CHAPTER 6

950 26 0
                                    

ELAINE'S POV
"May I sit here?" nakangiting tanong sakin ni Timothy.

"Uhhh... umm...," hindi ako makasagot. Titig na titig ako sa ngiti niyang kay ganda. Parang ako, joke! Hahhaha.

"S-sure," natural na sagot ko. Mas ngumiti naman ito at umupo na sa tabi ko. Naglapag ito ng isang piece ng black forest cake sa harap ko. Napatingin naman ako sakanya.

"Uhh, ano yan?" Takang tanong ko.

"Cake malamang, ano ba sa tingin mo, Shanghai?" natatawang sabi pa nito. Bwisit talaga to ah. Nagtatanong ako ng maayos eh.

"Alam kong cake yan! Pero bat mo nilapag sa harap ko?"

"Malamang, para kainin mo. Eh ano paba gagawin sa cake? Hahahaha," tumawa pa ito at napatitig ako sa ganda ng ngiti at pag tawa nito.

"Umm... thank you pero medyo busog na ako eh," nahihiyang sabi ko, kahit Hindi naman talaga ako busog. Ano ba kasi ginagawa nito dito? 'Bat sakin pa tumabi?

"Kakainin mo yan o ipapakain ko sayo yan?" nagbabantang sabi nito at ngumisi pa ito.

"Oo na, sige kakai—"

"Teka lang," Biglang singit ni Sam. Puta, nakalimutan ko kasama ko pala si Sam at Jane. Parang si Timothy lang kasi nakikita ng mga mata ko.

"Sino siya? At ano ang relasyon niyo?" takang tanong ni Sam na nag angat pa ng isang kilay.

"Timothy," nakangiting pagpapakilala pa ni Timothy habang nakipag kamayan pa sa dalawa.

"Jane," pagpapakilala naman ni Jane.

"Sam," pagpapakilala naman ni Sam. "So ano nga kayo?" tumingin naman silang dalawa samin ng nagtataka. Nag tinginan naman kami ni Timothy.

"Uhh... friends...umm I mean, 'Close Friends'," panggagaya ko sa sabi ni Axel tungkol sa kanilang dalawa ni Kiara.

"Actually....we're closer than just 'Close Friends'," biglang singit naman ni Timothy, na umakbay pa sa upuan ko, at kitang kita ko pang sumulyap sa puwesto nila Axel.

Tumingin naman ako ng medyo gulat dito pero nginitian lang ako nito. Nagsi-tingininan naman mga babaeng nakaupo malapit samin, kasi rinig na rinig mo talaga ang malakas na pagkasabi ni Timothy kanina ng 'We're Closer Than Just 'Close Friends'. Puta, ano ba sinasabe ng lalakeng ito. Pero bat hindi ako makatanggi?

"Yieeeee," pag-aasar naman nila Jane at Sam.

"Ikaw Ela ah, hindi ka na nagkwekwento samin."

"Oo nga, magtatampo na kami sayo." sabi naman ni Sam na nakatingin ng nanunuksong itsura. Bwisit, 'bat ba ito ginawa ni Timothy? Tadtad nanaman ako nitong dalawa mamaya eh.

"Ehhh...nakalimutan ko lang." pagsisinungaling ko naman sakanila. Nginitian naman ako ni Timothy, tapos biglang pinulot yung fork ko at kumuha ng maliit na piece ng cake, tapos itinapat sa bibig ko yung fork. Tumingin naman ako dito nang gulat, at parang hindi alam ang gagawin.

"Ahhh~" sabi naman nito. Hindi naman ako ngumanga kasi medyo shock parin ako sa nangyayare. "Ahhh, sabi eh." pag-uulit nito at  masama na tumingin sakin. Kaya ngumanga nalang ako nginisian muna ako nito bago isinubo ang cake sa bunganga ko.

"Yieeeeeee!" malakas na tili nila Jane at Sam, at tumingin pa sakin ng nanunuksong tingin. Omg.... ano ba nangyayare!? 'Bat ganito si Timothy sakin!? At 'bat hindi ako makatanggi sa mga ginagawa niya!? Omg... omg. Na strestress na ako.

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now