CHAPTER 23

870 23 3
                                    

ELAINE'S POV
"Yung mga May partner na ay tumabi nga muna." Sabi ng isa sa mga guro. Nag si Alisan naman ang lahat at halos ako nalang naiwan sa gitna. Nakita kong nakatingin lahat sakin, pero napansin ko parang tagos ang tingin at parang My bagay or tao ang tinitignan nila sa likod ko. Kaya lumingon ako ng dahan dahan paglingon ko ay nagulat nalang ako, kasi nakita ko si Axel na nakatingin sakin na My hawak na maliit na Papel na My (16) siya ang partner kooooo.

Lahat ay nakatingin lang saming dalawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, Hindi ako gumalaw sa pwesto ko. Nakita ko naman na nag angat ng isang kilay si axel sakin na parang nagtataka kung anong ginagawa ko. Nakita ko rin si Timothy  na masama ang tingin kay axel, pero nakatitig lang si axel sakin.

"Ano hindi ba kayo gagalaw?" Tanong ng isa sa mga guro. Pero hindi parin ako nakagalaw, masyado akong shock. Sa lahat pa naman nag pwede kong maging partner siya pa naman. Bwisit kang tadhana ka! PinagLoloko mo lang ako! Nag hihirap akong maka move on pero bakit ngayon sulpot, ng sulpot si Axel sa buhay ko. Nung lumipas pa ang ilang saglit at hindi ako gumalaw, ay Napa ngisi nalang si Axel at siya na ang lumapit sakin. Nung nakalapit na siya sakin ay hindi siya umimik at tumingin nalang sa mga guro.

"Ok, so alam niyo na kung sino partners niyo. Sila ang dapat palagi niyong kasama sa whole Field trip Ok." Tumango naman sila, pero ako ay nakatitig parin kay axel na nakatingin was mga guro. "So numbers 1-15 dito sa bus na nasa right ko and sa 16-30 dito sa bus na nasa left side ko." Nag umpisa ng pumunta sa assigned bus ang mga students, pero ako ay hindi parin gumalaw at nakatingin parin kay Axel. Nagumpisa na tong tumungo sa bus pero nung napansin niya na hindi ako sumabay, ay naglakad ito pabalik sakin at tinignan ako sa mata.

"Ano sasakay ba tayo sa bus, oh baka gusto mo maglakad nalang hindi naman Malay mga 12 hours siguro na lakad."

"Uhh-hhh" Hindi ako makasagot ng maayos. Napa ngisi nanaman ito at hinawakan ang Kamay ko at hinila na ako papunta sa bus. Ngayon ay nakasakay na kami sa bus, ako ay naka upo sa window seat habang siya ay katabi ko at naka upo sa aisle seat. nag umpisa ng umandar ang bus, pero halos 10 minutes na akong nakatitig parin kay axel. Hindi ko alam bakit hindi ko matangal ang tingin ko sakanya. Siya naman ay nakatingin lang sa cellphone niya. Pagkalipas nag ilang saglit ay bigla naman tong humarap sakin.

"Boung biyahe mo ba akong tititigan?" Tanong nito habang nakatingin sa mga mata ko. Umiwas naman ako kaagad ng tingin at tumingin nalang sa Bintana. Habang nag biyabiyahe ay nilabas ko ang cellphone at earphones ko at nakinig nalang sa music, habang nakatingin sa Labas nag bintana. Halos 4 hours daw ata ang biyahe namin, kaya nung mga isang oras na kami sa bus ay nakaramdam na ako ng paagod at pinikit na ang aking mga mata.

~ ~ ~

"Elaine."

"Elaine." Rinig ko na parang May tumatawag sakin, hindi ko naman binuksan ang mga mata ko kasi inaantok parin ako.

"Ma, maaga pa mamaya na." Sabi ko. Nakarinig naman ang ng mahinang tawa, at na tandaan ko na nasa field trip pala ako. Dahan dahan kong binuksan ang mata ko, at nakita kong nakatingin sakin si axel. Nung nabuksan ko na ng buo ay napansin kong nakasandal pala ako sa balikat niya. Ingat ko kaagad ang ulo ko at tumingin sa bintana, at naramdaman kong pumupula na mga pisngi ko. Nakarinig rin ako ng mahinang tawa, Shitttttt bakit naging ganito akala ko ba sa Bintana ako nakasandal kanina!!! Ilang oras kaya akong nakasandal sa kanya? Nakakahiya Bwisit bat ba kasi ako natulog. Nung naramdaman kong kumalma na ako, ay lumingon na ako at nakita kong nakatingin lang siya sakin habang naka ngisi.

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now