Looking for Adventure?

3.1K 60 2
                                    

ZAC’S POV

                “You really look exactly like Zandro.”

                Ika-100 nang komento sa mukha ko ni President Yang a.k.a. Lola Melinda. Exaggerated ba? Gusto nyo bang bilangan natin? Sige tara magflashback sa mga nangyari from the first day na nakita ako ni Lola sa accident kuno nya.

[Author: Hoy Zacaryo! Bawal muna magflashback, madami pang chapters na susunod. Wag kang masyadong chismoso. LoL.]

                Ooppps. Ayan sabi ni Miss A bawal daw magflashback.

                “Lola naman, mas gwapo naman ako sa lolo ko.”

                “Hay naku, pati ugali parehong pareho kayo, masyadong bilib sa sariling hitsura.”

                “Sus. Naggagwapuhan ka naman kay Lolo ko, kaya ka nga nainlove dun nung kabataan nyo eh.”

                Ang lolo ko kasi ang first love ng lola ni Tin, hindi nga lang daw sila nagkatuluyan dahil engaged to be married na si lola nang magkakilala sila. Uso kasi that time ang arranged marriage, si lolo kasi babagal bagal, hindi agad itinanan.

[Author: Nagsalita ang mabilis dumiskarte.XD]

                Teka lang Miss A, bakit ka ba nakikisali ngayon sa story? Dati naman hindi ka kumocomment ah. Psh.

                On a second thought mabuti na lang hindi sila nagkatuluyan, kung nagkataon walang Zac and Tin ngayon kasi hindi mabubuo ang mommy ko na anak ni Lolo Zandro, pati na din ang anak  ni Lola Melinda na si Tito Marcus.

                Speaking of Tito Marcus, sa kanya yata nagmana si Tin nang pagiging moody. Aba bigla ba namang bumait sa akin at niyaya pa akong sumama sa kanila sa vacation house nila sa Batangas. Kaya heto ako with my stuffs, ready to go na kasama nila.

Kasama din nga pala namin sina Reesh, Eid, Stan at present girlfriend ni Stan na si Khloe. Take note, hindi si Khloe ang date ni Stan during the MVH ball, iba pang babae yun. Kilala nyo naman si Stan di ba.

Kung hinahanap nyo naman sina Alex at Dave, busy sila sa magulo nilang love stories with Abby, Hana & Cara. Ikukuwento ko pagbalik namin mula sa probinsya ha, chillax lang.

                On the way to Batangas riding Yang family’s coaster. Aish! Badtrip naman ‘tong seating arrangement na ‘to.

Biruin nyo ba namang katabi ko ang sweet na sweet na kulang na lang langgamin na couple, sina Eid at Reesh, magkahilig pa mga ulo nila while sharing a set of earphones.

My Mystery GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon