Zac's Advice

3.9K 68 1
                                    

ZAC’S POV

Maggagabi na, we’re still here sa rooftop ng school building. After ng mga nangyari kaninang lunch break, hindi na kami umattend ng klase. Ayaw pa nga nyang samahan ko sya dito pero hindi ko naman sya pwedeng iwanang mag-isa sa kondisyon nya ngayon. Concerned nga ako di ba.     

       

“Wala ka pa bang balak umuwi?” ako. She was standing behind the railings ako naman nakaupo lang sa bench.

“Kapag kaya nahulog ako from here mamatay na ako?”

Aba, may balak pa yata mag-suicide ang isang ‘to. Teka nga, hindi uubra kay Zachary Jung yan. Ang ginawa ko, iniupo ko sya sa railing so her feet were hanging sa building, medyo malapad naman yung inuupuan nya.

“Jung ano ba?” napayakap sya sa leeg ko. “Papatayin mo ba ako?” hindi sya tumitingin sa ibaba, takot siguradong mahulog. haha.

“Akala ko kasi may balak kang mag-suicide, tutulungan na sana kita.”

“Baliw ka talaga.” sabay tulak sakin, muntik sya ma-out of balance kaya napayakap sya ulit sakin.

“Takot ka naman pala, may pagtatanong ka pa ng ganun.”

“Ibaba mo nga ako dito, baka mahulog ako.”

“Dito muna tayo, kwentuhan tayo.” naupo ako sa tabi nya. “You almost debuted with AMETHYST di ba, so kilala mo yung Anja na gf ni Kai.”

“Yeah, she’s like my sister. I always believe she’s a nice girl. Kahit ayaw sa kanya noong una ng mga groupmates namin kasi medyo self-centered sya, I still managed to be friends with her. We live on the same dorm anyway. Nice din naman sya sakin. Whenever lumalabas kami ni Kai sa Korea, isinasama ko sya. Naging close din silang dalawa eventually and the next thing I know, sila na. Hindi man nila inamin sakin pero sapat nang proof that I saw them kissing. I begged her too na ibalik sakin si Kai, kasi si Kai na lang ang meron ako samantalang sya, after ko ma-accused of poisoning AMETHYST’s supposed-to-be-leader na si Nicole, she earned the leader title. Pero walang nangyari, she love Kai daw eh.”

“Masokista ka din noh? Gustung-gusto mong nasasaktan ka.”

“Gusto mong ikaw ang masaktan sakin?”

“Joke lang, Chill.” ako. ^____^ “So how do you feel now..... after seing Kai’s interview?”

She clutches her fist tight before answering me.

“I’m just so angry right now. I’m mad at him. Wala akong ibang ginawa at ipinaramdam sa kanya kundi puro pagmamahal lang, but all I got from him is pain and denial. Matatanggap ko naman kung si Anja na talaga ang nasa puso nya pero sana hindi naman nya ako idineny. Kasi Jung naging girlfriend naman talaga nya ako eh.” she was crying again.

I put my arms around her shoulder to comfort her. And then may naisip akong idea. O, wag kung anu-anong iniisip. Niyaya ko lang sya tumayo sa kinauupuan namin. Syempre ayaw na naman nya.

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now