Sabi sabay tayo. Rinig ko pang tumawa siya bago sumunod naman sakin.

"Edi Ano bang gusto mong Laruin." Tanong naman niya.

"Tekken nalang." Sabi ko naman at gulat naman siyang napatingin sakin.

"Sure ka?"

"Oo bakit? Porket babae ako hindi ako Marunong mag Tekken Ulol." Sabi ko naman at siya naman hinila ko papunta dun sa Tekken.

"Wag kang umiyak pag natalo ka ah." Pang asar naman niya.

"Baka ikaw pa yung maiyak." Sabi ko naman. Umupo na kaming dalawa at namili ng Gagamitin. Nag umpisa na yung laro at tatlong Game ni laro namin pero lahat talo siya.
"Oh ano iiyak ka na ba." Pang asar ko naman sakanya na inis na tumingin sakin.

"Sa ibang laro na nga lang." Sabi niya at sabay hila naman sakin papunta dun sa Basketball.

"Hindi ako marunong nito." Sabi ko naman sakanya.

"Ako Bahala." Sabi niya at ininsert na yung token. Bumaba naman na yung mga bola at nag umpisa na siyang mag shoot. Gulat naman akong nanood sakanya at Wala siyang Na Miss na bola. Pagkatapos ng laro ay na beat pala niya yung high score.

"Wow ang galing mo pala mag shoot." Sabi ko naman sakanya.

"Swempre ako pa." Natatawang sabi naman niya. " gusto mo turuan kita?" Tanong naman niya sakin.

"Sige ba." Sagot ko naman at ngumiti na siya. Nag insert na ulit siya ng token at bumaba na yung mga bola.

"Ok so Ganito mag shoot." Sabi niya sabay shoot ng bola na Pasok. Pinasa naman niya sakin yung isang bola at nag shoot ako kaso Hindi pumasok. "Hindi kasi ganoon." Binigyan niya ako ulit ng isang Bola at Ginabay yung Kamay ko kung pano mag shoot ng tama. Nung shinoot ko na yung bola Pasokkkk. Sa sobrang saya ko nga napayakap pa ako sakanya pero Mabilis naman ako tinangal kaagad yun. At rinig ko namang natawa siya dahil namula ako.

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now