CHAPTER 60

457 9 0
                                    

ELAINE'S POV
"Ano na Elaine ang tag—" Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at hinalikan na siya. Habang nakapikit ako at hinalikan siya, ay parang Iba ang feeling. Kasi parang hindi pisngi to, nung binuksan ko na yung mata ka ay.

SHIT SA LIPS KO SIYA NAHALIKAN.

Nung narealize kong Sa Lips ko siya hinalikan ay Tinulak ko kaagad siya, natumba naman siya Pahiga sa Kama niya. Napahawak naman ako sa Labi ko at First Kiss ko to, parehas kaming napatitig sa isat isa habang parehas hawak ang kanya kanyang Labi. Sobrang bilis naman ng Tibok ng puso ko, at ramdam kong namumula na ako.

"Bakit mo ako Hinalikan sa Labi!?" Natataranta kong Tanong sakanya.

"Ikaw kaya tong humalik sakin."

"Eh ikaw tong Humarap sakin bigla!"

"Eh ang tagal mo Eh, kaya May sasabihin sana ako pero bigla ka namang humalik." Bakit ka ba kasi nakapikit?" Sabi naman ni Axel.

"Kaya nga Pumikit ako diba, para Ma halikan na kita at kinakabahan ako Pag nakadilat ako." Pagpapaliwanag ko naman.

"Bakit ka ba tarantang taranta eh Halik lang naman Ah." Sabi pa niya.

"Malamang First Kiss ko no, kaya natataranta ako!" Natatarantang sagot ko naman.

"First kiss ko din naman ah, pero hindi ako natataranta."

"Natataranta ako at hindi Ganitong paraan ko gusto mag ka first kiss." Inis na Sabi ko.

"Edi Ito Balik ko!" Sabi niya at bumangon sa pagkahiga.

"Ha Anong Bal—-"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko, ng bigla niya akong Hinila palapit sakanya at hinalikan ulit. Medyo na shock pa ako sa ginawa niya, pero nung nakabalik na ako sa realidad ay Pumiglas ako sa Pagkahawak niya at tinulak siya.

"Bakit mo ako Hinalikan!!!" Natatarantang Sabi ko. Bumilis naman ulit pag tibok ng puso ko at parang sasabog na.

"Sabi mo ayaw mong ganoon Yung first kiss mo kaya binalik ko." Sabi naman niya.

"HA!? pinagsasabe mo! Hindi na pwede ibalik yun, baliw ka ba!?" Natatarantang Sabi ko naman. Dalawang beses na kaming nagkahalikan ni Axel ngayon, shit bakit ba ako Pumayag na bantayan siya ngayon.

"Malay ko ba, Eh natataranta at nagpapanic narin ako!" Natatarantang Sabi naman niya. Huminga naman ako ng malalim ng Paulit ulit hangat Kumalma na ako, Kailangan ko makapag isip. Tumungo na palabas ng Kwarto ni Axel.

"Sana Ka naman pupunta!?" Takang Tanong niya.

"Kailangan kong Makapag isip sa nangyare, at para kumalma rin ako." Sagot ko naman.

"Pano ako Dito lang ako?"

"Diba Sabi ko kanina matulog ka Na, Ikaw pa kasi itong Ma kulit at hindi Pumayag. Kung sana hindi ka na Nagkulit at sumunod nalang, ay sana hindi mo ako Hinalikan." Sabi ko naman sakanya.

"FYI Ikaw unang humalik sa Labi." Sabi naman niya.

"Pero Ikaw tong humalik ulit at Masmatagal yung halik mo." Sabi ko naman.

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now