CHAPTER 70

338 9 1
                                    

ELAINE'S POV
Ang Napili ni Jane ay Blue Na Dress, Kay Sam ay Silver Habang sakin ay bright Red na Dress. Habang nag lalakad kami sa mall ay Bigla akong hinatak ni Sam at ni Jane sa isang tabi.

"Oh Bakit?!" Taka kong sabi.

"Hindi ba Yung Dad mo yun." Turo ni Sam at paglingon ko ay Si Dad nga.

"Oo bakit?"

"Eh Hindi Ba Si Jericho yung Kasama niya?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Sam at pag Tingin ko ulit ay si Jericho nga. Nagkatinginan naman kaming tatlo, at sabay sabay na nagtaka.

"Ummm Bakit magkasama si Tito Theo At si Jericho?" Takang Tanong ni Sam sakin.

"Hindi ko din alam." Sagot ko naman. Alam kong magkakilala siguro si Dad at si Jericho kasi Kaibigan ni Dad Yung dad ni Jericho, pero Hindi ko naman alam na nag uusap sila ng ganito.

Sinundan naman namin sila Dad and Jericho at Mukhang May pinauusapan sila. Nasa parking area na kami ng mall ngayon, at nagtatago Lang kaming tatlo Habang sinusundan si Dad and Jericho.

Habang nag uusap sila ay laking gulat namin nung Sumisigaw na si Jericho kay Dad. Hindi namin maintindihan kung anong sinasabe niya, at Medyo malayo kami at May maingay na parang Generator na Tunog dito sa parking lot.

Kahit parang galit na si Jericho Ay Walang reaction si Dad at Normal Lang niyang kinakausap iyon. Sa huli ay Sumakay na si Dad ng sasakyan niya at umalis na. Si jericho Naman ay sinipa pa yung pader bago sumakay sa sariling sasakyan at umalis. Pare-parehas kaming tatlo na nagkatitigan saglit.

"May narinig ba kayo sa pinag uusapan nila?" Takang tanong ni Sam.

"Wala nga Eh."

"Wala Maingay masyado Wala akong maintindihan." Sabi ko naman.

"Kita mo dun sa Dulo ng usapan nila Nagagalit ata si Jericho sa Dad mo." Sabi naman ni Jane sakin.

"Oo nga Eh, pero parang walang pake si Dad Sa sinasabi ni Jericho." Sabi ko naman.

"Ano naman kaya ang Pinag uusapan nila?" Takang sabi nalang ni Sam.

"Pati ako na cucurious eh."

"Hindi mo naman sinabi samin Elaine na close pala si Tito Theo at si Jericho."

"Hindi ko din alam na ganito sila ka close. Alam kong magkakilala sila ay kaibigan ni Dad ang Dad ni Jericho. Pero Hindi ko alam na nag uusap pala sila." Sagot ko naman.

Bumalik pa kami sa mall at naglakwatsa, ilang beses rin naming pinagusapan ang Usapan nila Jericho at ni Dad. Napa isip nalang ako Si Tim kaya alam ba niya na nag uusap si Jericho at si Dad? Pagkatapos namin mag lakwatsa ay Hinatid narin ako Nila Jane at Sam tapos umalis narin sila.

Kahit pag uwi ko ay Iniisip ko parin yung nangyari kanina. Ano naman kaya pinagusapan nila Dad and Jericho? Kahit sila Sam at Jane ay Curious rin, kaya Habang pinagusapan namin yun ay May naisip si Sam na pwedeng gawin. Sabado na ng tanghali at nag lulunch kaming Apat ngayon sa bahay.

"Elaine kailan pala Yung prom niyo ulit?" Biglang tanong ni Mom.

"In Two weeks Mom, at nakabili narin ako ng Dress kahapon sa 'MALL'" sagot ko naman at nilakas yung Pag Sabi ng mall, pero walang reaction si Dad at nagpatuloy Lang siya sa pag kain.

"Mabuti naman at ready ka na. Ikaw Tim Hindi ka pa Bibili ng Tuxedo mo or meron ka ng susuotin?" Tanong naman ni Mom Kay Timothy.

"Hindi po ako aattend sa Prom, kasi May pupuntahan po ako." Sagot naman ni Timothy Kay Mom.

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now