CHAPTER 4

1K 30 0
                                    

ELAINE'S POV
"Kasama ko siya." Biglang sabi ng umakbay sakin. Parang familiar tong boses ah. Kaya pagtingin ko kung sino iyon, ay laking Gulat ko ng si Tim... si Timothy yung umakbay sakin. Napatitig nalang ako ng gulat sakanya, tumingin rin ito sakin at nginitian ako at saka binalik ang paningin Kila Axel. Puta anong ngiti yun ang Ganda nakaka ano, nakaka baliw...

"Ahhh, ganoon ba." Nahihiyang sabi pa ni Axel. "Ay ako nga pala si Axel at siya naman si Kiara 'Close Friend ko." Nilahad naman ni Axel ang kamay niya na tinangap naman ni Timothy. Bwisit yan andiyan nanaman yung 'Close Friend' Hindi pa kasi sabihin Kung ano talaga sila.

"Ako naman si Timothy. 'Close Friend ni Elaine." Nakangiting sabi nito Kay Axel. Napatingin naman ako ng gulat dito. Pagkatapos makipag kamayan nito Kay Axel, ay nakipag kamayan din ito Kay Kiara. Kaya sa hindi ko alam kung bakit, ay kinuha ko ang kamay ni Axel at nakipag kamayan dito. Na ikinagulat ni Axel.

"Elaine." Sabi ko naman Kay Axel Habang hawak parin kamay nito.

"Ha? Anong pinagsasabi mo!? Bitawan mo nga kamay ko!" Binawi naman nito yung kamay niya. "Bat ka nakikipag kilala sakin eh magkakilala na tayo. Tanga! Kay Kiara ka mag pakilala Hindi sakin!" Inis pa na sabi nito. Bigla naman hinawakan ni kiara sa balikat ito.

"AX wag ka ngang magsungit diyan." Malambing na sabi nito. Napanguso naman si Axel. AX ano siya itak? Ax, Ax ka diyan Baka gusto mong upakan kita diyan eh. Nilahad naman nito bigla ang kamay niya kaya tingangap ko ito. "Kiara." Nakangiting sabi nito. Grabe pati pala ngiti nito maganda kaya pala gusto siya ni Axel. Malungkot na sabi ko sa sarili.

"Ahh... Elaine." Sabi ko naman. At saka Ngumiti rin.

"Kia Tara na." Yaya naman ni Axel dito. Mabuti pa siya tinatawag mo gamit nickname niya, eh ako kailan mo ba akong tinawag na Ela. Tss...

"Umm.... Elaine, Timothy wanna join us for dinner?" Tanong naman ni kiara.

"Uhh.. ay Hindi na nakakahiya naman." Nahihiyang sabi ko.

"Hindi ah... it's fine. Sige na join us for dinner. Para masmakilala natin ang isat isa." Nakangiting sabi pa ni kiara.

"Ahh.. Um. Si——-"

"Ah hindi na, May pupuntahan pa kasi kami ni Elaine eh. Next time nalang siguro." Biglang singit ni Timothy na ikinagukat ko.

"Ay ganoon ba? Sige next time nalang siguro." Nalulungkot na sabi ni Kiara.

"Ah Sige. oh Kiara, Axel mauna na kami ni Elaine ah." Paalam naman ni Timothy.

"Sige Byee, nice meeting you." Paalam rin ni kiara.

"Nice meeting you rin." Sabi ni Timothy at sabay talikod, kaya tumalikod narin ako. Habang naglalakad ay Lumingon ako at pag lingon ko kita ko na masama na nakatingin si Axel samin. Pero Hindi ko nalang pinansin at nagtuloy tuloy nalang Pagsabay Kay Timothy. Pagkalipas ng ilang saglit na walang nangyaring usapan samin ay nagsalita na ako.

"Umm... Timothy mauna na ako." Paalam ko At tumalikod na ako sakanya. Nang nagumpisa na ako maglakad, ay may biglang humawak sa balikat ko. Kaya lumingon naman ako.

"Saan ka pupunta?" Tanong namin ni Timothy.

"Uuwi na."

"Hindi pwede." Sabi naman nito na ikinagulat ko.

"Ha... Bakit?" Gulat na tanong ko

"May pupuntahan pa tayo diba."

"Saan?"

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now