Chapter 10 - Her Views

4.4K 81 3
                                    

[a/n: Finally! It's Kristen's POV na. Medyo lumilinaw na yung story. hehe. Pasensya na po kung ngayon Chapter 10 lang. Bonggang kwentuhan din po ang part na 'to. Enjoy reading. Comment na din po kayo. Like kapag nagustuhan. Salamat po.]



KRISTEN'S POV

                It was probably the worst night of my life. I was accused of poisoning my own friend. Ginawa ko daw yun kasi I want to be the group leader, but all I want is to dance and to show my talent. Siguro one time nasabi ko na it'll be fun if I'll be the center of the group pero hindi ko kahit kailan inisip na mang-agaw ng position ng kagrupo ko lalo na to hurt them para lang makuha yung posisyon na yun. 

Hindi man lang nila ako hinayaang i-explain ang side ko. How could they ever believe that I am capable of doing it? I feel so alone, so helpless. I ran out of my room, I need him beside me. I know he's the only one who can make me feel better, that one guy who has been my bestfriend, brother, my boyfriend. 

Alam ko, he's on their group's PR (practice room), so I went there. Non-stop pa din ang pagpatak ng mga luha ko habang naglalakad ako sa lobby ng building where his PR is located. Then I bumped into someone. I wasn't able to see his face, lumalabo na kasi ang paningin ko but I heard his apology. Hindi na ako sumagot, all I want was to reach the PR and see Kai. 

But when I opened the door, I was dumb-founded, too shocked to make a move. I just saw Kai and Tanya, the girl who I treated as my own sister, making out. The next thing I know may sumuntok kay Kai coming from my back and dragged me out of the PR afterwards. 

Pinasakay nya ako sa isang cab pero bago nya isara yung door ng cab he gave me a hanky and said, "Don't shed tears for him. He's not worth it."

                

And then I woke up. 

That dream still haunts me. 

Sana nga dream lang yun eh, pero hindi eh, it really happened to me. 4 months ago, nasira lahat ng pangarap ko, lahat ng pinaghirapan ko nawala. 4 months na akong parang zombie, gumagalaw pero walang buhay. 

Another dull day will start now that I'm awake.

                Bumukas ang pinto ng kwarto ko, it was my mom. Lumapit sya sakin at sinalat ang noo ko.

                "Good thing bumaba na ang lagnat mo." si Mommy. Naupo sya sa tabi ng kama ko. 

"Gusto mo bang malaman kung paano ka nakauwi?." hindi ako sumagot. 

"Yung ikinuwento mo sakin na kaklase mong magde-debut sa Korea with his group, si Mr. Jung, sya ang naghatid sa'yo dito. 

She heaved a sigh bago nagpatuloy. "Nakita ka daw nya sa labas ng bahay nina Kayzer."

                Napatungo na lang ako upon hearing may ex-boyfriend's name. 

Oo ex ko na sya, iniwan na nya ako, ayaw na nya sa akin pero hindi ko pa din matanggap na wala nang kami.

                "Hindi ako magagalit. Naiintindihan kita anak." si Mommy. 

Napatingin ako sa kanya nang hawakan nya ang mga kamay ko, umiiyak sya. 

"Alam kong nasasaktan ka pa din pero sana tulungan mo ang sarili mo. Hayaan mong tulungan ka din naming mabawasan ang sakit na nararamdaman mo. Nandito lang kami palagi para sa'yo." dahan-dahang ibinaba ni Mommy ang kamay ko, nagpunas ng sarili nyang luha at ngumiti. "Alam kong nagugutom ka na, ipaaakyat ko na lang dito ang pagkain mo."

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now