CHAPTER 34

715 21 4
                                    

ELAINE'S POV
Ginising na kami nila Mama ng 5:00am para makapag prepare na kasi 7:00 daw Alis namin. Naligo, kumain at Nilagay na namin mga Gamit namin sa Kotse. Pagkalipas ng Ilan pang Minuto ay Umalis narin kami as Bahay. Naka sunod lang din samin yung sasakyan nila Axel. Halos Dalawang oras daw ang biyahe kaya Natulog nalang kaming dalawa ni Timothy kasi pareho kaming puyat at pagod pa.

~ ~ ~

Pagkalipas ng dalawang oras ay nakadating narin kami sa tagaytay. Nagulat ako nung huminto kami sa tapat ng isang Malaking Bahay. Bumukas naman ang gate nito at pinasok na namin yung dalawang kotse at bumaba narin kami.

"Ahhh Pa Nasaan tayo? At kaninong bahay to?" Takang Tanong ko naman.

"Sa Lola at lolo mo." Sagot naman ni Dad. Nagulat ako kasi first time ko dito, at hindi ko alam na May ganitong bahay sila lolo at Lola. Oo medyo malaki yung bahay nila pero hindi ko alam marami pala silang malalaking bahay.

"Ahhhh. Bakit ngayon palang ako nakaPunta dito."

"Naka punta ka na dito nung bata ka pa, pero siguro na kalimutan mo na." Sabi naman ni Mama

"Huh? Ilang taon ba ako noon ma?"

"1 Year old Hehhehe." Natatawang sabi ni mama.

"Kaya naman pala hindi ko na maalala eh."

"Oh sige na pasok na tayo sa loob at gisingin mo na si Timothy." Sabi ni Dad at pumunta na to at nakipag usap sa Tatay ni Axel. Nakita ko naman si Axel na nag baba narin ng mga gamit nila. Pagtingin ko sa sasakyan tulog parin nga si Tim, kaya nilapitan ko to at panalo ng bote ng water sa ulo.

"Aray!!" Sabi nito at hinawakan ang ulo.

"Hoy gising na andito na tayo."

"Tss. Kailangan pa talaga mamalo no." Inis na Sabi nito. Bumangon na to at bumaba na ng sasakyan. Habang binababa namin mga gamit namin sa sasakyan, ay biglang bumukas yung pinto ng bahay at May lumabas pamilyar na matandang babae nasa 50 - 60 years old na siguro.

"Magandang umaga and Welcome to The TT mansion." Malakas na Sabi nito. Natawa naman kaming lahat pati narin sila Dad. Lumapit naman na si Dad dun sa May edad na babae

"Magandang umaga rin aling Tessa, Sabihin mo nalang sasusunod Tagaytay mansion Kesa TT Mansion." Natatawang sabi ni dad at niyakap si aling Tessa.

"Hayyy nako Theodore Alam mo namang yun tawag ng Dad mo dito eh, Swempre sumusunod lang ako." Natatawang sabi ni aling tessa. Si Aling tessa ay Yaya ni dad nung bata siya, pero usually andun siya sa bahay nila lolo at Lola. Mabait si Aling Tessa inaalagaan rin ako niyan tuwing andun ako sa bahay nila Lolo at Lola. Napansin ko pang parang May binulong si Dad sakanya bago nakipag Hiwalay sa Yakap.

"Ikaw pa talaga pinadala ni Dad dito para mag asikaso samin." Sabi naman ni Mom bago yakapin rin si Aling Tessa.

"Swempre Emilia, ako naman palagi pinapa asikaso sa mga ganito eh. At matagal narin akong Hindi nakapunta dito kaya masaya rin akong ako yung pinadala nila. Tsaka nasa Hongkong sina Don ang Donya Vincir."

"Oo nga pala Aling Tessa. Ito nga pala si Mr and Mrs Rivera at ito ang mga anak nila sina Axel at Arie Rivera and Ito naman si Timothy Parson." Pagpapakilala ni papa sakanila. Nginitian naman sila ni Aling Tessa. "At Swempre ang Daughter namin si Elaine." Sabi ni Dad Lumapit naman ako kay Aling Tessa at niyakap siya.

"Grabe dalaga ka na elaine at ang Ganda Ganda mo pa."

"Salamat Aling Tessa na miss ko ho kayo." Sabi ko naman

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now