CHAPTER 28

776 30 8
                                    

ELAINE'S POV
"Let's go, you've seen enough." Pagtingin ko kung sino iyon ay nakita ko si Timothy. Pinunasan ko muna ang Luha na tumutulo sa mata ko bago tuluyan siyang tinignan. Hindi siya naka ngiti o naka simangot pero seryoso lang ang itsura. Kinuha nito ang Kamay ko at hinila na ako paalis. Sumunod lang ako sakanya hangang palabas na kami ng School kaya huminto ako.

"Saan ba tayo pupunta?" Takang Tanong ko.

"Anywhere but here." Seryosong Sabi nito. Binitawan ko naman ang Kamay niya na ikinagulat niya.

"May klase pa tayo!"

"Sa tingin mo makakapag focus ka pa as klase sa ganyang kalagayan?"

"Bakit ok naman na ako oh." Sabi ko at ngumiti pa ako.

"Alam kong hindi ka pa okay, kaya Tara na."

"Mamaya nalang at May klase pa tayo Tim."

"Kalahating araw lang mamimiss natin, sige na at May kasalanan ka pa sakin." Seryosong Sabi nito bago nito kunin ulit ang Kamay ko at nagtuloy sa paglakad. Sumunod nalang ako hangang makadating na kami sa sasakyan niya at sumakay na. Nag umpisa na tong mag maneho at hindi ko alam kung saan siya patungo.

~ ~ ~

Hindi kami nag usap ng buong biyahe. mahigit isang oras at kalahati na kami nag bibiyahe at nasa bundok-bundok na kami. Pagkalipas pa ng ilang saglit ay pumasok kami sa isang village at huminto sa garage ng isang may pagkalaki na bahay. Pinatay nito ang makina ng sasakyan at bababa na sana ng hawakan ko sa Kamay.

"Uhhh Tim nasaaan tayo?" Takang Tanong ko sakanya. na May pagkahalong alala.

"Wag kang mag alala nasa tagaytay tayo. Hinto lang tayo saglit dito sa bahay para mag palit." Pagpapaliwanag nito.

"Wait bahay mo to?" Ikinagugulat na Tanong ko.

"Oo." Sagot nito at bumaba na ng sasakyan. Sumunod na ako sakanya at nagulat ako nung nakita ko ang loob ng bahay niya. Ang laki pala at ang Ganda parang pang mayaman ang dating. Pagpasok namin ay tingal nito ang sapatos tapos tumingin sakin, kaya tinangal ko rin ang akin. Sinabihan akong magantay saglit tapos umalis, pag balik nito ay binigyan ako ng pair ng slippers. Hindi ito yung normal na slippers kasi malambot ito.

Pumasok na kami sa sala niya at nagulat ako nung nakita ang 65 inch na Tv na May Xbox at PS4 pa na connected. Mosty ang mga colors na makikita mo sa loob ng bahay ay White, Grey, dark grey o black. Talagang pang modern house ang style. Sinabihan ako nitong sa sala muna bago tuluyan tumungo sa second floor ng bahay niya. Gumala gala naman ako sa loob at nung mapunta sa terrace ay nakita ko ang isang maganda view ng mga bundok. Lumabas ako sa terrace at grabe ang lamig ng hangin.

Pagkalipas ng ilang saglit ng paghanga sa view ay pumasok narin ako habang tumitingin sa loob ay napansin ko ang isang picture frame na nakalapag sa Desk. Kinuha ko to at nakita ko ang isang bata na May kasamang lalake at babae. Siguro nanay at Tatay niya to. Nung Tinignan ko yung picture ng maigi ay parang familiar sakin yung lalake bago ko tuluyan pag aralan kung bakit, ay May biglang humablot ng picture frame sa Kamay ko. Pagtingin ko kung sino yun ay is Timothy yun na nakapalit na. Naka maroon na hoodie siya at black na skinny jeans.

"Ay sorry medyo pakielamera kasi ako Eh."

"Hindi, okay lang." Binigyan ako nito ng Blue na skinny jeans, plain White na shirt at Grey na hoodie.

"Para saan to?"

"Mag palit ka muna. Malamig dito at mamaya Ginawin ka pag naka uniform ka."

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now